read.cash Log in

@KjR16

Joined 1 January 2023 · 154 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@KjR16

GOod afternoon noiseFam! Tamad na tamad ako ngayong araw na to, puro hilata nalang lagi. πŸ˜‚ dito na kami natulog kagabi sa house ni mother kaya mamaya uwi na kami sa bahay, nakauwi narin sina ate sa pagsanjan kaya wala na yung haling sa bingo,. 😁 maya maya kami uuwi mangsususot muna ng pamankin at ng makapaglaro rin ang anak ko, wala kaseng ibang bata dun samin kaya lagi lang nood ng tv at gadget pinagkakalibangan ng anak ko, pag andito kami sa mother ko maraming mga bata dito sa kapitbahay kaya marami makakalaro si bebe. #SundayHilata #NoiseCash

@KjR16

Dito kami ngayon sa house ni mother, dinala ko kase sa kanya yung sling bag na inorder ko sa shopee. Hinihintay korin ang ate ko dumating at mag Bingo daw kaming magkakapatid πŸ˜‚ Bonding moments everyweekend.

@KjR16

Yung katatapos ko lang mag dinner pero kumakain naman ako ngayon ng pipino. Parang maglilihi lang takam na takam sa pipino na may suka. 🀀 Ang daming nagsabing pumayat daw ako dahilan non ay ang aking pagkakaroon ng sakit na halos hindi nakakapagkain, ngayon naman na gumaling na ako mayat maya naman akong kumakain at natatakam sa kung anu anong pagkain. Haha Ok lang naman tumaba huwag lang sobra, kahit naman magtakaw ako umaabot lang naman ako hanggang Large na Tshirt at 30 na bewang. So Normal pa naman yun. Sige lang ng kain basta may pangbili. πŸ˜‚ #GoodevenoiseFam!

@KjR16

Yung natulog kang malinis ang bahay at pag gising mo makalat nanaman dahil sa mga pinagkainan ng anak ko at mga laruan na nagkalatan. πŸ˜– Bukas ang Tv pero at electricfan pero naglalaro at nagdodrawing naman xa kala moy kay mura ng konsumo ng koryente. πŸ˜‚ Mapagpalang Biyernes sa lahat. Friday nanaman, ang bilis ng araw Malapit na ang Christmas! πŸŽ„ #BuhayNanay

@KjR16

Midnight snacks! gutom nanaman ako, nagbabawi na ako ng kain, dalawang linggo rin kase halos hindi makakain nung magkasakit ako halos puro tubig lang, kung magkalaman man ang tyan sinusuka ko rin. Ngayon naman back to normal na ulit lagi ng gutom 🀣 parang kanina lang kumain ng dinner eh nagutom nanaman. #FoodPhotography

@KjR16

October282021 Naloka ako sa mga pinamili ng anak ko ang unti pero umabot na sya agad ng 1216, ang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon, kaya parang aayaw ko talaga pupunta ng puregold eh kaya lang mahilig ang anak ko kumain kaya kailangan lagi may stock sa bahay at sa ref dahil tamad ako magpalabas labas para bumili sa tindahan. iisa lang ang nabili ko sa sarili ko yung chicharon pero ang presyo nya 120 pesos πŸ˜‚ ang isang libo mo malaking halaga na pero konti lang ang mabibili mo dahil sa mahal ng mga bilihin. 😣 #PadulasNaMaligalig

@KjR16

Salamat noise sa iyong paexperiment na survey task, nakakataba naman ng puso at nakakasali ako sa mga napipili mo para sa ganito, salamat sa reward. More power @noise.cash #NoiseCash

@KjR16

Busy Wednesday, Dami kong labahin, 2 weeks itong tambak dito sa bahayπŸ˜‚ at dahil nakauwi na ako at wala ng sakit sabak na sa tambak na gawain sa bahay si inday! Maganda ang panahon ngayon tirik na tirik ang araw kaya lang tanghali narin ako nag umpisa maglaba kaya dryer ko nalang mamaya para mabilis matuyo kahit sa loob ng bahay isampay. Bukas naman yung mga pinagpalitan na kumot cover mga punda at kurtina, may bukas pa naman kaya huwag masyadong mgpakapagod baka mabinat 😁 #lunchtimenoisers #busymode #RandomThoughts

