Tambak na yung labahin ko, Nag try ako maglaba kung kaya ko na, kaya lang hindi pa pala, pero dahil nabasa ko na yung ibang mga damit, pinaikot ko nalang ng pinaikot sa washing, hindi kona ikinalawa ng laba deretso na agad sa pagbabanlaw dahil medyo hilo pa. Malinis naman kami magdamit ng anak ko kaya keri lang sa washing, mahalaga mabango. Nilabhan ko nalang yung iba para mabawasan man lang yung tambak ng labahin ko. Aayaw ko talaga ng natatambakan ng labahin kaya kahit may sakit kinakaya parin. ๐
Ang hirap ng may sakit walang ibang pwede asahan kundi sarili ko lang rin.
Photo: taken from my own mobile phone๐ฑ #RandomThoughts
Hinihintay ko mag 11 oclock kase oras ng pag inom ko ng gamot. Medyo na late kase ako ng inom kanina dahil nakatulog ako. Every 8 hours kase dapat yung pag inom ko. Kaya lang inaantok na ako, bukas nalang siguro hehehe.
Goodnight mga kanoise friends!
Salamat sa inyong pagsuporta. #RandomThoughts
Ang bilis ng oras hapon nanaman.
Buti naman at medyo ok na ang pakiramdam ko, naligo narin ako dahil nakaramdam na ako ng init ng katawan. Akala ko matatagalan ang pagGaling ko, ang hirap pa naman ng may sakit.
Tutal naman ok na kaya kona siguro magdrive para bumili ng ulam, parang gusto ko ng sinigang, umay sa mga prito eh, yun lang kase kaya kong iluto nung may sakit. ๐
Magandang hapon
Ang aga ko nagising dahil maaga rin nakatulog kagabi. Magandang umaga sa inyong lahat!
Medyo mabigat parin ang pakiramdam ko pero kailangan magluto at yung anak ko ay sanay lagi na kumain ng kanin.
Habang nagluluto muna ako ng sinaing kape muna hindi talaga pwedeng wala akong kape every morning.
Ang sakit ng buong katawan ko eh at lamig na lamig ako kagabi, nailalabas ko yung kumot na makapal kagabi. Nakipaglamay lang ako nun kay tito tapos ganito na ako nung pag uwi ko. ๐ฅ #PadulasNaMaligalig
Ang bigat ng pakiramdam ko,
nilalamig at masakit ang ulo.
Ang hirap naman kapag may sakit
Naubusan pa ng gamot walang mautusan bumili.
Nakahiga lang maghapon buti kahit paano kaya ko pang magluto. Magugutom ang bata kung walang magluluto. ๐ #RandomThoughts
kakauwi lang ng bahay, medyo natagalan rin sa pakikipaglamay, tutal naman last lamay narin yun at bukas ay libing na. Hindi pwede mag stay ng mas matagal dahil dumadami ang tao mahirap na makisalamuha sa ibang tao.
Lutuan naman. Masarap ngayon ay may sabaw dahil maulan at malamig.
magandang gabi sating lahat mga ka noise. cash! #NoiseCash
Maulang martes sa lahat mga kadiary!
After namin kumuha ng module ng anak ko sa school dumeretso na kami dito sa tito ko para makipaglamay, mahirap kase pag gabi baka medyo marami ang tao at saka delikado rin pag uwi.
Nakakalungkot na kelan lang nakita ko sya pero ngayon nakahimlay na sa higaan nyang puti. Rest in Paradise tito. Salamat sa pagiging doctor ng anak ko noon panahon na nabubuhay kapa. ๐ข Pahinga kana sa piling ng ating amang lumikha kasama ang tatay ko dyan sa langit.
Ang ulan naman hindi tumitila
kuhanan pa naman ng module ngayon at pasahan.
Parang aayaw ko na talaga everytime na uulan at malalaman na may bagyo, tumatatak na kase sa isip ko na every bagyo babaha nanaman ng malalim. hays
Katamad na martes ๐ #PadulasNaMaligalig
Tulog na muna ako, medyo mahaba haba narin pala yung episodes ng boruto.
Antok na, kailangan rin gumising ng maaga at pasahan nanaman ng module ng bata at kukuha nanaman ng bago.
Goodnight noise friends
I'm one of those who love to watch anime and one of my favorites is Naruto.
But when I finished all its episodes of Naruto
I decided to stopped watching Naruto because I was no longer interested in the story of his Son, name is Boruto. But because I saw a lot of spoilers about the new episode of boruto, it's sad that Kurama said goodbye to Naruto.
So I'm going to start watching boruto again in the last episode I watched. '
#iloveAnime
๐ฑImage source: Screenshot from facebook #RandomThoughts
Dear diary
Ang lakas ng ulan dito kanina, may bagyo ba ulit? medyo tumila narin naman at makulim nalang ang langit.
