Wahh nakakahiya HAHAHA skl. Lumabas kase ako kanina ng bahay para magpahangin, ang init kase sa loob. Nakita ko yung tito ko, nagiiunaman sila ng mga pinsan ko tapos kabarkada niya. Inalok ba naman ako ng tito ko na uminom tapos inabot sa akin yung baso 😂 sabi ko hindi ako nainom kase papagalitan ako ni mama pero inaabot niya pa rin talaga. Kinuha ko nalang tapos nung inamoy ko, gulaman flavor na palamig pala ang sinalin sa baso ko HAHAHAHA akala ko alak 😆 shemsss nakakahiya, todo tanggi pa naman ako.
1 comment
Hahaha! Okay lang yan! Ibig sbhin lang nun nirerespeto mo si Mama mo sa kung anong hindi nya gusto mong gawin. At masunurin ka tlaga. Haha! Sarap yang gulaman, tamang tama sa mainit na panaHon.