@KjR16

Kakauwi lang gaking sa school, ang daming summative test ng bebe ngayon. Lahat ng pinag-aralan simula nung una. anyways lunch na tayo mga kaingay, ulam namin ay ginisang ampalaya, umay na sa karne kaya gulay muna tayo para healthy sa katawan. Buti naman maganda na ang panahon makakauwi na sa bahay mamaya. Thankyou Lord magaling na po ako. ☺️ #RandomThoughts

@KjR16

Ang daming tinapos na module ng anak ko today kase pasahan na bukas, pwede naman na malate kami magpasa kase nung friday lang naman naibigay sa anak ko yung module, kaya lang hinapit na naming dalawa para di sya mapag iwanan sa pinag aaralan lalo nat nag oonline class din naman sya. Ok na ang pakiramdam ko, makakauwi narin kami saamin bukas, nakailang araw rin kami dito sa nanay ko, umuwi ako sa bahay kanina dahil sa aso ko yung laman ng ref ko mga nagyeyelo na ang lakas pala nung lamig nun, 😁 10252021 #Monday #PadulasNaMaligalig

@KjR16

Ang anak ko masyado na nabababad sa gadget at panonood sa youtube kaya nilagyan kona ng wallpaper ng kinatatakutan nyang mukha ng chaka! πŸ˜‚ O ngayon hindi na nya mahawakan ang cp ko, nilagyan ko narin yung phone nya at yung Tab nya. Ang tamad na kase mag aral lagi nalang naka cellphone! Effective ito sa mga bata lalo na kung play mo yung video. Wallpaper nalang sa cp para dina mahawakan. image source: screenshot from Fb #RandomThoughts

@KjR16

Paulan ulan maghapon. Nakakatamad na panahon. Maghapon narin naglaro ang anak ko dahil andito mga pinsan nya, hahapitin ko nalang bukas sa module para matapos nya yung dalawang subject kase pasahan na ulit sa tuesday. Ang bilis ng oras hapon nanaman, lutuan nanaman, nagrequest ako ng Bbq tonight kay mother kaya nagbabad na sya kanina para ibabangi nalang sa ngayon.

@KjR16

Hindi naman ganun kalaki ang bayan namin pero ang daming tatakbong mayor, vice mayor at konsi. Samantalang dun sa kalapit bayan dalawa lang maglalaban na mayor at vice mas malaking bayan yun kesa dito samin. 🀣 Goodluck nalang sa mananalo 😁 Nung pandemic hindi daw sila nakita ng tao ngayon daw babawi sila. Bahala sila basta BBM ako sa president πŸ™ƒ #RandomThoughts

@KjR16

Nakakaiyamot yung anak ko katatamad mag aral kapag andito sa mama nya. May kakampi pag tinamad magmodule. tutubuan lang ako ng sungay ditosa batang ito kaya tigilan nalaang! Nauumay na nga ako magturo yung tuturuan kopa bangtamad na magmodule πŸ˜‚ pano kase gustoy puro laro at nood sa gadget, pag uwi namin sa bahay wala na tong arte arte sakin at walang kakampi eh. Pag dito kase spoiled rin sa mama nya at tita nya. #PadulasNaMaligalig

@KjR16

Hayss maghapon busy si inday! Pagpunta ko palang saschedule ng National Id nkailang balik pa ako kase hinahanapan ako ng documents kanina ng original na Birthcertificate at original na Marriage certificate di pwede xerox. At kumuha daw ako ng Brgy certificate dun sa brgy namin. Sa kasawiang palad may sumabog pang kable ng koryente dun kaya di nakapagprint sa Brgy. Ang daming hinahanap nung isang babae dun sa pagkuha ng national id buti yung nag assist sakin na lalaki Ok na agad wala ng kung anu anong hinanap pa. Waiting nalang ako kung kelan dadalin sa bahay yung mismong National ID ko. Pag uwi ko pa ng bahay sumabak naman ang anak ko sa online class at mga tanong sa kanya ay dipa nya napapag-aralan. Buti nalang mga nasagot nya, Math pa naman. pinabasa rin sya ng tagalog at english. Basta naging busy ako buong araw. pakiramdam ko nga pagod ang katawan ko. o xa goodnight na sa inyong lahat mga kananay! #buhayNanay

