Miles kulit : ) Ito nga pala ang bago kong pet na si Miles. Noong Holyweek kase dun kami nagbakasyon sa pamilya ng asawa ko at everynight ibat-ibang bahay ang tinutulugan namin para hindi sila magtampo Haha Sa second day namin dun kami nag stay sa mismong bahay nila pero ang nakatira na ngayon dun ay ang kapatid na babae ng asawa ko. Hiwalay kase ang parents ng asawa ko at may kaniya-kaniya na silang kinakasama.Dapat kami ang titira dun dati kaso ayoko dahil malalayo ako sa parents ko kaya nagsisisi ako ngayon kase nakakahiya na paalisin un hipag ko dun diba? Haha Malaki na din kase ang naayos nila sa pag papaayos sa bahay. Balik tayo kay Miles hehe .. Nakita ko tong kuting na to sa bahay nila sabi ng hipag ko itatapon na daw niya naawa naman ako kaya sabi ko akin na lang iuuwi ko sa Cavite. Wala din kase kaming pusa namatay kase si Snow kaya nalulungkot un kapatid niyang si Moshii. Kaya naman ibiniyahe ni Hubby ang pusa na to mula Cabuyao hanggang Cavite.Inilagay niya sa kahon at itinali sa motor. Super sweet ng pusa na ito skin feeling niya siguro ako nanay niya charrr! haha ..Gusto lagi katabi namin matulog actually para nga siyang aso pag tinawag ko siya sa pangalan niya tatakbo siya agad : ) Medyo mapili nga lang sa pagkain ang pusa na to haha kaya naman namomroblema ako lagi sa ipapakaen haha .. Siguro ganun kase kinasanayan niya sa bahay ng Hipag ko di kase sila kumakain ng isda puro Barbeque at chicken kaya pati pusa sosyalin din charr.
2 comments
ang cute nang kulay may combination na brown ang linis talaga tingnan pag white color yong pusa noh gandang ganda talaga pag ganyn kulay nila sis,bakit naman itatapon sis kung hindi naman nagpasaway kawawa naman buti inampon mo sis
Nakakatuwa naman ang pusa na yan...mas mabait at maamo alagaan ang pusa sis :) dito sa bahay may alaga din mga anak ko sa labas nga lang siya ng bahay binibilhan kasi siya ng cat food Kaya dito na sa bahay tumatambay :)