MARTES SANTO Maulan ang Mahal na araw ngayon taon simula pa kahapon dahil sa Bagyo na pumasok sa ating PAR. Pero kahit sa kalakasan ng ulan kanina ay nagpuputol ng puno ng mangga ang aming mga kapitbahay.Kaya naman nagising kami sa pagkakatulog dahil sa ingay ng chain saw na gamit nila.Night shift pa man din si hubby grabe nakakabulahaw wala man lang pasintabi. Iyan nasa first picture ang puno ng mangga na pinutol nila kanina kuha pa yan last year wala kase ako updated photo bago siya pinutol kanina na nasa Harapan ng bahay namin. Pinaniniwalaan kase na tinitirhan daw ng mga Supernatural beings ang puno na yan ayon sa mangangamot kaya pinapaputol na nila para umalis na dun un sinasabing nakatira na hindi natin nakikita . Okay lang din naman samin kung putulin nila dahil kanila naman yun puno ang concern lang namin dun kase nakakatakot tuwing may bagyo dahil maaring samin matumba ang puno ng mangga na yan kapag malakas ang hangin for sure sira ang bahay namin. Talagang iba na ang panahon ngayon noon bata pa ako naalala ko napakaraming bawal gawin tuwing Mahal na araw kahit na Palm Sunday pa lang. Katulad ng pag puputol ng kuko pagwawalis,pagsisibak,pagpapatunog ng radyo oh panunuod ng tv. Naalala ko pa noon talagang mapapagalitan ka pag sumuway ka sa mga bawal tuwing Semana Santa Pero sa paglipas ng panahon unti-unti na rin nawawala ang paggunita nito.
5 comments
kusa na nga itong nawawala ang mga pamahiin sis di na lahat nasusunod gaya nang dati kay siguro ang dami nang sakuna na nangyayari pero di din natin alam talaga ang dahilan, ang importante ngayon ang pagdadasal ay di dapat mawala sating sarili..
Good night, ka-noise! See you tomorrow!
Ngayon ko lang nalaman na bawal yung mga ganoon sis, bakit daw? ano rason bakit bawal kahit pagwawalis?
korek sis ang dami nating pamahiin kahit nde Semana Santa hehe Ingat sis sana nde lumakas ang bagyo satin.
Maulan pla diyan sa inyo sis dito mainit ang panahon. Nakakapanghinayang naman ang puno na putulin pero kung Ito nakadisgrasya din mas maigi putulin nalng. Kaya mahirap night shift nag work sis Kasi maingay talaga matulog Ng may araw.