read.cash Log in
K@Kimpot14 more from that month

'Libro'

Kung libro ka lang, malamang binasa na kita Upang malaman ko ang nais ipahayag ng bawat mong pahina Maingat na itatago sa isang sisidlang nilikha habang pinapatugtog ang paborito kong musika Sisiguraduhing walang anumang anay ang sa'yo ay makakasira Itatabi kita sa pinakamainam na sulok upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ka Ikaw ang magiging aklat na pakaiingatan ko Darating ang araw na kapag lumang luma kana mauunawaan mong yung pagpapahalaga sa isang librong antigo ng isang museo ay katumbas din ng pagpapahalaga ko saiyo...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.