Late brunch😁. Kakain pa lang talaga ako ng rice ngayong araw. Kapag ganitong pagkain talaga masarap kumain ng nakakamay, kahit araw araw sinangag sa akin keri lang, minsan kahit wala ulam ok na rin basta may kapakner na blak cofi☕. Peborit mo rin ba ganitong pagkain kaingay?☺ Masarap na pananghalian po sa lahat. Maganda ang panahon ngayon samen, kaya sinamantala ko na at inubos ko na ang natirang labahan kahapon.
@Keeian in November 2021
I want to finish watching my fave vlogger but my eyes cant take it any longer. So here i am wishing you all to have a tight sleep, i hope you all had a peaceful and well spent monday🤗. May sariling mundo kanina ang aking bunso and friends sa kanilang treat or trick, ayaw pumayag na wala silang kendi😆. Have a good night, friends. Bukas ulit, ayyy mamaya pala😅😴
Yung nasa syudad kana pero pers love mo ang mang tanim at paborito mong kulay ang berde🌱🌿kaya hanggat may bakanteng lupa sa paligid pupunuin mo ng halaman, ganyan ang aking mudra☺. Nakapaganda nga naman masdan sa pag gising mo ganitong kulay matatanaw mo, feeling ko nakakokek agad ako sa nature. Magandang morning kaingay, tara na't mag agahan, ako nalang ata ab Ng magkakape palang😁.
Midnight snack po tayo. Nagutom ako nag crave sa burjer mabuti nalang at meron palagi available online dito sa aming lugar na mga pagkain kaya mabilis makapag padeliver kung merong pambili😁 at mabuti nalang rin dahil meron ako kinuha konte sa aking ipon dito sa best platform na noise.cash.. Salamat po Ama sa biyayang ito, at goodnight p0 sa mga matutulog na, pasensya na at baka maglaway pa kayo dito, ikakain ko nalang po kayo✌🤪. Salamat po sa mga nag iwan ng kanilang puso sa…
Kung hindi ko pa nakurot itong dalawa na to hindi pa magbebehave jusmiyo alas kwatro na hindi pa nakatulog, mamaya kapag module time iyakan na naman kami nito kasi antok na hindi pa tapos nag gawain, lalo na yung maliit dyan napakaiksi ng temper sa pag aaral kaya ang nanay palagi rin highblood🤦🏻😆. Tara nat magkape kanoise, pampatanggal ng antok☕. #buhaynanay
Bought this lettuce for 50php, nakakatuwa kasi nakatanim pa fresh pa tlaga. Gagawa ako burger with lettuce at yung tira gawin ko salad o kaya isawsaw ko lang sa mayo solb na🥗. Ito na dinner ko, pero yung mag junakis ko dedma sila. Tara mga ka lettuce kain tayo🍀
Matutulog na lang, may bata pang nag eemote ng dahil sa laruan na yarn. Pareho sila ng kuya meron pero yung kay kuya ang Gusto nya, pinag aagawan nila yung isa na kulay green kahit na originally sa kanya yang blue..sakit sa bangs ng bunso na to pag tinopak, hindi basta mapakiusapan🤦🏻. Mabuti nalang at mabait ang kuya, pero minsan nagtatampo na rin sya kasi lagi nalang daw itong maliit ang nasusunod kaya kinakausap ko sya at pinapaliwanag na sya ang dapat na magpasensya dahil…
Maghapon ako hindi lumabas ng bahay pero may grasya pa rin na pumasok☺, nakakatuwa yung mga ganitong kapit bahay, maghapon nya raw ako inabangan para magmeryenda sa kanila pero hindi ako nakita kaya nagpadala na lang sa bahay. Sakto naman katatapos lang namin maghapunan, ilalagay ko nalang muna to sa ref o kaya mamaya pag nagutom mga alaga ko sa tyan meron na ako midnight snack😹. Magandang gabi kanoise, kumain ka na ba ng hapunan?ingat po lalo na ang mga nasa lansangan at…
My internet connection is not on the mood to let me watch my fave series, i will just sleep and rest my mind to it.. Thanks for todays love, beautiful people. See you tomorrow, wishing you all to have a good sleep😴. Hello to the half of the world that is awake, may your day be filled with much blessing of love and life🤗. Thank you Lord God for this another beautiful and bountiful saturday🙇🏼.
