read.cash Log in
@Kyshin more from that month

FAMILY Dahil kumpleto kami nitong nakaraan Sunday naisipan ng Kapatid ko mag ihaw ng Manok. Masaya kami dahil nakauwi na din sila papa galing sa Subic at napag pasyahan namin na wag na sila pabalikin doon dahil nga sa nangyari. Pinagamot na nga pala namin si Papa sa albularyo dahil kahit sino talagah tumingin isa lang ang sinasabi awa ng Diyos ok naman si papa ngaun. Plano pala namin na mag boodlefight sana kaso nakatulog ako sa loob ng bahay kaya nagkatamaran na at sa plato na lang din kami kumain. Mahigit 1 oras din kase bago naluto ang manok na yan .haha Pero masaya kaming nagsalo-salo dahil magkakasama kaming kumain. Kahit anong pagkain talagah na pagsalu-saluhan bastah buo ang pamilya ay wala ng mas sasaya pa. Mahalin natin ang mga magulang natin hanggat kapiling pa natin sila kahit may pagkukulang man sila sa atin dahil kapag wala na sila wala nang silbi kahit ano pang gawin natin. Isa yan sa mga natutunan ko kase sa totoo lang may mga ugali ang papa ko na ayaw ko pero sa nangyari sa kaniya dun ko naramadaman kung gaano siya kahalaga sa buhay namin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.