Loneliness
I felt like my life is getting useless.
I can't carry on,can't take the pain.
I have been feeling of emptiness inside,
My head feels the pain and even my heart.
I have the people around me,
But I still feel alone and empty.
Stress is manipulating my mind,
Making my body getting weaker everyday.
I want to shout,I want to cry!
I want to yell at anyone!
I want to scream and tell everyone,
The pain I feel inside my mind.
It's hard for me to carry on,
I hope I can find someone to lean on.
I felt like I'm drowning,
But no one is willing to save me.
I felt like I'm slowly dying,
But no one can notice.
How can I keep on going?
How can I carry on?
The loneliness I feel,
How can I overcome?
I wish I have someone to be with me.
To ease the pain that I feel.
To consort me and help me,
To overcome all the fears.
And erase the loneliness inside me.
And make me feel special once more.
To help me make me a better me again.
A happy person I once used to be.
The Child in Me
When I was a child I used to day dream most of the time. I always think of myself as a super hero. Sometimes I am the lead hero in the cartoons or anime I had watch. And I also have a leading man or a partner/lover in that day dream. I always think of myself with super powers. To help other people in need and to do things I really want to do if I really have a super power. Most of the time I do this day dreaming when I am washing the dishes. And because of this day dreaming,washing dishes for me takes too long. Sometimes it took 1 hour. But most of the time it took 2 hours for me to finish it,lol! Funny but it is true. And that's the reason why I always got a good scolding from my Aunt where I am staying. Well,you can't take it away from a child. Kids loves to play pretend even until now. And I know some of you are like me too. You can't deny the fact that childhood is one of the best memories we had in our life. Even some adults until now still have a child feeling inside them. And I too also sometime wish to be back in my childhood days. Where I don't need to think of anything but just keep on playing or think of play pretend. To be a superhero again and save a lot of people whom are in need. But since I already have my own kids now. Maybe I can pretend and make or dress them the superhero that I really like for myself before. They can be the play pretend superhero that I only had dream before once upon a time in my childhood days.
Stress,Anxiety and Depression
Ang stress,anxiety and depression are mostly created by ourselves. Madalas tayo rin ang nagbibigay sa sarili ng dahilan natin para mastress. May mga bagay na kahit di naman natin dapat isipin e hindi natin mapigilang isipin ng isipin na nagdudulot ng dahilan para mastress tayo. Mahirap labanan ang stress. At nakakatakot din itong kalaban minsan. Maraming nagpapapakamatay na ang mostly dahilan ay stress,anxiety at depression. Kapag stress ka hindi mo maiiwasan mag-isip ng kung anu-ano resulting to anxiety and in the end depression.
Naranasan ko ito noon at pati na rin hanggang ngayon. Pero ang pinakamalalang idinulot sakin ng stress ay nung nasa point pa ko ng buhay ko na tinitiis ko ang lahat at pilit tinatanggap kahit gusto ko ng isuka at makawala. Araw-araw sumasakit ulo ko. Lagi akong may sakit pero wala namang kahit na anong pwedeng maging dahilan kundi talagang masakit lang ang ulo ko to the point na inuuntog ko na siya sa pader o sa lamesa. Yung araw-araw iinom ako ng paracetamol para lang mawala panandalian yung sakit pero after ng ilang oras ayan na naman sya. Hanggang nagkaroon ako ng migraine. Yung dating isang tabletang paracetamol kada inom ay naging dalawa na. Antagal akong pinahirapan ng sakit ng ulo kong ito. Pero nung nakaalis ako. Nung panandaliang nakalaya ako sa parang hawla ng buhay ko nagulat talaga ako. Isang linggo lang biglang nawala lahat ng nararamdaman ko. Panibagong surroundings,preskong hangin. Maayos na kapaligiran at positive na mga tao. Yun lang pala kailangan ko. Hindi ko na kailangan uminom pa araw-araw ng gamot kasi kusa na lang syang naglaho na parang wala lang. Na hindi ako pinahirapan ng matagal na panahon. Na parang nagdahilan lang ako. Dun ako nagsimula magsearch ng dahilan kung bakit ko naranasan yung ganung kasakit at kahirap na experience. At nagulat talaga ako. Kasi lahat sintomas na meron ako ay angkop na angkop sa isang taong stress. Isang taong sobrang stress ang pamumuhay kaya nakakaramdam ng ganun.
