Kanina iritated yung lalamunan ko,pinalala pa ng kung anu anong naiisip ko kasi sa panahon ngayon kumati lang ng konte ang throat natin hindi na makukuntento isip ntn, ewan ko ba ayaw ko naman isipin pero siguro epekto ng kung anu ano ang nakikita at lumalabas sa balita sa tungkol biglaang pagtaas ng kaso mg covid. Negosyo na rin kasi talaga tong si covid eh. Mabuti nalang at may luya pa ako dito, gumawa ako ng salabat at ininom habang medyo mainit pa, ang hirap pa naman ngayon maghanap ng mga over the counter na gamot na pangontra sa lagnat at ubo😔. Yung kapitbahay ko bumili na naman ng faceshield, baka raw magkahigpitan ulit🤦🏻. Sakit sa ulo ng face shield na yan, jusmiyo onli in da pilipins lang😬. Gandang gabi po sa lahat.
No comments yet