read.cash Log in
K@Kimpot14 more from that month

Iniwan'

Halos lahat na lang ng taong pwedeng pagtanungan ay tinanong ko na. Upang mas maliwanagan kung paanong ang tao kapag iniwanan ng mahal nya ay natutunaw na parang yelo at naiiwanang nagmumukmok sa mga sulok ng kaniyang kwarto Karamihan sa sagot nila ay kasi daw masakit Masakit dahil minahal mo, masakit dahil naging parte na ng araw araw mo na kasama siya Kasabay mong kumain at manuod ng mga palabas na lalong nagiging maganda dahil masaya kayo Masakit dahil nasanay kayo na palaging magkausap mapatext message man o call hindi pa kasama yung mga usapan nyo sa messenger Bakit nga ba masakit kapag iniwanan ka ng taong mahal mo? Base sa karanasan ko, masakit ang iwanan ng taong mahal mo Masakit dahil may isang tao na pumasok sa buhay mo na parang magnanakaw na tinangay ang mga importanteng bahagi nito Masakit dahil parang nainom mo ang lason na naging parang patibong niya para unti unting pamanhidin ang mga parte ng katawan mo Masakit dahil yung akala mong bahagi ng katawan mo ay isa palang tumor na unti unting sisirain ang kalamnan mo Masakit dahil parang pinagkatiwala mo ang buhay mo sa isang gwardiyang walang malinaw na pagsasanay kung paano protektahan ito Oo, masakit yun dahil ang mudo na dating ginagalawan nyo magkasama ay ikaw nalang ngayon ang natitira at kahit ilang ikot pa ang gawin mo para hanapin sya ay imposible na maibalik mo ang dating pagsasama na mayroon kayo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.