Isipan'
Iniisip ko ngayon kung paano ba ang tamang paraan ng pag iisip dahil nahihirapan akong isipin na wala ka na Iniisip ko Kung papaano ko bubuksan ang inbox ng telepono ko na ang tanging nais kong mabasa ay yung mga mensaheng nagmula sa’yo Kung papaano ko isusuot ang mga damit na kaya ko lang naman nasusuot ay dahil sa pinilit mong gawing isa ang limang cup ng kanin na kinakain ko Kung papaano ako pipili ng papanuorin sa mga naipong DVD’s sa kwarto ko na sabay nating pinanuod habang nakaupo sa sofa Kung paano ako magbubukas ng refrigerator gayong nasanay ako na bago ito buksan ay nakikita ko ang pulang sticky notes mula sa’yo na may nakasulat na “wag sobra sa tsokolate Mahal :)” o “hinay hinay sa matatamis.. Luv u <3 Mwah!” Kung paano matutulog sa gabi na kung saan sanay ako na yung mga usapan natin ang nagsisilbing musika sa mga tenga ko At higit sa lahat ay kung papaano ko ididilat ang mga mata ko sa umaga gayong alam ko ang pag ikot ng mundo ay salungat na sa mundo na kinagisnan natin noong tayo ay magkasama pa.
No comments yet