Tambak na yung labahin ko, Nag try ako maglaba kung kaya ko na, kaya lang hindi pa pala, pero dahil nabasa ko na yung ibang mga damit, pinaikot ko nalang ng pinaikot sa washing, hindi kona ikinalawa ng laba deretso na agad sa pagbabanlaw dahil medyo hilo pa. Malinis naman kami magdamit ng anak ko kaya keri lang sa washing, mahalaga mabango. Nilabhan ko nalang yung iba para mabawasan man lang yung tambak ng labahin ko. Aayaw ko talaga ng natatambakan ng labahin kaya kahit may sakit kinakaya parin. 😞 Ang hirap ng may sakit walang ibang pwede asahan kundi sarili ko lang rin. Photo: taken from my own mobile phone📱 #RandomThoughts
2 comments
anyari saiyo sis
nilalamig sis. nasa loob ang lagnat, nagsuob nga ako eh kase lagi nalang ako nilalwmig sa gabi.