Hanga talaga ako sa mga riders, kahit gabi na dineliver pa rin 'yung mga parcels namin 🥺 Halos 7:00 pm na ata nung dineliver ni kuya rider 'yung scars removal ni ate. Actually kulang pa 'yun dapat kase tatlo ang dadating na parcels kaso dalawa palang 'yung dumating. Iisang rider lang daw ang mag dedeliver sabi ni j&t, nung una nagtaka ako kung bakit hindi nalang sinabay sabay ni kuya para isang puntahan lang. Kaso narealize ko rin na baka hindi niya nabibit lahat ng parcels dahil maulan at madulas tapos mabigat pa kung dadalhin niya lahat. Okackes, fast forward, nung tinanggap ko 'yung scars removal tinanong ko kung baka nasa kanya 'yung last parcel na mop. Sabi niya baka naiwan daw sa warehouse, kukunin niya nalang daw. To think na sobrang gabi na, sabi ko ayos lang kahit bukas na kaso bumalik ulit si rider around 7:45 pm siguro para ideliver 'yung last parcel 🤧 Kudos po sa'yo kuya rider! Sipag mo po 🥰
1 comment
masisipag tlga mga yan tapos ang gagaling pa maghanap ng bahay