So lahat ng paghihirap na naranasan ko ay dahil stress lang ako. Oo,stress lang. Pero di pala dapat nilalang-lang ang stress kasi nakakatakot o sobrang hirap ng pwede mong pagdaanan kapag stress ka. Marami nga diyan makikita mong pangiti-ngiti lang pero magugulat ka na lang isang araw nagpakamatay or nasira ang buhay ng dahil sa stress na pala sya sa buhay na meron sya. Kaya wag natin itong ilang-lang lang. Kung may dinaramdam tayo mas maigi humanap ng pwedeng mapaglibangan para maiiwas ang sarili sa pag-iisip. Or humanap ng taong mapagkakatiwalaan na pwedeng mong mapaglabasan ng sama ng loob mo. Nang sa ganun ay kahit papano mabawasan ang bigat na dinadala mo sa dibdib mo. Masarap ang may kaibigan o partner na mapagsasabihan ng iniisip o dinadamdam mo. Kaya kung ikaw ay nakakaramdam ng ganito wag mong solohin kaibigan. Maraming pwedeng makinig saiyo. At sa mga hinaing mo.
Guys,bat po kaya ganun? Simula pa kninang umaga nagpost aq ng articles at nacocoment din pero walang pumapasok saking points. Bakit po kaya? Naaaproved nmn ung mga articles q. Sobrang haba din tulad ng mga nauna pero walang points na pumapasoksa account q. Ano po kaya ang possible reason? Sana po may makapansin. Pahelp nmn po. Salamat😊
My Travel
Simula teenage life ay lakwatsera na talaga ako. Kung saan-saan na ko nakarating na lugar dito sa Pilipinas. Sa mga napuntahan ko ang hindi ko na lang siguro nalilibot o talagang nadadayo ay ang Mindanao part. Pero sana soon makarating din ako dun at mabisita ang Kuya ko na nakatira dun sa probinsya ng asawa niya sa Surigao.
Ang isa sa mga di ko malilimutang travel ay ang pagpunta ko sa ibang bansa. At yun ay sa Malaysia at Singapore. Nakarating ako sa Singapore as an OFW. Oo,nagtrabaho ako dun ngunit di pinalad na magtagal dahil sa di inaasahang sirkumstansiya. Di ko na ipapaliwanag pa kung ano yun kasi medto disapointed ako hanggang ngayon.
Sa Malaysia,ilang beses na akong nakarating. Dun naman ang purpose ng pagpunta ko ay para mamasyal. Although di ako masyado talagang nakakaikot kasi yung tourist ko doon ay di lagi available at ayoko rin naman mag-ikot mag-isa. Pero masasabi kong sulit naman ang pagpunta ko. Masasarap ang pagkain nila. Lalo na ang mga Indian Foods na madalas namin orderin dahil sa anghal niya na nakakaaddict talaga. Mahilig din ako sa noodles kaya walang problema sakin ang Malaysian foods na madalas more on noodles kami.
Sa limang beses na pagpunta ko sa Malaysia ay marami rin akong napuntahan. Marami din akong sosyal na mga Club na puro pangmayaman lang ang nakakapasok. Hindi dahil sa member ako dun. Kundi member kasi ang kaibigan ko doon. At di ka basta-basta makakapasok kung hindi ka member sa clubs na pinupuntahan namin. Iba't-ibang coctails,drinks and foods at iba't-ibang klaseng mga tao ang aking nakahalubilo. Sana makapunta ulit ako doon. Namimiss ko na rin ang Malaysian foods at ang maaanghang na Indian foods.
Sana kapag natapos na ang pandemic na ito ay bumalik na ulit ang lahat sa normal. Na maging maayos na ulit ang lahat at walang ng dumating pang bagong pagsubok sa buhay natin. Na lahat ng nawalan ng trabaho ay magkaroon na ng panibago. Lahat ng nalugmok ay makatayo ulit. Lahat ng naudlot ay matuloy na. Pati ang pagtravel na hilig nating gawing lahat. Maraming sana ang aking hinihiling at sana'y matupad po ito aming Ama sa langit.