Tanghali na ako lumabas para bumili ng maluluto sa pananghalian late na rin kasi ako nakaattend ng online mass, sumakit ang ulo ko sa sobrang init, lakas makasummer feels🌞😎. Ngayon na naman lang kasi ako nakalabas sa ganitong oras naninabago ang katawang lupa ko, sumakit talaga ulo ko🤯. Kalabasa nabili ko igigisa ko lang sa giniling tapos may pakner na pritong gg, ayy pakkk na ang aming lunch ngayong araw ng linggo.. Happy sunday po, enjoy your famday today. Salamat po Ama…
Taga dito to sa amin doktor na to, at minsan ko na rin naipachek sa kanya mga anak ko mabuti na lang at simpleng ubo sipon lang sila at yung mga gamot na nereseta ay familiar na sa akin. Mabait naman to si doc at maayos naman sya mag check up pero hindi maitatama nun ang panlolokong ginawa nya sa marami nyang pasyente tsk tsk.. Wala talagang patutunguhang maayos ang manloko sa kapwa, ngayon patong patong na kaso ang haharapin nya sa husgado. May baby pa naman to si doc,…
My little one is still up ang watching bedtime stories,.i let him watch for few minutes before finally going to sleep. This is his night routine for weekends only, coz he doesnt have online class on monday. Goodnight noisemate, another week is waving, that means another challenges and struggle are on the way😅. Remember to always choose the good one in everything we may do. Bukas po ulit.😴
Morning sesh with the gang😁 Ang aga naman ng meeting ng mga bagets na to, pag baba ko kanina ganyan na sila. Hindi pa nakapag almusal yarn😅. Magandang umaga ng lunes kaingay, sana ay maging ligtas at produktibo ang ating buong linggo. Pwede na ipasyal ang mga bagets sa mall at ibang pasyalan, sinabi ko sa anak ako at excited na sila ako naman ang kinabahan kasi bukod sa covid dapat redi rin ang bulsa🤪.
Bibingka kayo dyan.. Kanina ko pa to hinihintay sa almusal pero hapon na dumaan c kuyang naglalako, swak na to sa meryenda plus softdrinks naman, mainit kasi ngayon ang panahon dito sa amin kaya pass muna sa kape,,meju sunog yung ibabaw nya pero hindi naman nakaapekto sa lasa nya, perpek pa rin para sa akin😜. Tara po kaingay at kumain na ng meryenda.. Magandang afternoon po sa lahat.
Oras na naman ng pagtulog, kabayan. Maraming nangyari ngayon araw at ako'y nalilito sa kung anung hakbang ang dapat kong tahakin, pero ganun pa man ang tanging dasal ko lang ay magawa ko kung anu ang naaayon sa kagustohan ng nasa itaas. Hindi man tumutugma ang mga plano at gusto ko alam kong mas maganda ang plano ng Dyos para sa akin. Walang hanggang pasasalamat Ama, alam kong sa mga pagsubok na ito ay lalo akong titibay at lalakas🙇🏼. Fight lang 💪🏼. Tulog na tayo,kaingay.…
Lunch is served. I have here pork sinigang with lots of pechay🍀. Liempo part ang gusto ko sa sinigang,bumili lang ako mg isang hiwa pero tinodo ko sa gulay, ako lang dn naman kasi kakain ng karne yung mga bagets sabaw at patatas lang. Yes, nilalagyan ko ng patatas ang sigang ko kasi yan lang kinakain na gulay ng panganay ko😁. Ito yung ulam na hindi talaga ako nagsasawa. Tara na kaingay kain na po,redi na rin ang sawsawang spicy toyomansi🌶..
Tulog na yung dalawa kong alaga, kaya manunuod muna ako kahit isang episode lang ng my name, kasisimula ko palang panuorin kagabi at intense agad ang mga ganap. Meryenda time na kanoise, nag iisip pa ako ng ipapakain ko sa mga bagets pag gising nila, pero siguro biscuit nalang para hindi nako mastres mag isip😆. Magandang hapon sa lahat, tara na at magkape na rin!☕
Nag offer yung kapitbhay ko kung gusto ko raw pagawa Id yung vaccine card ko, at eto na ang finished product, super satisfied ako sa halagang php60. Kudos sayo neybor hindi ka mataas magpresyo, sa iba kasi 100 pagawa eh. Maganda at durable na ang vaxx card ko kapag papel kasi mabilis masira, at pag dating ng oras na wala na si covid souviner ko nalang rin itong card na ito.. Sana hindi ko mawala at hindi agad masira😁. Sa panahon kasi ngayon vaxx card is the key sa mga ibang…
Goodnight tuesday, in few minutes it is wednesday already thats why im closing my eyes now and let my mind and body rest and sleep. I hope you all had a wonderful day and will have the sweetest dream tonight. Thank you beautiful people for being with my post today, may we always be blessed by God. May Bch continue to rise up to the moon💚💚. Sleep tight, noisematez! And hello to the other side, always choose to do what is right.💖
Yay!!umagang kay ganda ganda talaga, kaingay. Dahil itong si bch natin at sumasabay kay eth sa paglipad, talaga naman nakakakilig kapag ganito ang bubungad sa ating umaga... Sell na ba o hodl parin? Ako wait ko pa maghapon para may makakuha ako ng konte at may mabili akong reward sa eleben.eleben bukas😅. Salamat noise.cash at bch sa maaga pamasko💖. God bless everyone, sanay maging masaya, ligtas at punan ng liglig at umaapaw na biyaya galing sa taas ang ating araw. Ingat po!
