Ang layo ng binilihan ko ng mangga para lang dito sa graham na ito. 😂 Daig pang maglilihi ng anak ko para lang sa mango graham na gusto nya, kahit gabi na kami naghanap ng mabibilhan ng mangga, buti nalang meron kaming nabili, napuyat narin sa paggawa, sigurado bukas paggising masaya ang bata 😁
@KjR16 in March 2022
Dahil sa araw araw na pagkainip nakapagdownload ako sa playstore ng tongits Go! Hindi ako bihasa sa larong ito, pampalipas oras lang at syempre pampaantok ko narin. Hindi po ako nakikipag bet or anything,😁 nagsasawa narin kase ako sa ML. 😂 #ShareLang
Mainit na hapon sa ating lahat, grabe yung init ni haring araw ang sakit sa ulo, ang sarap rin mag swimming kapag ganito,. 😓 Nakakatamad rin naman lumabas dahil nga sa sobrang init, ang dami rin ngayon nagbibilad ng palay sa daanan. Summer na summer na talaga! 🌡️☀️
Nagsukahan ang anak ko kaninang umaga, tapos after kumain ng lunch nagsuka nanaman sya, walang gana kumain at medyo may sinat sya, sumasakit rin ang tiyan kada magkakaroon ng laman at tinatae narin. Hayss gamutan nanaman sa anak ko, kada buwan nalang nagkakasakit sya. Sabi nila uso daw ngayon ang pagtatae at pagsusuka at halos katatapos lang din mangyari dun sa dalawa kong pamankin at ngayon nga sa anak ko naman. Sana namay maging ok rin agad sya.
Goodmorning! Haha Late na ako nagising pero coffee is life parin kahit tirik na tirik na yung init ni haring araw. Napuyat ako kagabi kakalaro ng ML kase binabantayan ko rin yung lagay ng anak ko kagabi. Awa naman ng diyos medyo ok ok na ang pakiramdam nya at nawala na yung lagnat,. #Have a blessed sunday everyone.
Meryenda tayo mga kaingay, lomi kahit tag-init 😂 ang aga ko magmeryenda kahit halos kakakain ko lang ng tanghalian kanina. Sabi nga nila kapag stress ka daw idaan mo nalang sa kain, para happy life! 😂
Dahil hindi pa ako makatulog tamang nood lang ako ngayon mag isa, para akong baliw tumatawa mag isa dito sa pinapanood ko. Mas ok na ito kesa nakahiga lang ako sa kwarto tapos di maiiwasan ang pag iisip, nakakaistress lang. Awat muna sa ML at K-Drama 😁 waiting pa naman ako sa next episode nung Bussines Proposal 😅