Pasintabi po.
Hfmd, puro singaw na ang bibig nya at madaming naglalabasang butlig na masakit sa katawan. umiiyak tuwing papakainin ko kasi masakit mga singaw nya. Sobrang payat na tuloy dahil hindi makakain ng maayos.
Last week tyan nya reklamo nya masakit kasi acidic. Nag ok na sya sa gamot nya. Nung friday pagkagaling sa school nagreklamo na sya masakit lalamunan nya tapos 1 singaw sa labi nung pagsilip ko. Nung sunday pag silip ko uli sa lalamunan nya ang dami na pala puro singaw pati dila nya meron na din.
Tapos nung gabi ng sunday may naglabasan ng rashes na masakit daw kaya itinakbo na namin sa er may sinat na din. Takot bilang Ina...isip ko baka dengue Kasi mapula na talaga palibot ng bibig nya.
Sabi ng doctor Hand foot and mouth Desease daw. Malamang sa school galing. Dito Naman sa bahay lagi kaming nag huhugas ng kamay at nagpapahid ng alcohol. Wala namang tamang gamot para sa sakit na ito. Take more water intake lang at avoid hot and spicy food lang para Hindi ma dehydrate.
Sobrang Mahal ng mga gamot para ma lessen ang sakit at kati. Sana gumaling na anak ko.
Dengue
Kakatakot din na virus na kumakalat matanda man o sa bata, lubhang napaka delikado. Kailangan aware tayo lalo na pag dating sa ating anak. Yang mga kagat ng aking anak galing sa school. Nag rereklamo sya pag uwi dami nya kagat. Napakakati at mainit daw.
Nilagnat pa sya kahapon kaya lalo akong natakot dahil kakaiba yung mga kagat nya. Kumpara sa kagat ng lamok na maumbok at makati. Mabuti na lang at pilay lang sanhi ng kanyang lagnat kaya nakapasok na din sya sa school ngayon.
Pag uwi galing school Pinacheck-up agad sya sa center para makasigurado. At Ayan nga na dengue test sya mabuti na lang talaga negative ang result. Pero natatakot pa din ako kung ano yang mga pantal na yan.
Naexperience nyo din ba Yung ganitong pantal o kagat?
Biko
Namiss kong kumain ng ganitong luto. Ang sarap, Yung may lutong at medyo hilaw pa yung malagkit pero luto naman. Ah ewan hindi ko madescribe yung texture eh. Yan tignan nyo na lang Yung picture.
Tara Kain po.
Baha...layuan mo kami!
My God walang tigil ang malakas na ulan, nakakatakot tuloy lalo na kapag nanyan na ang tumataas na tubig. Pwede bang steady ka lang dyan. Hayyyy general cleaning na naman itey.
Ayan bilis naming nakapaligpit ng mga gamit na dapat maitaas. Maasahan na din talaga itong bulilit ko. Ang lakas nya sya katulong ko sa pag-akyat ng mga gamit namin sa itaas. Good luck na lang bukas kung paano namin maibababa lahat ng Yun.
Sana hwag ng tumaas ang tubig at lumayo na ang bagyo. Keep safe everyone. 🙏
Traffic - Dinner
Hayyyy, nakauwi din sobrang traffic dahil sa malakas na pag-ulan kanina. Tapos ang haba pa ng pila ng UV. Buti na lang hindi ako inantok dahil siguro sa gutom at sobrang lamig. Nakakahiya tuloy sa katabi ko tunog ng tunog ang tyan ko dahil sa gutom. Naririnig nga nya kaya Yun? Hahahaha
Nagcrave na naman ako sa chicken biryani at last week pa ako atat kumain ng naan bread eh. Buti na lang nakaabot na meron pa. May palibre pang naan with cheese si frieny ko kaya sulit na sulit yung presyo nya sa akin. Eto na dinner namin ng anak ko at pang almusal.
Kain po tayo!
Frozen shoulder.
Kakatakot naman si frozen shoulder muntik pa akong mag collapse sa gitna ng palengke. Dahil masakit na likod ko that time nadagdagan pa ng bigat ng buhat ko. Ng biglang may sumakit na para akong nakuryente sa leeg ko na nagdilim saglit paningin ko. Ilang araw ko ding ininda yung sakit na kapag nababanat sa pag lingon Lalo syang sumasakit.
Kaya check-up na naman at Ayan result nya. Kailangan ko din mag pa therapy for 6 session. Hassle sa Oras ng work kaya Hindi ko na grab, nag pain reliever na lang ako at ointment. Nakuha naman sa gamot kaya Hindi na ako bumalik for check-up.
Finezzo9479 sa noise.cash po. Pa support po mga kaingay.