CS Versus Normal Delivery
Akala ng lahat kapag CS ka na manganganak e maarte ka lang. Na ayaw mo lang maranasan ang hirap ng paglelabor. Na kapag nahiwa ka na e tapos na ang lahat at magpapagalong ka na lang ng sugat na dulot ng CS. Ito po ay isang maling akala. Ano nga ba ang CS o Cesarean?
Kapag ang isang buntis ay hirap sa pagbubuntis niya. May heart problem o may kondisyon na hindi niya talaga kayang mailabas ng normal ang kanyang baby ay kinakailangan niyang dumaan sa proseso ng CS o Cesarean. Kailangan hiwain ang tiyan niya upang makalabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan para maging ligtas silang dalawa ng bata.
Pero hindi porke't na CS ka na ay ligtas ka na. Madami pang pwedeng mangyari after ng operation. Marami pang sakripisyo na kailangan danasin ang isang ina after ng operasyon sa kanila. Isa na dito ang bago operahan ay tutusukin ka ng napakalaking karayom sa iyong likuran. Na recently nabasa ko sa isang article na kapag nasa earlt 40's ka na ay dun mo mararamdaman ang kumplikasyon o late reaksyon ng katawan mo sa injection na yun. Yung hirap na hirap ka na umupo ng ayos. Laging masakit ang likod mo at gusto mo na lang lagi itong ihiga dahil di ka kumportable na nakaupo o nakatayo ka lagi. Isa yun na kinakatakutan ko pagdating ng early 40's ko.
Yes,isa rin akong CS mommy. At naranasan ko lahat ng di ko naranasan sa normal delivery ko sa dalawa kong anak. At ang isa rin sa di ko malilimutan sa CS experience ko ay yung hindi ka pwedeng kumain o uminom ng tubig sa loob ng 24 oras. Yung hindi kumain ay kaya ko. Pero yung hindi uminom,ay grabe gustong-gusto kong umiyak kasi sobrang nakakauhaw talaga. Pero tiniis ko yun alang-alang sa kaligtasan ko.
Napakaraming sakripisyo ang CS mommies. Hindi lang isang buwan mo kaylangang magpagaling sa sugat na dulot ng hiwa sa iyong tiyan. Anim na buwan bago maghilom ng tuluyan ang sugat sa labas ng tiyan mo. Subalit tatlong taon bago tuluyang maghilom ang sugat sa loob naman ng tiyan mo. Dobleng ingat,dobleng sakripisyo. Konting pagkakamali pwedeng bumuka sugat mo at maimpeksyon. Bawal magbuhat,bawal mabinat. Bawal ang ganito,bawal ang ganyan. Mahirap pero kinaya ko naman.
Ano naman ang sa normal delivery kumpara sa CS? Well,sa normal delivery masasabi kong mahirap din talaga. Sa paglelabor pa lang sobrang sakripisyo na ang kailangan mo. Sobrang sakit na tila mahihiwa o mahahati ang katawan mo sa dalawang parte. May iba't ibang tagal o uri ng paglelabor. Merong inaabot ng ilang araw. Meron namang ilang oras lang. Sa dalawa kong anak laging 12 oras akong naglelabor. Grabeng sakit talaga. Walang katumbas sa mundo ang mararamdaman mo.
Sa normal delivery ang kagandahan lang yung sakit na nararamdaman mo during labor time e tila napapawing lahat kapag nailabas mo na ang anak mo. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag sumipa ang anak mp at naramdaman mo yun sa magkabilang hita mo. Pati yung iyak niya ay tila musika na sa iyong pandinig. Tila lahat ng pagod at hirap mo ay napawi lahat.
Oo,ang normal delivery ay mahirap din. Sabi nga nila nasa hukay ang iyong mga paa kapag manganganak ka. Pero ang kagandahan lang kasi sa normal delivery ay kapag nanganak ka na konting pahinga lang makakakilos ka na agad. Ilang linggo lang nakakalaba ka na. Naaasikaso mo na ang iyong pamilya. Although need pa rin mag-ingat para wag mabinat pero at least nakakatayo ka na sa sarili mong mga paa. Walang masyadong worries ika nga.