Burger lang ulit ang hapunan namin kaingay, kunyare diet ako hindi ako ng rice ngayon😅. Sarap ohh fresh ulit ang lettuce na nabili ko kaya perpek kagatin at crunchy pa. Satisfied ang cravings ko at super happy ang tummy ko🥪 . Sana ay nakapaghapunan na rin po kayo, ayy late na pala kaya sigurado karamihan ay nakakain na😁. Nekekeleg pa rin ako kay bch at nakakurot na rin ako ng konte dahil konte lang din naman ang naipon ko🤫, kaya super thankful at greatful ako kay ninong…
Matutulog nalang daw syang nakatayo, nasira kasi efan namin kaya nagtutok sya sa ac, bakit kaya ang mga bata ang titibay sa lamig, bukas na ac gusto tutok pa electric fan habang ako nakabaluktot at nakakumot na. Kaya bago ako matulog hintay hintay ko nalang na makatulog na muna sila para mapatay ko na erkon kasi malamig na sobra at ng makatipid na sa kuryente jusmiyo🤦🏻😅. Bukas una kong gagawin ipaayos ang efan, unpredictable pa naman ang panahon pero madalas sobrang init…
Eleben.eleben na, marami ng siguristang momshie dyan ang naapeplace order na😆. Matutulog na po talaga ako in-uninstall ko na laz at shoppee acct ko🤣🤣char lang! Ang daming magaganda at mura talaga kaya lang mas marami akong dapat unahin at ipriority🤧 itutulog ko nalang kesa mabudolzz pa ako nyarn😆. Goodnight na pipol, ang mata koy papikita na talaga, sana hindi ko mapanaginap ang mga nasa cart ko😅😴.
Morning blessing from pediasure 3+. Thank you po sa blessing, Lord. Excited ang bagets inumin, kung tatangkad raw ba sya kapag ininom na nya ito?😅. Siguro nakita nya yung commercial sa tv na pinopromote ng gatas na ito ang height kaya natandaan nya😄. Free lang ito momsh, nakita ko lang sa fb at nag sign up ako, lahat ng free pasukin na natin basta marangal at legal😉.. Yung sa similac tumwag rin sakin yun pero hindi ko narecv ang free sachet nila. Good morning good morning.…
Gandang gabi kaingay, overtime kami ngayon gumawa ng module kasi magpapasahan na para sa first quarter, stressed ako maghapon sa math😆 lagi ko yan hinuhuli ituro kasi aaralin ko muna ng bongga para maituro ko kaya lang ako mismo hirap na intindhin mabuti nalang at maraming video sa youtube laking tulong talaga😅. Goodnight sa mga matutulog na, kami mag ssnack muna nakakgutom kasi talaga mag aral😄.
Another long day is over and now am ready to sleep😴. Thank you dear God for keeping us strong especially in days of darkness, fears and anxiety, May we always learn and see the way you want us to be in🙏🙇🏼. Goodnight again lovely humans, thank you for all your beautiful hearts❤. See you tomorrow☺.
Magkakape palang ako kanoise pero kanina pa ako gising sakto kasi dumaan si kuyang naglalako ng balinghoy na ganito, masarap talaga to kainin may pakner na kape. Nakalimutan ko na mag almusal may biglaan adjustment kasi ng online class ngayong araw ang aking kinder. Magandang umaga po sa lahat!
Ang dami kong gutom kaingay, hindi kasi ako nagmeryenda at hindi rin nakapagluto ng para sa hapunan kaya instant order nalang ng tapsi, bihira na lang ako kumain nito kasi hindi praktikal at unhealthy rin kaya lang gutom na talaga mabuti at may nakurot ako sa bch ng tumaas kahapon kaya may naiorder ako ngayon. Thank you kuyang noise talaga☺. Tara po kain tayo, masarap liemposilog nila sulit sa presyo.
