read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Creepy Part 2 : Itim na usok Noong Huwebes bandang hapon hindi ko sure anong oras yun basta natulog ako saglit ng magising ako dahil sa isang masamang panaginip. Bastah natatandaan ko lang sa panaginip ko ay nasa tapat ako ng ref namin sa kusina na may humila ng buhok ko sa taas ng ref hindi ako makaalis at naghahanap ako ng tutulong sa akin. Tinatawag ko ang Diyos sabi ko " Diyos ko tulungan mo po ako gisingin mo ako" Yan ang turo ng Nanay ko noon bata pa ako tumawag ako sa Diyos sa tuwing hindi ako magising sa masamang panaginip ko at nagigising naman ako at magpapasalamat sa kaniya. Lumabas ako saglit sa bahay namin para magpahangin at naikwento ko nga sa mama ko na binangungot ako. Maya-maya ay umuwi na ako dahil hapon na kailangan ng magluto para sa hapunan. Saglit kong binuksan ang cellphone ko at bibisita dito sa platform ng biglang nag chat ang kapatid ko sakin . Sabi niya skn ipatawas ko daw si papa sa albularyo kakilala namin si Lola Jasmin. Sobra akong nabahala sa sinabi ng kapatid ko. Nakita daw ang Helper, ang Tatay namin na iniikutan ng isang itim na usok habang nagagawa ng breaker sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Subic. Nanginginig ako sa takot at kaba ng mga Oras na yun kaya agad kong kinontak ang albularyo na aming kakilala .. Pero hindi ko siya makontak ng oras na yun.. To be continued ...

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.