read.cash Log in
K@Kimpot14 more from that month

"Sama ng loob"

Pakisalin sa kahit anong lalagyan ang lahat ng sama ng loob ko , pakitakpan para hindi na muling lumisan ang mga ito .. Pakitalian ng mga kamay kong may bahid ng luha , ng sa ganun hindi na ito muli pang mabasa .. Pakisarahan ng bibig kong paos sa sigaw , gayundin ang mga mata kong takot na sa araw .. Bigyan nyo ako ng kahit kapiraso ng ngiti , samahan nyo kong iwan ang salitang MANATILI .. Alayan nyo ako ng kahit isang baso ng tubig na syang papawi sa uhaw na puso , uhaw na dulot ng maraming ulit na pagkabigo.. Ilayo nyo sa akin ang pagkahapo , dahil ayoko ng muli pang mabigo.Nais kong masilayan ang saya ang mabuhay ng sa pakiramdam moy may pag asa Nais ko ng takasan ang dilim , ang kweba , ang lahat ng bagay na magpapaalala , binigay ko na maging ang tahanan ko , binigay ko na maging ang kaluluwa ko ..Pero katulad ng dati , katulad ng bangungot sa gabi , ngayong paggising ko luha parin ang katabi ..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.