"Nasaktan"
Isa ka rin ba sa nakaranas ng Masaktan? Maraming uri ng dulot ay sakit o pag hihinagpis.Isa na dyan ang maloko ka ,Sobrang sakit kapag naloko ka ng taong minahal mo at pinag tuunan mo ng pansin.Marami sa ating nakararanas ng ganitong sitwasyon yung iba nga di na kinakaya at nauuwi sa pagka balisa. Dapat maging mapanuri tayo sa taong papapasukin natin sa ating mga buhay dahil kung hindi ito ay magdudulot lamang ng sakit sa ating kalooban at damdamin.Minsan akala natin yung taong magbibigay sa atin ng saya eh sya palang lubhang magbibigay sa atin ng pagkabigo. Naranasan ko na rin ang masaktan ,Hindi ito biro lalo at masyado ko itong dinamdam lahat ng taong nasa paligid ko ay apektado dahil sa mga kilos ko..Sobrang sakit na yung dating nagbibigay sakin ng ngiti eh ,Nagdulot sakin ng pagkabigo.Di ko inaasahan na sya pala ang magiging dahilan para mawalan ako ng gana sa buhay. Halos gabi gabing pag iyak ang naranasan ko at pinakamahirap eh kailangan ako lang ang nakakarinig ng iyak ko ,Pigil na paghikbi..Masakit na sa kalooban masakit pa sa lalamunan..Gabi gabing walang sawang pumapatak ang aking mga luha hinahayaan ko na lang hanggang sa nakakatulogan ko na lang ito. Kaya ngayon ay natuto na akong kumilala muna ng taong papapasukin ko sa aking buhay ,Dahil hindi madaing masaktan ,Hindi madaling umiyak gabi gabi at isipin kung saan ka nagkulang at bakit di ka naging sapat para sa kanya. Ang hirap isipin kung saan ka nagkamali at bakit naging ganon na ikaw na lang ang lumalaban ,Mag isa mo nalang iniingatan ang relasyon na sabay nyong binuo mga pangarap na biglang naglahong parang bula.Ang lahat ay alaala na lamang.'
No comments yet