Akoy matutulog na kaingay, week end na naman ang daming na naman nakatenggang gawain, hindi na maubos mga gawain na yan, kapag nasa loob ka ng bahay walang katapusan talaga yan. Kaya kailangan na naman marecharge ng lakas para bukas sugod ulit sa hamon ng buhay. Salamat kaingay sa pag daan sa post ko at sa papuso mo.❤❤❤. Thank you Lord sa isa na namang makabuluhang araw na lumipas🙇🏼.
Ayuda from bikol with love. Ito ang masarap ng may mga sariling tanim sa probinsya, sakto naman at may lumuwas na may sasakyan kaya napadalhan kami ng mga yarn. At may bunos pang kyut na pinya🍍😅. Gagawa ako ng pineapple juice, matamis ang mga yan, yang rambutan ang suha saraling tanim yan ni mader dear malaking pakinabang na ngayon, maraming mag bunga at masarap sya 🍒. Gandang tanghali kaingay.
Nasa kalsada pa rin ako pauwi pa lamang, nakakapagod ang araw na ito. Ingat po ang mga pauwi lang na katulad ko.. Naway naguming maayos ang araw ninyk kaingay, oras na ng hapunan, kaya kumain na muna ako ng biscuit, masarap sana mag chicken joy pero wala yun sa budget kaya next time nalang self, pigil muna ng cravings at katakawan😅. Gandang gabi sa lahat.
Napagod tAlaga ngayon ang katawang lupa ko kaya akoy magu-goodnight na sa mga kaibigan ko dito sa noise, pumipikit na ng kusa yung mata ko sa sobrang antok. Pero yung dalawa kong katabi dito nanunuod ar asaran pa, hindi nauubusan ng energy ang mga bagets nato😆. Salamat kaingay sa pagpuso mo. Bukas ulit😴
Painting 101. Mag pipintura kami ng kapatid kong babae, kesa kasi.ibayad namin kami nalang madali lang naman magpintura, ikuskos lang ang roller keri na😅, pero sana maganda naman kalabasan..busy busyhan kami ngayong week end,pinush na ang mga gawain bahay day off ng kapatid ko na mkakatulong ko.. Goodlak sa amin😁. Gandang hapon po!
Christmas is in the air, literally🎄✨. Its so nice seeing those christmas lights on the street, it gives more excitement and happiness to celebrate the yuletide season. But lets not forget the very reason why we celebrate this season,its more important than any other occasion because its the birthday of our Lord Jesus Christ🤗. Let love and forgiveness reigns on our heart every season of the year❤. Good evening noisemate😊.
I can finally sleep now, when i got home earlier my kuya has mild fever, my mom already let him drink paracetamol. I massage his head and back with vicks and he easily fell asleep. Sa mga nanay na mahirap yung ganitong sitwasyon, kahit sinat lang hindi natin maiwasan ang hindi mag alala, mabuti nalang at andito kami ngayon kina mama kasi alam ko kahit papano nakakalma isip ko. Wishing you all have a better sleep, its monday again later, we will face another challenges in our…
Good morning monday! Champorado para sa agahan. Kain po tayo ng breakfast, luto ito ni mudrabels mas masarap nito may powder milk. Paborit ito ng aking mga junakis. Lunes na naman kaingay, sana ay maging maayos ang ating buong linggo. Pagpalain nawa tayong lahat ng Dyos,
Katatapos ko lang magsampay ng mga labahin hindi kasi nagawa nung weekend dahil nabusy kami maglinis at magpintura ng ibang bahay. Kaya kakain palang ako ng pananghalian ngayon, kayo po ba any kumain na? Dont skip your lunch kaingay. Ang ganda talaga pagmasdan ng asul na kulay ng kalangitan, kahit na masakit sa ulo ang init hindi maiaalis na mamangha tayo sa kagandahan ng paligid natin.. Kaya salamat po Ama sa lahat ng biyaya na nasa aming paligid. After kumain iindlip muna…
Merienda time. Magluluto ako maruya, isa sa paborito kong meryenda. Sakto na yung pakahinog ng saba galing bikol. Masarap ipakner sa malamig na softdrinks o black cofi. Kumakain kaba ng maruya kaingay, sa probinsya madalas namin itong meryenda noon. Gandang hapon po sa lahat, mataas pa rin ang init ngayon, masarap mgbabad sa pool o ilog, parang summer ang init eh😝
Akoy matutulog na kaingay, hindi kaya ng powers ko magpuyat ulit ngayon hindi pa ako nakakabawi ng tulog ko kagabi, pinakiramdaman ko kasi yung anak ko na may lagnat, at hanggang ngayon mainit pa rin sya kaya dadalhin ko na bukas sa center para mchek up. Pumupikit na tlaga ang mata ko kaingay kya goodnight nA Talaga😴💤
Lazada 11.11 My sister save 1k for this bundle of milk for her little one, it is actually packed of 6 and her neighbor agreed with her to share so they can both save 1k each. Of course they first check the legitimacy of the store, and it is a flagship store by laz. Malaking tulong talaga yang mga papromo ng mga online store lalo na sa mga working nanay, nakasave sila sa pera at oras.. Salamat lazada, sana more pa🤗. Gandang tanghali kaingay, lunchtime na. Kami tapos na…
Drinking red wine with my cousin. Tamang pampaantok ito, sakto pag punta ko sa kanila may pa wine sila, napa shot tuloy ako. Good for the heart daw ang red wine. Masarap sya pero mas bet ko pa rin ang novellino🍷. Gandang evening kaingay.
