read.cash Log in
@Kiro

Epekto ng Pandemya sa Edukasyon

Mahigit isang taon na nang lumaganap ang pandemya at maraming hakbang na rin ang naipatupad upang maiwasan ang pagkalat nito. Kasama nito ay ang *health protocols* gaya ng pagsuot ng *face* *shield* at *face* *mask*. Sa larangan naman ng edukasyon, ang pag-aaral ay naging *online* o di kaya’y modyular. Bukod pa rito, naging matagumpay rin ang mga eksperto sa paggawa ng bakuna laban sa *virus*.   Kahit pa man masasabi na isa ang mga mag-aaral sa dapat unahing mabakunahan upang maibalik na ang dating mas epektibong paraan ng pagkatuto, hindi mapagkakailang na kulang pa sa bilang ang mga bakunang dumarating kung kaya’t ang mga *frontliners* pa lamang ang mga mababakunahan. Walang nakapagsasabi na magkakaroon ng pandemya kaya naman labis ang paghihirap ng Pilipinas sa pagharap nito dahil ang bansa ay hindi pa handa. Kasama dito ay ang hindi kahandaan ng mga estudyante at guro sa pagbabago ng sistemang pang-edukasyon.    Karamihan sa mga estudyante ay nagpapahayag sa kanilang mga saloobin sa *internet* kung paano sila lalong pinapahirapan ng pag-aaral dahil sa pagbabago. Kasama nito ay ang kanilang kagustuhan na magkaroon ng *academic* *freeze* at *academic* *break*. At bilang isang mag-aaral, hindi ako tutol rito subalit maraming ebidensya ang magpapatunay na hindi epektibo ang pag-aaral sa panahong ito. Nawalan ng saysay ang pag-aaral dahil wala namang naihatid na aral.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.