Kaya para sa kaalaman ng lahat mas okay pa rin ang normal delivery para saming mga mommies kesa sa CS kasi mas madali ang healing process at mas mura din ito. Sa normal delivery pwede ka manganak kahit sa lying in lang. Less gastos less gamot. Pero sa CS kailangan sa ospital talaga. Kailangan iconfine ng ilang araw at naku yung gastos ay grabeng laki. Kaya wag mo nating sasabihin na ang mga CS mommies ay nag-iinarte lang at takot sa labor process. Dahl katulad ko na nakaranas ng dalawang beses na normal delivery tapos biglang sa ikatlong anak ko ay naging CS ako. Hindi ko po ginusto yun. Dahil kung papipiliin ako mas gugustuhin ko pa rin ang normal delivery lalo na at makakaless ako sa gastos. Nagkataon lang talaga na kaya ako na CS ay sa kadahilanang ayaw lumabas ng baby ko. Ayaw bumuka ng pwerta ko pero paubos na ang tubig sa katawan ko. Kaya ang naging ending namin is emergency CS na. At ngayon ay malapit na naman ang aking kabuwanan para sa aking ikaapat na anak. At sabi ng doctor ko? Magready na raw ako kasi sigurado CS na naman daw ako. Dahil dalawang taon pa lang yung sinundan nito. Ayos lang,panibagong sakripisyo pero alang-alang samin ng baby ko ay handa ako sa lahat. Kaya mga mommies,think positive even the world right now is getting negative because of the pandemic. Keep safe everyone!
Calicoan Beach
Ang Calicoan Beach ay matatagpuan sa Guiuan Province,Eastern Samar. Ito ay matatawag na Virgin Island sapagkat di pa halos nagagalaw ang kalikasan dito. Napakaganda ng tanawin. Sariwang hangin at malinis na kapaligiran ang masisilayan niyo dito.
Tuwing may low tide ay matutuwa kang maligo sa tila maliliit na swimming pool na nagagawa ng malalalim na hukay na nabuo ng nature sa mga nagdaang panahon. May makikita ka ring mga lamang dagat na nakakatuwa pagmasdan. Tulad ng starfish,maliit na pugita at mga isda.
Ang mga tao dito ay tuwang-tuwa ring nanghuhuli kapag ganito ang panahon. Tuwing low tide din masarap maglakad habang nangunguha ng mga shells na dito mo lang matatagpuan. Malalaking sea shells na nakakatuwa kolektahin.
Napakasimple ng pamumuhay ng mga tao dito. Mura lang din ang mga pagkain pero nakasisiguro ka na ito ay fresh at bagong huli. I love seafoods at sulit talaga ang pera mo sa mga seafoods nila dito. At napakababair pa ng mga tao dito. Very accomodating.
Ang isa rin sa atraksyon sa lugar na ito ay ang Surfing. Madaming dayuhan ang pumupunta dito para magsurf. Maganda kc ang alon ng dagat dito. Perfect sa mga mahihilig mag surf. Kahit ang mga taga rito ay magagaling din sa surfing. At nakatutuwa silang panoorin.
Ang pagbisita at pagpunta sa lugar na ito ang isa sa di ko makakalimutang pinakamasayang experience ng bakasyon sa buong buhay ko. At kung ako'y papipiliin ng pupuntahan pagkatapos ng pandemyang ito ay dito ko pipiliing pumunta kasama ang aking pamilya. Calicoan Beach ng Guiuan Eastern Samar,ang bakasyunang masarap balikbalikan!
My Very Own Version of Filipino Style Spaghetti
Good afternoon folks and friends. I hope your having a great time! I love cooking and spaghetti is one of my specialty when we have gatherings or if there is something to celebrate because the kids loves it. And looking forward to eat it. So I will be sharing my very own special recipe to all of you guys. And I hope you will like it.