Hindi maganda ang timpla ng sikmura ko ngayon, dahil ata sa ininum ko to at kumain p ako ng pinya kahit gabi na😣. Itutulog ko nalang ito at aasang mawawala rin, para bukas redi na ulit humarap sa bagong araw. Maraming salamat po Ama sa langit sa araw araw at biyayang lagi nyong ibinibigay, tunay ngang mas maganda ang inyong plano kesa sa amin🙇🏼. Goodnight po sa lahat, sanay maging mahimbing ang ating tulog, sana wag ako pahirapan ng sikmura ko😩. Bukas ulit mahal noisematessS☺
My Medyo late breakfast, madalas kasi mas nauuna ko pang gawin ang gawaing bahay kesa mag agahan😁. At kahit mainit na, kofi is life pa rin, spicy pancit canton with bread at arabica cofi, pag papawisan ako ng bongga nito sigurado😜. Tara po, kain tayo! Yung ibang maomshie dyan pang lunch na ang pineprepare, pakatapos ko kumain magluluto ako ng pork sinigang as requested by my kuya, gusto raw kasi nya yung luto ko ayaw nya raw ng binibili hehe! Magandang buhay kaingay!🌻
Yung akala mong matabang kasi hindi gaanong madilaw eh sobrang tamis pala, nakabili ako ng 3 for 50 ng mga cute n pakwan na yan at hindi ako nabigo sa kanyang taglay na tamis, kala ko nadala lang ako sa salestalk ni kuyang nagtitinda ehh. Sakto sa init ng panahon ngayon ito, sabi ng anak ko itanim ko raw yung buto kasi nga matamis😅. Noong bata pa ako red lang na pakwan ang nakilala ko ngayon may iba ng kulay. Anu meryenda nyo kaingay?
Maliwanag pa pero andyan na si Mr. Moon. Ganito talaga kapag malapit na ang pasko, umiiksi na ang araw at humahaba ang gabi. Masarap tumambay sa tabing dagat kapag ganyan kaliwanag ang bwan, habang kumakain ng balut at dinadama ang sariwang hangin. Ang dami ko mg naimagine, nagandahan lang naman ako sa bwan pag labas ko ngayon ng bahay😄.
Itong yung nakuha kong premyo este nabili ko noong 11.11, almost 300 lang yan lahat may kasama pang ceramic matte tempered ng cp. Yung cp stand nasa p120 ang presyo dito sa amin pero kay shoppee 40petot lang. Laking tipidss talaga, kaya mapapasabi nalang talaga tayo ng ng salamat shoppeeee😆 Goodnight noisemate, bukas po ulit. Sana pag gising natin kumulay berde na ulit ang Bch natin💚.
