"Bata"
Sa ingay nitong paligid tila ata di makasabay itong dilang napilipit. Anu ba nMan ang laban ko sa musmos na ito pagdating sa ingay ng kanilang bibig. Nainis, nayamot at nang-gigil ngunit biglang nagmukmok. Naisip na oo nga pala minsan rin ako'y naging sila. Sa araw at gabi nuon ako'y di napapakali. Sa tuwing may bago sa mata na para sakin ay nagnining-ning. Kukunin, ibabalik ,paglalaruan at ipagdadamot. Natatawa na sa tanda kong ito, minsan ako'y naging ganun. Sige n nga bata mag-ingay at maglaro ka. Sa oras at lugar kung saan ligtas ka. Magkalat , tumakbo at sumigaw. Hayaan mong ang paligid ko'y bigyan ng kulay. Naisip na baka 'pag nawala ka ay wala ng ingay n magpapasigla sa panibagong umaga.
No comments yet