Salamat Ama sa panibagong umaga🌼. Maulang umaga kaingay! ang sarap pa sana matulog dahil sa lamig ng panahon pero hindi pwede sa nanay na katulad ko na may dalawang chikiting na kailangan ipaghanda ng umagahan, kaya rise and shine na tayo mga momsh!😀 masarap kumain ng lugaw o arrozacaldo sa ganitong weder kaya lang kapag nagluto ko ako lang rin ang kakain kaya sinangag at itlog nalang ang ihahanda ko. Ingat kaingay sa pag pasok sa trabaho, negosyo at kung saan man ang lakad…
@Keeian in April 2022
Dahil naubusan ako ng fuds, liemposilog to da rescue.. Mabuti at may malapit na silog kainan dito sa amin, kaya napalabas pa ng bahay si inday kasi hindi na naman nakayanan ang diet kuno at mag skip ng rice sa gabi🤦🏻😁. Suki na talaga ako ng store na ito dahil peborit meal ko talaga ang mga silog, dati online lang sila nag titinda ngayon may physical store na at may pa free juice pa sila, ang bongga!🤗.. Tara kaingay, kain po! Magandang gabi po sa lahat.
Adobong pusit para sa pananghalian. Happy lunch time, kaingay! Huwag kalimutan magpasalamat sa taas sa lahat ng biyayang nasa ating hapag. Paborito namin ito ng bunso ko, pero si kuya ayaw kahit sabaw lang ng pusit. Iba iba tlaga ang panlasa natin, ang hirap magpakain ng bagets kapag ayaw talaga ng ulam, kaya anjan na naman nag pritong itlog to da rescue😁. Holy week po ngayon, magbigay tayo ng oras para sa pag aayuno at paghingi ng tawad sa Maykapal.🙇🏼
Cutest picture i saw on internet today😍. And i can relate 100% on the tagline😆. Adulting hits me, ang hirap maging super nanay ng dalawang bulinggit kaya kahit masarap at masayang gumala mas bet ko na lang ang humilata maghapon, magdamag kahit pa isang buong linggo o buwan yarn😅. Masarap namnamin ang pakiramdam na walang gagawin kundi matulog at magpahinga lang, pero hindi ganun ang realidad kaya kahit struggle is real, lavarn lang si momsh!💪🏼. Bukas ay pasko ng pagkabuhay…
Duhat kayo diyan.. Sino may paborito nito? Sa tanda kong ito ngayon lang ako nakatikim ng prutas na ito, ewan ko ba wala kasi nito sa bundok namin😁. Malig-ang ng kilala kong berry sa lugar namin na talaga naman paborito ko hanggang ngayon pero seasonal lang sya mamunga.. Magkahawig sila ng lasa, at masarap lalo kapag kinakalog sa asin at asukal, at syempre nilagyan ko ng sili para sulit ang lasa. Ang sherep kaingay, kaya sa mga nangangasim na dyan ikakain ko nalang po kayo😅.
Mainit na hapon kaingay! Kapag ganito ang panahon masarap uminom ng softdrinks na malamig, nakakapalamig ng ulo na sumasabay sa init ng panahon. Yung anak ko tatlong beses naliligo ngayong tag init,. Paborito mo rin ba ang pepsi blue kaingay? Bihira lang ako makabili nito ngayon at naging paborito na rin ng anak ko😅, nung highschool ako peborit ko na to pero bhira lang ako makabili ng softdinks noon kasi ang rules n mana twice a month lang kami iinom ng sopdrinks😁.
Laking tulong talaga ni shopee sa akin makaipon ng load lalo na kapag ganitong payday sale sila o monthly sale, yung P20 na load P1 lang babayaran, tapos everyday nagloload rin ako ng piso pero P5 worth of load na. Sinong relate jan?apir tayo kaingay sa pagiging wais!😁 malaki na ang naipon ko sa Dito sim kapag lumabas kasi ako yun ang gamit ko data, 99 lang nireregister ko good for 1 month na. Nashare ko lang🙂.Goodnight po!