'Takot'
Hindi ko na alam kung paano ko pa ba sisimulan ang muling paghakbang ng aking munting mga paa. Nabalot ng takot at kaba ang buong pagkatao dahil sa pangungutya at panghuhusga ng iba. Tila wari'y di na alam ang nadarama ng isang taong ang nais lamang ay tuparin ang gapanin at pangarap niya. Pakiramdam ko'y halos lahat ng mata ay nagbabantay sa bawat paggalaw ko. Lahat ay nakatingin at handang husgahan ang bawat pasya. Ganito na ba talaga ang mundo? Puno ng mga taong ang nais lamang ay makita kang nagdurusa? Paano na lamang ang mga kabataang nagsisimula pa lang tuklasin ang mundong ito? Nabalot na ng takot ang isip at puso ko. Na ang tanging solusyon na lamang na naiisip ko ay ang WASAKAN ANG BUHAY KONG ITO.
No comments yet