Engredients:
1kl of Fiesta Pasta
1 and 1/2 kl of Filipino Sweet Style Spaghetti Sauce
1 box of Eden Cheese
1 Can of Alaska Condensed Milk
10 pcs of Jumbo Hotdogs,chopped on desired size
1/2 kl of Minced Pork
1 pc of Chopped Medium Size White/Red Onion
4 Gloves of Garlic
1 Tsp of Ground Pepper
A Pinch of Salt
Oil
Procedure:
Preparation for the Pasta
Boil an almost half to full of water in a big casserole. Don't forget to put a pinch of salt and a tablespoon of oil before boiling.
When the water is boiling add the pasta. Continous of mixing to avoid the pasta from sticking to each other.
Boil it for 15 minutes or until the pasta is in desired softness.
Once it's cooked turn of the fire. Bring the casserole with pasta in the sink.
Wash the pasta completely to avoid sticking. Drain and set aside.
Preparation for the Sauce
Saute the garlic and onion in a big pan.
Add the minced pork and saute until golden brown or the water evaporate already.
Add the hotdogs and keep on stirring for at least 3 mins.
Add the Filipino Style Spaghetti Sauce. Make sure the fire is on medium to low level only to avoid burning the bottom of the sauce.
Keep stirring. Then add ground pepper and some chopped/shredded cheese for the taste.
After continously stirring for at least 15 minutes,add the 1 can condensed milk.
Mix it for at least 3 minutes then add the cooked pasta.
Turn off the fire and mix it well to combined the sauce and pasta well.
Now,it's all done and ready to serve!
I hope you like it and forgive me for lacking in the instructions since it's my first time doing something like this or sharing my recipe. But I guarantee you that your kids and even guest,friends and family will like it! Thank you and Godbless!
My Love
I've been searching for so long,
Been looking all over the places in this world.
I almost gave up and feel helpless,
I thought I won't be able to find you really soon.
Time flies and I'm getting old.
Thinking when or where could I meet you.
At last I'm glad I have found you!
My one and only love.
I can say we we're destined to be with each other.
The first time we met in this funny world.
You gave me a hint and follow me around,
Like a desperate butterfly to the flower he like.
I am glad that I accepted your love,
And we became partners in a short while.
I love you so truly and I am so happy,
No words or anything can express how I feel.
I just wish that you will be my forever.
And that our love will last until eternity.
I know a lot of things are happening and can't be avoided.
But we will be strong and will keep on going.
Our love for each other will get more stronger,
And nothing can break us apart like promise with each other.
Let's stay the same my love until the end.
Raketang Momshie
Sa panahon ngayon na naghihirap ang halos lahat ng tao dahil sa epidemya laking tulong talaga kapag ikaw ay isang raketera. Eversince nagstart ako sa online world malaki ang naitulong nito saming pamilya. Di pa nagkakaroon ng pandemya isa na akong maituturing na raketekang momshie. Lahat ng pwedeng pagkakitaan basta sa malinis na paraan pinapasok ko. Lalo na sa online. Nagsimula ako noong 2016. Sa umpisa di sya biro. Nagpuhunan talaga ako at masasabi kong natuwa ako sa unang customer ko kasi malaki talaga kinita ko. Pero after nun medyo humina na sya. Sa panahon kasi na yun medyo di ko pa gamay ang online selling. Kaya nag onhand ako ng bongga na di ko pala basta-basta maibebenta. Ang ending ng mga inonhand ko? Naging pangregalo ng dumating na pasko😅. Okay lang naman. Kumita pa rin naman ako kahit papano. Pero dahil sa karanasang yon natuto na ako. Mas maganda pala talaga mag-paorder ka muna. Kapag sure na ang order saka mo sya bilhin atleast di matetengga at kikita ka talaga. Buti na lang din