'Magulang'
Ang aming ilaw ng tahanan.Saksi ako sa lahat ng patitiis at paghihirap ng aking Ina.Mula pagkabata ko ay sya na palagi ang aking kasakasama.Ang aking inang palaging aligaga kung ano ang uunahin nya dahil sa dami ng mga bagay na pinag sasabay sabay nya. Sa pagsikat pa lang ng araw sa umaga ay di mo na mabilang ang mga nagawa na nya at di pa doon natatapos ang lahat. Dahil wala pa rin syang tigil sa kung ano pang pwedeng gawin.Isa na dyan ang pag aasikaso sa akin noong ako ay musmos pa hanggang naging ganap na dalaga na ako.Tunay nganga maitututing mong isang bayani ang iyong magulang sa dami ng kaya nilang gawin para lang sa ikakabuti ng kanilang mga anak. Sa paglipas ng panahon habang lumalaki ako di ko namamalayang tumatanda na din pala ang aking butihing ina..Kaya wag nating baliwalain ang mga sakripisyo nila sa atin.Araw araw natin ipadama ang Pagmamahal natin sa kanila.Sa lahat ng sakripisyo nilang walang katumbas sa pagmamahal na walang makakahigit. Pakamahalin natin sila dahil sila ang tunay na Nagmamahal sa atin..Sila ang kailanman ay hindi tatalikod sa atin..Huwag nating ipagsa walang bahala lahat ng mga payo nila para mapabuti ang ating kalagayan..Kaya Saludo ako sa mga Ina at Ama ng tahanan na patuloy lumalaban sa buhay para sa kanilang mga anak. Advance Happy Father's Day sa lahat ng "Haligi ng tahanan"...
No comments yet