Naalimpungatan ako bigla, yung feeling na pag mulat ko kala ko umaga na,pero yun pala mas aalas dos palang ng madaling araw🤦🏻.. ..ok back to sleep, have a peaceful sleep everyone😴
Ito yung pinakatatakutan dito sa amin, mag kakatabi kasi ang bahay, pero ang kagandahan may fire station mismo sa loob ng subdivision kaya mabilis na naapula ang apoy. Thanks God. Wala ng ibang bahay na nadamay at nakalabas ang lahat ng nakatira. Nag over heat na efan daw ang pinag mulan ng apoy, sakto kasi umalis ang nanay at bata lang ang naiwan kaya hindi agad naichek pero mabuti wala naman nasaktan. Naranasan narin namin masunugan nung college ako, hanggang ngayon trauma…
Naglakad lang ako pauwi para makasave ako sa pamasahe at dumaan sa alfamart para bumili ng pasalubong sa mga bata pero ang ending mahal pa sa pamasahe ang nagastos ko dahil sa magnum ice cream na ito😅, hindi ko napigilan sarili ko na hindi kumain nito haha! Kung sumakay na ako sa tricy p20 lang nagastos ko, pero ok lang minsan lang namarn ako makatikim nito, pinagbigyan ko na sarili ko😆. #lamonpamore
Itong si ate Song Hye Kyu parang walang planong tumanda, lalo ko naramdaman na unfair talaga ang mundo😆 char lang! Gandang ganda talaga ako sa babaeng to, nung naghiwalay sila ni song joong ki nabroke din ang heartsss ko😭😅pero ganon talaga ang life hindi,walang perpektong buhay. At eto na nga episode 2 na pala tong Now, were breaking up, abangers na agad ako sa ep 3😍. Pero ngayon magugoodnight na ako sa inyong, mahal kong noisemate💤. Salamat po, Ama, sa araw na ito sana…
Rise and shine pipol! Pag gising ko wala na ang mga junakis ko sa kama, sana naman nag handa na rin sila ng almusal😆🤣. Ang sarap pa sana humilata pero kailangan ng kumilos dahil hindi nauubos ang gawain ng isang nanay. Magkakape na ako para mas masigla ang umaga, bet ko talaga ang arabica cofi, binili ko lang to sa shoppee, fron Batangas ang store nila.. Masarap sya, mas gusto ko na kasi ang blak cofi kesa may creamer,ayoko na rin ng may sugar, sign of aging na talaga ata…
Noong bata pa ako palagi sinasabi ni mama na kumain kami ng kalabasa para luminaw mata namin, at yun din sinasabi ko sa mga anak ko kaya yung bunso pagkatapos kamain sasabihin nya na dati lang naman daw yung mata nya hindi naman daw luminaw😜. Masarap sana mag gata nito na may hipon o alimango pero dahil itong kalabasa lang ang meron ako igisa ko nalang ito sa giniling, solb na ito para aming pananghalian😅. Kayo mga momsh anu ang menu nyo para sa pananghalian?
Hindi ko nasilayan si mr. Moon kanina, nakita ko lang ang magagandang kuha ng ibang noiser. Magugoodnight na ako kanoise, may rampa ako bukas kaya dapat makatulog ng medyo maaga. Salamat po sa lahat ng mababait kong virtual friends dito Sleep tight😴. Salamat po Ama sa araw na ito, kahit akoy stressed at worried mas iniisip ko nalang na hindi Mo ako bibitiwan sa aking bagong journey na sinusubukang tahakin☺🙏.
Magandang buhay! Sabado na naman nga kaingay, tara na't maglaba. Natambak na naman labahin ni inday🤦🏻. Magkakape muna ako after nito lagare na naman sa gawain dahil maya maya akoy may pupuntahan, magluluto muna ng kanilang pananghalian bago umalis. Umagang umaga ang lakas ng sounds ng kapitbhay kanina mga 7am mapapajusmiyo marimar kana lang talaga, minsan dedmabels ang mag rang-gu kung may mga tulog pa ba sa paligid nila😁nastress ako ng beri layt! Pero good morning pa rin po…
Lunch time🍛🐟 Flex ko lang itong bigboy ko na beri gud pakainin kapag fish at gulay ang ulam, pero depende pa rin sa gulay unlike sa kuya na talagang duduguin ako sa pagpapakain ng gulay. Sinigang ko yung ulo at prito naman ang buntot, tapos kalamansi lang pinang asim ko. Marunong na rin yan mag magtanggal ng tinik kapag prito ang isda (pero dobol chek ko pa rin), nakakatuwa kasi kapag ganado kumain ang bata, achievement yun sa aming mga momshie hehe! Dont skip your lunch,…
Goodnight kaingay. Isang napakachallenging ang araw na ito sa akin, daming stres ang dinanas ko😔🤧. Pero ipinagpapasalamat ko pa rin ang mga balakid na dumadaan sa buhay, kasi alam ko doon ako o tayo lalong titibay at lalakas para magawa natin ang gusto nating gawin sa buhay.. Sana maging maayos ang lahat,at ang mga plano natin ay maisakatuparan sa tulong at basbas ng nasa itaas🙏🏼. Natapos ko na episode 3 ng now were breaking up kya matutulog na ako, sweet dreams noiserss😴❤.…
Nakita ako ng northern light sa selpon ko,saklap mga besh!😭 paano na ako makakapag ingay nito ngayon😥. Mabuti nalang mabait ang kuya pinahiram nya agad cp nya sa akin. Mahal pa naman magpapalit lcd, umagang umaga stress agad si inday🤧. Hindi pa naman tayo pwede ng walang cellphone, pangangailangan na rin kasi ito hindi nalang basta pangporma. Ganunpaman, magandang umaga pa rin po sa lahat, linggo ngayon tayoy magpasalamat sa Dyos sa lahat ng pagpapala at pagmamahal Nya sa…
Nap time ng mga bagets kaya nakahiram ako ng selpon kay kuya baliktad kami ngayon ako ang naghihiram sa anak ko😁, mabuti nalang at nakagawa na sya ng module kaya pede na ko humiram😅. Nagluluto ako champorado para a meryenda request ng bunso, maya may yung sinampay naman ang haharapin ko kahit sunday ngayon hindi uso sa ating mga nanay ang day off, push lang natin yan mga mars kasi kung hindi tatambak gawain natin at tayo pa rin talaga ang mahihirapan😅. Gandang hapon po!
