SWIMMING TIME : ) Finally, natupad din ang planong pag swimming ng dalawang batuta na dapat noong friday gagawin pero dahil sa di inaasahang pangyayari nung Thursday ng gabi nasiraan si Hubby ng motor kaya nag commute siya pauwi. Mabuti na lang at nag magandang loobang boss niyang si Sir Vin na ihatid siya hanggang palabas ng company para makasakay siya pauwi dito sa amin. Kaya naman nung Friday ng umaga ay nag commute padin siya papasok dahil iniwan niya ang motor sa company nila. at nag halfday siya para maipagawa ang motor sa on call mekaniko na suki niya. Mahirap kase mag commute ngayon kung mahal ang gasolina mas mahal ang pamasahe araw-araw kaya mas maganda pdn may sarili kang service . Kaya ngaun Sunday talagang tinupad niya sa mga anak niya ang promise niyang bombahan ang inflatable poolna binili niya. Salamat din sa kapitnahay namin mabait na nagpa hiram ng bomba nila . Magluluto nga pala ako ng gulay na langka kaya bilang pasasalamat ay bibigyan ko sila : )
3 comments
Ang saya ng mga kiddos nakapagswimming mga anak ko din sis ngyaya Sabi ko sunod nlang Kasi nakaraang linggo nagswimming na sila malaki na bayarin sa tubig hehe. Ang sarap ng langka sis pahingi rin haha
Sobrang happy naman ng mga kids. Sigurado kayo din nian mamaya mag babad din kayo para iwas sa init
Talagang summer na talaga. Sana makapag swimming din kami soon kahit sa inflatable lang din hebe.