@KjR16

Maghapon nanaman hindi nakapag aral ang bata, natatamad ako magturo eh, pero nagbingo naman kami ng nanay ko at kapatid ko. πŸ˜‚ naglilibang lang! Bukas maaga ako gigising last na kase schedule ng National ID. At saka may online reading comprehension daw si bebe. Napapag iwanan na ang anak ko buti naman medyo Ok ok na ang pakiramdam ko, may konting ubo nalang pero keri na. Sanay tuloy tuloy na ang paggaling ko para makauwi na don sa bahay namin. Umuwi ako don kanina at naglinis linis ng konti. #102221 #PadulasNaMaligalig

@KjR16

Nakakatamad na Thursday! Yung maulan na nga tapos wala kapang magawa. hehe Yung module ng anak ko hindi pa nakukuha sa teacher nya dahil nga nagkasakit ako hindi ako nakakapunta ng school. Makakapasa parin naman ang anak ko kahit nahuhuli sa pagkuha at pagbalik, reasonable naman eh. Pero aminin natin mga mommy's minsan natatamad narin ako magturo nakakaumay na. Kaya lang no choice rin diba dahil obligasyon nating mga magulang ang gabayan at turuan ang anak natin. #NoiseCash

@KjR16

Hindi parin tapos ang videoke ng mga tao dito. Antok na ako eh. πŸ™„ Pagbigyan nalang at bukas naman eh wala na, hays nako kahihilig sa videoke pero dipa maubos ubos ang inumin. Diko alam kung masakit ba ulo ko sa ingay o masakit ang tenga ko dahil sa mga kanta nila. πŸ˜‚

@KjR16

Happy Birthday sa pamangkin kong ubod ng daldal at kacutan. hehe Nakakagiliw ang batang ito dahil di nauubusan ng pag uusapan at ng mga tanong, ikaw nalang talaga ang magaadjust. ang bilis lang ng panahon tatlong taon na sya, kumukulit narin at lagi narin inaaway ang ate nya. naglalaro narin ng buhangin, bato at lupa sa labas. πŸ˜‚ #RandomThoughts

@KjR16

Strong women aren’t simply born. We are forged through the challenges of life. With each challenge, we grow mentally and emotionally. We move forward with our head held high and a strength that can not be denied. A woman who’s been through the storm and survived. β€œPain shapes a woman into a warrior.”! #HappyTuesday #Motivation/Inspiration

@KjR16

Ang ulan ngayon dito, kahit buong mghapon paulan ulan, pinapuntahan ko sa kapatid ko yung aso ko kanina para mapakain kaawa naman kase ilang araw na kaming wala sa bahay ng anak ko. Iniwanan ko rin yung motor ko don eh. buti nalang walang masasamang tao don samin at walang nagtatangka nakawain ang motor ko at walang namamasok ng bahay. Medyo ok na naman ang pakiramdam ko perp kailangan parin namin mag stay dito pag malakas na ako saka kami uuwi. Marami rami ring habulin na aralin an anak ko, hindi narin nakakasali sa online class. mahihit isang linggo nalang laro ng laro ang bata dahil nga sa may sakit ako. Bawi nalang kami ni bebe pag gumaling na si mommy. #LabanLang!GagalingRinAko!

