read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Looks like Pine Tree Kanina nagchat skin ang kapatid ko may i-uuwi daw siyang halaman para sa amin ng mama ko. Alam niya kaseng mahilig kami sa halaman kaya kapag may ginamit sila sa event oh kaya naman ay may nag trim sa subdivision na tinitirhan ng amo niya eh hinihingi niyaang mga halaman na itatapon na. Sayang nga naman Kung sa iba patapon na pero sa ibang tao ay Ligaya pa ang maidudulot diba?. Kaya sinend niya skin kanina ang picture ng halaman ang ganda para siyang pine tree na maliit lang at mapino ang mga dahon ang ganda talagah kaya tuwang tuwa ako at excited na pasalubong sa paguwi niya. Bibilihan ko to ng magandang paso at i-didisplay ko sa aming terrace hehe. Iba talagah nagagawa ng halaman sa buhayng tao bukod sa nagbibigay sila ng oxygen sa atin. Kaya naman nung kasagsagan ng Pandemic eh madaming nahumaling dito at naisalba sa matinding stress at anxiety. Kayo mga ka noisemate mahilig din ba kayo sa halaman?

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.