may nagturo sakin ng ganun. At salamat sa kanila nagagamit ko sya hanggang ngayon. Madami na kong naibenta. At nasubukang pasukin na ibang raket pa. Sa totoo lang nakakatuwa itong experience para sakin. Hindi ko kailangan iwan ng matagal mga anak ko at kumikita ako kahit nasa bahay lang. Naiiwan ko lang sila kapag kailangan kong bilhin yung mga order sakin at ideliver sa mga customer ko. At swerte din naman ako kasi may supportive akong partner na tinutulungan ako sa pagdedeliver. Oo,minsan nagrereklamo sya dahil imbes na ipapahinga niya yung araw ng day off niya e napipilitan pa syang magdeliver. Pero naiintindihan naman niya na para din samin yung ginagawa ko. Mahirap kayang walang madukot kapag naubos na sahod niya. Atleast kapag nakakabenta ako e may nadudukot kami sa oras na maubos na ang budget na galing sa sahod niya. At dahil din dito sa mga raket ko nabibili ko yung mga bagay na dati pinapangarap ko lang o iniisip lang na balang araw e mabibili ko rin. Kumikita na ko ng pangkain may pangluho pa. O di ba? Kaya masaya talaga ako natuto ako sa ganitong uri ng hanapbuhay. Na para sa iba e mababang uri lang ng hanapbuhay. Pero kung tutuusin mas malaki pa kinikita namin kesa sa mga regular na empleyado. Basta matyaga ka lang kikita ka talaga dito. Hindi masamang sumubok ng kahit na ano. Basta alam mo sa sarili mong marangal ang ginagawa mo at wala kang naaapakang tao. Marami na rin akong naturuan at natulungan sa larangang ito. Masarap ishare sa iba kung ano yung nakatulong sayo at sa pamilya. Ayon nga sa kasabihan "Sharing is Caring!". At masarap sa pakiramdam na makatulong sa kapwa mo. Lalo na ngayong panahon ng pandemya. Maraming nangangailangan ng tulong para matuto sa ganitong paraan ng kitaan na kahit di umaalis sa bahay dahil bawal nga e kikita ka pa rin at mapapakain mo pa rin ang iyong pamilya. Sana lang tumagal pa at lalo pang lumawak ang kaalaman natin at ang mga paraan na pwede tayong kumita kahit sa simpleng paraan. At para sa mga katulad kong mommies na stay at home. Walang masamang sumubok basta alam mong makakatulong ito para sayo at sa pamilya mo.
My Untold Story
Alam ko lahat ng tao ay may kanya-kanyang nakatagong sikreto na di nila masabi kahit na kanino. May sarili tayong mga dahilan kung bakit hindi natin naiopen up ito sa iba o kahit sa mga partner natin. Sa totoo lang marami ako nito. Pero di ko masabi sa iba dahil sa takot na di nila ako matanggap o maging dahilan yun para masira ang masayang pamilya na meron ako ngayon. Ito ay nagsimula noong 17 years old ako,going 18 to be exact. Nagkaroon ako ng kasintahan na mas matanda sakin ng apat na taon. Akala ko noon sya na talaga at kami na talaga para sa isa't-isa. Naniwala ako sa forever dahil sa kaignorantehan ko. Naibigay ko sa kanya lahat-lahat,pati pagkababae ko. Oo,nabuntis ako. Nung nalaman nya yun nung una ayaw niyang tanggapin. Pati pamilya niya ay kontra samin dahil napakabata ko pa raw. Gusto nila ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko. Di ko alam gagawin ko noon. Takot na takot ako. Dahil dito napilitan akong aminin sa ate ko ang totoong kalagayan ko. Hindi kasi kami magkasama. Namumuhay ako sa sarili kong sikap. Pinag-aral ko sarili ko at nagtrabaho ako para buhayin ang sarili ko dahil yun lang ang paraan para magawa ko lahat ng gusto ko. Well,dahil sa kagagahan ko kaya naging ganun sitwasyon ko. Nang nalaman ng ate ko kalagayan ko kinausap niya yung boyfriend ko. Sinabi na kung di nia ako papanagutan ay ayos lang basta wag ko lang ilalaglag yung bata. Nakonsensya naman ang boyfriend ko at sa huli pinanagugutan niya ako. Nagsama kami at kahit saan sya pumunta ay kasama niya ako. Subalit may mga pangyayari talagang hindi maiiwasan. Mga dahilang naging hudyat ng di namin