read.cash Log in
K@Kimpot14 more from that month

'Lansangan'

Para sa mga nagkalat sa LANSANGAN.... Marahil ay kuntento ka na ngayon sa buhay mo Mahimbing ang tulog at namamaluktot sa kama mo Busog at ang tanging iniisip ay ang darating na umaga sayo Ngunit kahit minsan ba ay sumagi sa isip mo, Ang kalagayan ng mga batang nasa lansangang tulad ko??? Ang gitna ng lansangan ang aming mahal na tirahan Ang malamig na kalsada ang paboritong higaan Ang tirang kanin ng iba ang sa ami'y masarap na almusalan... Sa init ng araw, nanlilimahid at pinandidirihan Sa gulo ng buhay, nakikibaka; lumalaban Para lamang may mailaman sa sikmurang kumakalam.... Ang gutom ay itinutulog; At ang sakit ay iniluluha Paulit-ulit na tumatakbo; Masyado ng nakakasawa Ngayon 'wag mo akong tanungin kung ano nga ba ang tahanan Dahil ni hindi ko alam kung sino ang aking mga magulang... At 'wag mo akong layuan na tila ikaw ay mahahawaan Wala akong sakit na dapat pandirihan... Bakit hindi na lang sa halip lumayo, ako ay lapitan?? Sa halip na pandirihan, ako ay iyong tulungan??? Hindi nga ba't minsan ang langit rin sa lupa'y humahagkan??? Tandaan mo, ikaw at ako, iisa ang maylalang Sa karapatan at responsibilidad, tayo ay pantay lamang... 'Wag kang magmataas na tila ang lahat ay iyong alam Dahil kung susuriin ang mundo'y, tila ka lang isang langgam Ako ay batang lansangan, oo, mabaho't pinagpapawisan... Ngunit naisip mo bang di rin namin gusto etong kinasapitan?? DI ganito ang aming buhay kung kami'y may mapagpipilian... Ngunit tanging nagagawa ngayon ay iiyak ang pait ng kinahantungan.. Kung sana lamang nakikita ng pamahalaan Na kami'y mamamayan ring naghahangad ng kaayusan At may madilim na buhay na dapat pagtuunan Hanggang kailan pa ba sa ganitong klaseng kulungan??? Oo, kulungang maituturing etong buhay na kinasadlakan At ang kaso namin ang tila kayhirap ng pyansahan 'Pagkat tila sa lipunan, turing sa 'min ay walang kwenta at basura na lang....

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.