'Magpasalamat'
Bawat tao may kani-kaniyang istorya: nakakatawa, nakakalungkot, nakakainggit, nakakainis at nakakabagot sa kabila nito iba't iba din sila sa pagdadala ng kani-kanilang istorya 'yong iba idinadaan sa alak, 'yong iba sa pagliliwaliw at 'yong iba sa mga seryosong bagay...Ang buhay ay hindi natin pwedeng e- flash back, e-fast forward o e- rewind dahil ang mga nangyari na ay hindi na maaari pang maulit o kung maulit man ay hindi na katulad ng dati...Matuto tayong pahalagahan ang bawat sigundo ng ating buhay, ingatan ang mga taong sa atin ay may pakialam at nagmamahal , huwag balewalain ang mga biyaya ng Diyos kulang man ito o sobra...at higit sa lahat huwag umabuso sa kalayaang tinatamasa dahil tandaan ang lahat ng sobra ay masama..Lahat ng bagay ay may hangganan kaya matuto tayong 'Magpasalamat maliit man o malaki ang ating matanggap.
No comments yet