Nakaluto naba kayo?
Kami tapos na kumain, ulam namin adobong baboy. Dahil sa kagustuhan kong uminom ng softdrinks na maraming yelo nangati nanaman lalamunan ko at medyo uubo ubo nanaman. Bakit ba kase hindi ako makatiis na di makainom ng softdrinks ๐
Pasaway eh.
#HaveAgreatMonday๐
Sobrang nakakalungkot naman ang Birthmonth ko, nabalitaan namin na isa sa pinsan namin na namatay na daw sa abroad dahil naturukan daw ng vaccine na Highblood, sanay mauwi ang kanyang labi at sanay hindi na pahirapan pa. Kaawa naman ang pamilya na nagluluksa sa kanyang biglaang pagkawala kung hindi ito mauuwi agad,pahirapan pa naman ngayon dahil sa sitwasyon ng mundo. At ngayon naman pumanaw narin yung isa sa tiyuhin namin dahil sa Heart attack naman. Ang buhay nga naman dimo masasabi.
Sobrang nakakalungkot ๐ฅ alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay dahil nangyari narin samin nung nawala ang tatay ko. Nasasaktan ako sa pagkawala nila what more pa sa mga taong naiwan na kapamilya talaga. ๐ #RandomThoughts
Tamang tambay sa duyan sa tabing bukid, sarap ng hangin ang presko.
Mamaya pa kami uuwi sa bahay at siguradong mga 8pm pa magkakaroon ng power.
Dito narin kami mag dinner kina mother. ๐
Goodmorning noise friends!
Ang aga ko nakatulog kagabi, at ang aga rin nawalan ng koryente ngayon 6am palang kanina wala ng power. Mamayang gabi pa ang balik ng power kaya sigurado ang init neto sa bahay.
Makapunta nalang ulit sa house ng mother ko maginhawa kase don.
#HappySunday #PadulasNaMaligalig
It is very important to surround yourself with people that lift you up and believe in you. People that support and encourage you on your journey. Look for people that have the courage to speak up and give you honest feedback so that you can grow and improve yourself all the time - honest and balanced people that know how to appreciate and recognize you for your efforts and that help you succeed. Try to avoid people with a negative mindset. It is much easier to be motivated if the people around you are! #Motivation/Inspiration
Happy 56 Kaarawan sa aking Tatay na kapiling na ng Panginoon sa langit.
5 Taon kana naming hindi kapiling pero nananatili ka parin saaming puso at mga alaala.
Alam kong masaya kana kung saan ka man naroroon at sanay gabayan mo parin kami sa aming buhay araw araw, lalo na ang nanay, alam namin kung gaano kana nya kamiss at nakakadurog ng puso na marinig ko sa mismong bibig nya na HABANG TUMATAGAL MAS LALO DAW SUMASAKIT alam kong mas mahirap yun sa kanya kesa saaming mga anak mo, sanay dalawin mo sya sa panaginip at pakisabi naman na masaya kana dyan at ng maging maluwag rin sa kanyang puso ang iyong pagkawala.
#HappyBirthdayinHeavenTatay #RandomThoughts
Dear Diary
Eto nanaman ako puyat nanaman.
Nagdelete narin ako ng mga old post ko rito kay noise. Medyo tambak na rin eh. At saka dami ko rin palang nakita na mga comment sa mga post ko na halos 'wow lang! "
Ilang buwan narin pala ako dito pero wala pa akong nakikita na nabili ko galing sa kita ko dito, puro kase niloload ko lang sa Cignal at sa Data ko. ๐
Makaipon lang ako ng medyo malaki bibili ako na pang remembrance galing dito kay @noise. cash. Daming natutulungan neto sigurado. kahit maliit ang kitaan pag naipon lumalaki at dumadami rin naman. Tiyaga lang at tamang pagsunod sa rules at sa magbigay ng maayos at magandang content.
o halaaa dami kona sinabi
Goodnight na saating lahat
#Thankyounoise
Nahihilig ata ako sa malalamig ngayon, kanina mountain dew na nagyeyelo, nilagay ko sa freezer para talagang malamig na malamig, then next ice cream,
tapos uminom rin ako ng tubig na maraming yelo, ngayon naman zest-O na malamig rin.
Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako sa malalamig, nasosobrahan na rin ata ako sa matatamis. ๐
Nood muna Movie sa Tv awat muna sa cp at sa Kdrama.
#myOwnPhoto๐ฑ #Photography
Nagsaing na ulit ako ng kanin bago matulog, at nagprito ng tilapya na favorite ng anak ko at ang walang kasawaan na egg every morning. Ganito na talaga ako bago matulog kase mas madalas na hirap ako makatulog sa gabi kaya madalas rin akong tinatanghali gumising. Pinagluluto kona ang anak ko para bukas pag gising nya may pagkain na sya sa lamesa sa umaga kahit tulog pa ako. Marunong na naman sya magtimpla ng gatas nya at may mga tinapay naman sya kaya hindi na nya ako ginigising pa.. #RandomThoughts
CALOY DID IT!