@KjR16

goodnight na mga kanoise, hindi na ako halos makakababad dito, siguro pag ok na ok na ako. salamat sa walang sawang suporta nyo sakin. bawi nalang ako, pasensya na at may sakit lang.. salamat sa mga may concerns i really appreciated. godbless #PadulasNaMaligalig

@KjR16

Kaya pala halos hindi ako gumaling hindi naman pala ako hiyang sa gamot na solmux advance with zinc na yun. halos maghabol hininga ako don eh. sabi ng halos ibang doctor mabisa daw yun. depende rin siguro kung hiyang mo. nakakahapo at nakakakapos ng paghinga. πŸ™„ #RandomThoughts

@KjR16

Wala naman akong balak maghanda sana ngayon dahil may sakit rin naman ako, at isa pa my gagastusin sa lupa by next saturday, pero charrraaan! may pasurprice nanaman ang asawa ko, hindi talaga yun pumapalya sa pasurprice sakin, napakaswerte ko talaga sa asawa, kahit napakalayo nya gumagawa sya ng paraan para mapasaya ako. #FoodPhotography

@KjR16

Birthday ko na bukas, pero hindi parin ako magaling sa sakit, ok lang yan mahalaga buhay pa, marami pa sanang taon ang ipagkaloob saakin ng panginoon para maenjoy ang buhay at makasama ang lahat ng mga mahal ko sa buhay. Tulog na ako, goodnight na sa inyong lahat Salamat panginoon sa lahat ng biyaya at sa pamilya na meron ako. godbless sating lahat #RandomThoughts

@KjR16

Ano ba yan hindi ko parin makuha ang remmitance ng asawa ko sakin. Hindi ko pa kaya magdrive, sabi nya saakin magpagaling daw ako at sayang daw naman ang effort nya sa Birthday ko sa Sabado. May pasurprice nananam ata sya. Gusto ko narin gumaling dahil nakakapagod narin ang lagi lang nakahiga, Ayoko sa ospital baka dun ako lalo magkasakit at mas lumala pa. mahirap na. #PadulasNaMaligalig

@KjR16

Ilang araw na akong halos walang normal na kain, lagi nalang akong walang gana kaya lalo akong nanghihina, kung pipilitin ko naman ang sarili kong kumain para magkalaman man lang ang sikmura ko after naman isinusuka ko rin. Hay diosko sana naman poy gumaling na ako, naluluto na ang atay ko sa kagagamot, ang hirap ng may sakit ngayon, lagi nalang nakahiga, buti kahit papano nagagampanan ko parin ipagluto ang anak ko kahit nangangatog na ang buong katawan ko. naaasahan ko rin ang anak ko sa mga gawain na dapat ako ang gumagawa. Sabi ko sa anak ko doon nalang muna sya sa mama nya, aayaw naman ako iwanan wala daw mag aalaga saakin.

@KjR16

Hirap na hirap na ako sa ubo ko, ang sakit na sa dibdib, ang dami kona natry inumin at nagherbal narin at nag antibiotic narin ako. isang linggo na akong nakaratay lang sa higaan, halos wala na akong energy. Nag steam narin ako ng ilang ulit pero ubong ubo parin ako. Hindi kaya akoy nacovid na. Pero hindi naman nahahawa ang anak ko, halos sya nga yung nag aasikaso sakin. Sana namay gumaling na ako, hirap na hirap na ako . 😒 #RandomThoughts

@KjR16

Today is my mother 56th Birthday,. Ang daming handa, pero hindi ako makapgkain dahil wala akong gana. kung wala akong nararamdaman siguradong dami ko nakain. 😁Diko nalang isasama yung ibang mga pagkain mahirap mag upload eh. kapag birthday ni mother ang may gusto laging sasagot ng cake ay yung anak ko. 😁 #FoodPhotography

@KjR16

Parang hindi naman ganon katotoo ito kase nag iisang anak ko ay babae,. Dipende siguro ito sa anak, kase yung anak ko hindi ko naman sya nakikitaan ng attitude, mabait at napaka masunuring bata ng anak ko, madali utusan at saka malambing. Nasa magulang narin siguro yan kung hahayaan natin maging maatitude ang anak natin. 😁 baka kapag ginawa sakin ng anak ko yun makurot ko sa singit. πŸ˜‚ Image sourceπŸ“±: screenshot from facebook #RandomThoughts