read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Suman sa Ibos : Isa itong Kakaning pinoy na gawa sa glutinous rice na niluto sa coconut milk at binalot sa dahon ng niyog. Kaninang umaga pumunta ako sa tindahan ng kapitbahay namin na may sari-sari store. Bibili sana ako ng kape at tinapay dahil kakauwi lang ni Hubby galing work. Nakabili na ako ng tinapay ng may makita ako suman balinghoy at suman sa Ibos. Kaya sabi ko kay ate jean ( Tindera) Magkano ang suman? Sabi niya 3 for 20pesos daw un suman balinghoy at 4 for 27pesos un suman sa ibos. Napabili talagah ako dahil paborito ko toh.Naalala ko nung bata pa ako lagi ito kinakaen ko after namin umuwi galing sa pag simba sa Simbahan ng Mamatid sa Cabuyao,Laguna. Noong bata pa kase ako may asthma ako paniniwala ng mga matatanda noon pag namanata ka sa isang santo eh gagaling ka.Kaya naman ganun din ang ginawa ng mama ko para gumaling ako sa asthma ng bata pa ako. Back tayo sa suman hehe grabe namiss ko talaga to hindi ko matandaan kung kelan ako huli kumain nito. Siguro lagpas 10years na din hehe. Kaya sinulit ko talaga bawat nguya haha: )

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.