Golden boy Caloy Yulo qualifies to the finals of Vault Apparatus in the #Tokyo2020 Olympics.
Good luck on the next phase Caloy! LABAN PARA SA BAYAN!Carry on the Philippines Flag and aim for the most prestigious Olympic Gold Medal. God. Bless the Philippines Team.
Let us all pray for Carlos Yulo and all our Pinoy athletes. Mabuhay kayo!๐ต๐ญ
Image source: https://www.facebook.com/368935566569851/posts/2323004471162941/
7-23-21
Its Friday kaya LABA DAY! Dryer nalang para matuyo rin at mahangin rin naman.
Hindi na umuulan pero hindi parin maganda ang kalangitan. Ok na ang makulim na langit wag nalang sana mag uulan pa para iwas baha. Stay safe sating lahat. #PadulasNaMaligalig
Nakakabahala na ang ulan, walang tigil maghapon at hanggang ngayon. Nakakatakot na baka bumaha nanaman dito ng mataas. Ang hirap pa naman magtaas ng gamit lalo nat nag iisa ako.
Hays sana naman ay huwag tumaas pa ang baha ang dami nanaman maapektuhan. ๐ #RandomThoughts
Lunch time nanaman pero hindi pa ako nakakaluto, ang bigat ng pakiramdam ko parang gusto kong nakahiga lang. Pero hindi naman pwedeng hindi magluluto may batang magugutom. Nakakatamad na linggo parang walang energy ang katawan ko. Pag ganitong may nararamdaman don mo talaga maiisip na ang hirap pag walang ibang kikilos sa bahay kundi ikaw. Nakakamiss din ang may asawa sa bahay. ๐
#NoiseCash
Magandang Gabi mga kaNoise Friends,.
Share ko lang itong natanggap namin,
NAPAISIP LANG NAMAN AKO. Mag eeleksyon na kase ulit, pabanguhan naba ulit ng mga pangalan ng tatakbo?, pero nung panahon na lockdown hindi mo sila makita sa harap ng bahay mo. Walang natatanggap ang mga tao galing sa kanila. Kung meron man pahirapan at pili pa. Aaksyon lang pag kailangan nila ang tao sa eleksyon. Hindi kopo naman nilalahat. Ang saakin ay SHARE lang. Peace โ๏ธ
Salamat parin po. #NoiseCash
Napakalakas ng ulan at kulog hindi na nakabili ng pang ulam. Makakapag corned beef ata kami ni bebe.
Sa malalapit po sa bulkang Taal keep safe po kayong lahat dyan. #RandomThoughts
Nagpaluto ang anak ko ng Purefoods Luncheon Meat, gusto daw niyang ipalaman sa tinapay niya. Nagsawa na ata sa cheeze.
Ang aga magmeryenda eh. Ganyan siguro mga bata pag naiinip, kakain nalang. ๐
Have a great monday mga kanoise friends! Pupunta ako ng scHool ngayon. Kukuha ako ng Summative Test ng anak ko. Buti medyo makulimlim ang panahon hindi masakit sa balat pagmomotor. #NoiseCash
Are you constantly putting other peopleโs needs before yours???
If so, you are doing a grave injustice not only to yourself but also to others.
Life is all about balance and when you constantly put others before you,
you become imbalanced and that is bound to lead to deep unhappiness in the long run.
Therefore, take time to become conscious of this imbalance in your life.
And bring your life into balance by learning to put yourself first.
Start with some self reflection.
Spend time with yourself, listen to yourself, understand yourself, find out what truly makes you happy and what makes you sad, what lifts your vibration and what makes you feel drained, what motivates you and what depresses you, what your true passions are and where you want to go in life.
Once you identify these, make it a point to respect what you believe in, your needs, dreams and desires and start giving them your utmost priority. #RandomThoughts
Why is it we forget to put ourselves first?
๐There is a huge difference between being selfish and putting yourself first.
Being selfish means you are self-absorbed and that you donโt care about anybody or anything but yourself.
By putting yourself first means being as kind to yourself as you are to others.
It means taking care of yourself so you can be more productive and organised and a better person in general.
It means just loving yourself a little more and thats not selfish, its necessary.
How To Become A Better Person"
How to become a better person?
This is a question often asked by the people who want to have a new life. Some said that to become a better person, you must be true to yourself or you must have a goal in life so that you are directed to do things positively. Others would say if you only have a determination in facing the challenges or trials of life, then definitely you will become a better person. #Motivation/Inspiration