"Wild dreams"
Sa unang pag lapat ng katawan kong pagal, Sa higaang yari sa kahoy at bakal, Agam agam ko ay unti unting dumatal Kasabay ng dasal na aking inuusal. Unti unting pumalaot sa dako paroon, Ang munti kung diwa ay tila umayon, Sa mundong pinasok, pilit tinutunton Ng aking imahinasyong kusang bumabalong. Nakita kita, nakita ko rin sila, May kasamang iba ako ay hindi kilala, bigla pa ngang landas natiy nagsanga Ngunit tila hangin lang, ni hindi niyo nakita. Sa muling paghakbang ko ako ay napadpad Sa mundong maingay at puno ng lagablab Mga katawang tila nililipad Sa saliw ng tugtog na sadyag mapag hangad. Lumabas na ako hindi ko nakaya, Mapanghamong tukso sa aking mga mata Tila nang aakit na ako ay sumama Sa daloy ng agos na nagpapasaya Muli akong humkbang,nagpatuloy sa paglakbay, Biglang nagkakulay my humawak sa aking kamay Ng ako'y tumunghay, ngiti mo ang sumilay Tila nagsasabing ikaw ay kasabay. habang naglalakad tayo ay napadpad Sa isang hardin na puno ng bulaklak mga ibOng pipit na gumaganyak Na tyO ay sumayaw at unti unting umindak. Dahan dahan tayong naglapit ng kusa mga mata natiy tila naparalisa Sa pagtitig sa isat isa ng walang sawa Tila sinasabing tayo ay nakatadhana. Malapit na nuon, malapit ng magtagpo, Kukunting espasyo na lang ang nag lalayo Sa ating katawang kapwa sumusuyo Sa saliw ng musikang dulot ng ating puso. Dahan dahan pa sa unang pag galaw Tila ninanamnam ang bawat himaymay Sa saliw ng tugtog mula sa kapitbahay Yuon pala'y ginigising na ako ni inay.
No comments yet