pagkakaunawaan. Hindi pagkakaunawaang naging dahilan ng aming hiwalayan. Sa dalawang taon ng aming pagsasama may mga masaya pero maraming mas malungkot at di pagkakaunawaan. Lagi kaming nag-aaway at sa buong dalawang taon ng pagsasama namin hindi ko nakuha ang loob mg kanyang mga kamag-anak. At dahil na rin sa batang isip pa ako. Or sa mura kong edad naranasan ko ang pinakamasakit at pinakamasaklap na pangyayari sa aking buhay. At yun ay nung ilayo nia sakin ang aming anak. Itinakas nia ang anak namin na halos ikabaliw ko ng todo. Pano ko hahabulin ang anak ko na ipinadala na niya sa malayong ibayo? Sa napakalayong lugar na di ko pa napupuntahan at di niya pa ko dinala kahit kailan? Baldeng luha ang aking iniyak. Napakaraming gabi na di ako makatulog kakaisip sa aking anak. Ngunit wala na akong magagawa. Nangyari na ang lahat. Isang masakit na alala na lang ngayon ang lahat. Ngayon sa edad na 32 ay di ko pa rin sya nakikita. Alam ko malaki na sya. Kahit larawan niya ay wala ako. At kaya ko nasabing isa itong sikreto sapagkat hindi ito alam ng pamilya ng kinakasama ko ngayon. Although,yes alam ito ng partner ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng tungkol dito. Ngunit itinago namin ito sa pamilya niya dahil sa takot na hindi nila ako tanggapin. Dahil sa una pa lang ay ayaw na nila sakin. Hindi sa kung ano pa mang dahilan kundi hindi lang nila matanggap na ang kanilang paboritong anak ay mag-aasawa agad at sakin pa na broken family ang pinagmulan. Buo kasi ang pamilya nila. Masaya at united ang lahat. Di katulad ko na sarili ko lang ang bumuhay at nagpalaki sakin. Ni hindi namin kaclose ng ate ko ang mga kamag anak namin. Sino ba kasi ang gugustuhing makipagclose sa mga kamag anak na matapobre? Yung mga kamag anak mo na imbes na suportahan ka e ilulugmok ka pa? Imbes na makaclose ka e lalo pa silang dumidistansya? Dahil lang mahirap ka at sila ay may kaya? E di wow! Sila na! Kaya nabuhay kami ng ate ko na sarili lang namin ang iniintindi. Na di kami umasa kahit kanino man. At I hope you won't jugde me pero at least nabuhay kaming marangal kahit sa ganung sitwasyon namin. And I'm proud of it! Pero ang nakaraan ko na yun ang tangi kong kinatatakutan. Maraming tanong pa rin ang nasa aking isipan. Paano kung isang araw hanapin niya ako? Paano isang araw kung magpakita sya samin at malaman ng pamilya ng kinakasama ko? Higit tatlong taon na kaming nagsasama. At magdadalawa na rin ang aming anak sa ngayon. Lahat ng paraan ginagawa ko para lang maging okay ako sa pamilya niya. Para tanggapin na nila ako ng tuluyan. Alang-alang man lang sa mga anak namin. Kaya ang biglang pagsulpot niya ang tangi kong kinatatakutan. Samu't-saring pakiramdam ang aking nararamdaman. Pangamba,takot at konting saya. Oo,may konting saya kasi sa haba mg panahon o tagal ng panahon ay makikita ko ulit siya. Masisilayan ko ulit ang isang batang naging parte ng aking buhay. Ang batang naging unang supling at nagmula sa akin. Ngunit sana kung mangyari man ang bagay na aking pinakakinatatakutan ay handa na akong ito ay harapin. Sana wala na ng takot. At tanging saya na lang ang aking maramdaman. Yung maraming sana ay maging okay na...
Baliktanaw sa Nakaraan
Masarap talagang balikan ang nakaraan. Yung panahong masaya na tayo sa mga simpleng bagay lang. Mga simpleng laro,simpleng bagay at simpleng mga kaibigan. Yung di pa nauuso ang mga hightech na gadgets na nagpapaadik satin ngayon. Dati masaya na tayo sa mga simpleng laruan basta kasama natin ang ating mabubuting kaibigan. Lubos ng saya at walang katumbas na kaligayan na ang dulot satin noon. Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko pa ang aking mga masasayang nakaraan keysa ang kung anong meron tayo ngayon. Ganun ka din ba kaibigan?