Dahil nag overtime na naman kami sa module ng kuya ngayon pa lang kami makakatulog mag iina, napahaba rin kasi yung nap time nila kanina siguro dahil umulan ng malakas napasarap ang tulog nilang magkapatid dahil malamig. Goodnight mga friendship ay pwede na rin goodmorning😁. Sana ay makatulog tayong lahat ng mahimbing at maayos. Bukas ay monday na naman, panibagong linggo para harapin ang mga pagsubok, at kahit anu pa man yan makakaya natin yn basta laging tayong tumawag sa…
Wishing you all to have a peaceful sleep. Its been another wonderful day, lets take a rest and be ready again for tuesday grind😊. Sarap matulog ngayon, maghapon hindi sumilip si haring araw at wala rin namang ulan, feel na feel ko ngayong araw ang christmas season, sana ganito rin bukas, nakakahaggard kasi kapag mainit, lakas makasummer feels😜. See you in dreamland😴
Goodmorning tuesday. May class ngayon si kuya kaya ito n ang brunch nya. Proud na proud kasi sya nagluto ng egg na ulam nya. Kain na po! Magandang buhay sa lahat.
Ala una na pala at akoy manananghalian pa lang, pinauna ko na kumain ang mga bagets kasi sinipag ako magkuskos ng terrace. Pinakain ko mag isa si bunso at yung tira tira nila uubusin ko kesa masayang😁, kaya lalo akong tumataba kasi ako ang tiga ubos ng lahat..sigurado maraming relate na nanay dyan hehe! Ang dami nakitang masasarap na ulam, tingin ko palang eh nabusog na ako, enjoy your meal kaingay. Hindi na naman mawari ang panahon, meju makulimlim. Kaya pending ang mga…
Iidlip muna ako kaingay habang yung makukukit dito ay tulog na rin, pagkakataon ko na sana mag ingay kasi tulog ang may ari ng selpon na ginagamit ko kya lang yung mata ko pabagsak na talaga..puyat si inday. Mamaya po ulit.
May bata na naman na sumasabay sa puyat ng ina😜, habang ang kuya nakatulog na sya naka antabay pa sa kung anong kinukutingting ko. Pero akoy magu-goodnight na sa aking mga kaibigan dito. Matutulog na ako mga mars at ser para makatulog na rin si bagets, salamat po sa inyong mga paheart☺. Sana makatulog tayo ng mahimbing at sana sa pag gising natin may naghihintay na magandang sagot sa ating mga hiling sa Kanya☝🏻. May God bless us and continue to guide us into His path and…
Isip isip na naman ng maiuulam pero parang ang ending eh noodles nalang, natatamad ako kumilos masakit kasi ang tyan ko hindi ko alam ang dahilan, siguro sa stress din sa dami ng topic na gustong iproceso ng utak ko hindi na nya alam kun anu ang uunahin🤯. Lalagyan ko nalang ng malunggay at egg para kahit papano maging healthy rin☘️. Asikaso na naman tayo mga momsh, gandang tanghali sa lahat!
Busolve ang meryenda ko, thanks God. Napa order ako ng wala sa oras, pag open ko kc fb yan ang bumungad jusko legit yung cravings ko kya pinagbigyan ko na sarili ko😁. Masarap naman, magkakape pa sana ako kaya lang naisip ng maubos na yung sandwich😅 di bale mamaya nalang gabi☕. Nag meryenda ka nba kaingay? eto na naman ako,problematic na naman ng ulam sa hapunan, siguro itlog nlang yun lang ang naiisip na madaling lutuin at hindi pa matatanggihan nga mga junakis ko.
