Bulanglang Ilang araw nadin maulan dahil sa low pressure area kaya naman talagang napakalamig ng panahon.Sa ibang lugar ay nakakaranas pa nga ng baha maswerte na din kami at ulan lang ang aming nararanasan dito. Dahil maulan ang panahon masarap humigop ng sabaw. Naisipan kong magluto ng bulanglang dahil sariwa ang sitaw at kalabasa masustansya lalo sa panahon ngayon kailangan ng katawan ng pampalakas dahil usong uso ang trangkaso at ibanpang mga sakit. Nagenjoy naman kumain ang mga bata at si Hubby kahit di siya mahilig sa gulay hehe. Basta may piniritong tuyo okay na siya.
1 comment
sarap so healthy nyan