Still awake,its 1240am and my mind keeps on thinking about everything thats happening around. I know theres reason for everything but sometimes we cant control our emotions and the best way to cope with it is just to let it be.. But on the top of that i know that God will not lead me here if i cannot make it,though the process is hard🧡. Im okay and i know that this thou shall pass. To all that who has the same feeling with me, fighting lang, lavarn lang tayo mga mars💪🏻. Will…
Magkakape palang si inday, at saka biko para sa agahan, blak cofi lang na walang sugar kasi yung biko matamis na kaya perpek combi na sila, tara kain po! may online class ang aking kinder kaya ang momshie dapat nakamonitor rin. Wala pa ako maisip na maiuulam, maghahanap nalang ako mamaya sa talipapa. Ingat po!
Patatas na may giniling🥔. Dahil patatas is life naman ang mga junakis ko, nag gisa nalang ako ng giniling na mas marami ang patatas at nilagyan ng tomato sauce at green pepper😁. Sabi ng kuya ganito na lang daw ebriday ang ulam. Kaya kapag nagluluto ako nilalagyan ko ng patatas kahit na hindi talaga kasama sa mga sangkap, makakain lang sila ng mas gana. Dahil late ang almusal kaya late rin ang lunch ko. Kain po!
Wala lang gusto ko lang ulit matikman ang sanmig apple, iba na pala ang bote nya, meju matagal na rin ang huli ko inum nito kaya namiss ng bahay alak ko🤣 char lang! feel ko lang po talaga uminom ngayon kahit wala naman dahilan, trip ko lang kumbaga at hany lang talaga pulutan mas bet ko yan😁 .. Sana maging maayos tulog ko nito. Kampay tayo, kaingay🍻. Good evening po sa lahat.
Putong bigas gawa ni neybor, masarap malabot kagatin,ganito yung gusto kong luto ng puto, kaya dinamihan ko na ng bili. Namiss ko puto nya bihira lang kasi sya gumawa, hindi nya talaga tinitipid kaya 10/10 ang score nito sakin☺. At syempre perpek to sa blak cofi, kaya tara meryenda po tayo.
Tulugan na naman, nagdaan na naman ang isang linggo. Salamat po Panginoon sa lahat ng pagpapala ninyo. Bukas labadami na naman ang mga momshie,.pero panuorin ko muna latest ep ng ng now were breaking up bago matulog, goodnight lovely peepzz.
Gulay na santol o sinantol at fried chx for lunch. Sigurado taob na naman ang kanin nito mga kaingay, sa aming probinsya paborito itong sinantol, bihira na ako makakain nito mabuti at nagluto si mudra ngayon pag punta namin sa kanila, kya naeexcite na ako kumain haha. At fried chicken sa mga bagets, pero yung bunso ko fight sa gulay. Tara na po kaingay, kainan na.
May pa ganito na ulit si kuya noise.. Isang araw akong hindi nakaupdate, kumusta po kayo? Busy ang sabado ko kaya ngayon ko lang nabalikan ang nagpapula ng notif ko, salamat po sa inyo❤. Sis @maxie88, ganito yung epekto ng heart mo sa akin ohh shelemet! Sunday po ngayon, salamat po Ama. Mapagpalang araw po sa lahat.
Finally i can lay down now and have some rest, its been long, tiring and busy weekend for me🤧. Im tired but has no room for giving up. I have done mportant errands this past few days that im hoping and praying will give me positive result in the future🙏🏼. Im physically tired and drained but will continue to stand up and fight for this journey of life. Wishing you guys to have a better and calm sleep now, so we can face another tomorrow with full of positive vibes and…
Ilang gabi na ulit na masigla ang mga basketball court. Maliwanag at buhay na buhay paligid. Malaking tulong sa mental health ng mga kabataan na mahilih sa sports. Sana tuloy tuloy na at maging covid free na ang mundo. Gandang gabi po!
Matutulog na ang inyong lingkod kaingay, salamat po sa pag share ng blessing. Masakit ulo siguro dahil sa init kanina puyat. Kaya ngayon meju maaga ako matutulog dahil bukas gogora kaming taytay, alalay lang ako ni mader dahil bibili daw sya ng mga pang regalo sa mga apo at kaibigan nya. Nakakatuwa bumili lalo na kung maraming pang bili😅,bagsak presyo kasi talaga... Goodnight po sa lahat, salamat po Lord Jesus sa araw na ito🙇🏼.
Goodbye november na, 25 days nalang at birthday na ng ating tagapaglikha. Ang bilis talaga ng araw parang kelan lang ng nagsimula ang 100days countdown before christmas. At kagabi habang pauwi kami dumaan kami sa simbhan at nagdasal, yung bunso ko sinabi nya request nya kay santa ay godzilla toy daw🙈, first time nia napanuod last week c godzilla at kingkong, naalala ko lang ang tanda ng movie na yun pero maapeal parin sa mga bagets. Mag gugoodnight na ako kaingay, napagod…