read.cash Log in
@Kaeyousse

@Kaeyousse in September 2021

@Kaeyousse

Ow yes! Good morning guysss! Merry Christmas po HAHAHA chars. Happy 1st of September. Christmas lights and Christmas trees are waving πŸ˜‚ Kanina pag gising ko nagpapatugtog na 'yung kapit bahay namin ng Christmas song, naks nangunguna talaga πŸ˜† Btw, ang sarap ng tulog ko kagabi, sana kayo rin. 7pm palang humiga na ako tapos kahit sobrang iingay ng mga pusa, nakatulog parin ako. Etong mga kinemeng pusang ito, inaraw araw na ang awayan.

@Kaeyousse

Awts gege naulan mga marecakes. Pupunta pa naman kaming bayan dahil magpapa laminate ako ng vaccination card at magpapagawa ng laptop dahil malapit na ang pasukan. Nawa'y huwag naman lumakas, nakaka awa rin kase 'yung mga taong napila ngayon para sa vaccine. Wait mga lods, natutuwa ako sa kapit bahay namin HAHAHA. So iyon na nga, kaninang umaga nagpapatugtog na sila ng Christmas song. Bali sa kwarto ko lang kinig na kinig talaga dahil malapit 'yun sa pinaka bahay nila.…

@Kaeyousse

Aguyy nagsara agad ang metrobank huhu 1:50 pm palang nung pumunta ako eh Ο€_Ο€ Hindi ko tuloy napapagawa ang laptop, bukas nalang. Sayang ang effort ko piste β‰₯﹏≀ bukas panibagong biyabit na naman HAHAHA. Ayoko pa naman maglalabas ng bahay, nakakatakot talaga ang virus. So, eto ako ngayon nakatambay sa pinagtatrabahuna ng mama ko πŸ˜‚ bili po kayo ng gamit pang baby! Lahat andito πŸ˜†

@Kaeyousse

'yow noise cash pips! Good evening po. Nakauwi na ako, kanina pa. Nakakain na rin po kami ng dinner. Bukas ako'y pupunta na namang bayan, jusko po nakakatamad HAHAHA. Balik kami sa dating gawi, ngayon ay nanonood kami ng balita at movie. Kahapon kase gantong oras tulog na kami, hirap baga dahil ang haba ng pila πŸ˜‚ Magandang gabi po

@Kaeyousse

Good morning mamc and papc's! Kumusta po ang tulog ng lahat? Nawa'y makumpleto niyo rin po ang tamang bilang ng oras sa pagtulog 😁 Kumain na po tayo ng breakfast at huwag nang magpagutom. Ngayong araw, panibagong mga problema at suliranin ang ating kahaharapin. Huwag sana tayong mapagod at magpadala sa mga hamon at pagsubok sa buhay. Palagi nating piliin na lumaban at ngumiti. Harapin ang mundo ng may mapayapang puso at positibong pananaw sa buhay. Maging maingat po kayo sa…

@Kaeyousse

Hoyyyyy guys ang saya ko 😭 skl. Nakabili na ako ng bagong phone. Grabee hindi na ako mamomroblema sa online class kung tungkol sa phone. OMG HAHAHAHA Kaso'y may problema ako. Hindi ko malogin ang noise cash account ko doon. Nakakaloka πŸ˜‚ Magandang gabi po mga kaigans! Kain na kayo ng dinner

@Kaeyousse

Hello po, send help HAHAHA. Pag nilolog in ko po kase 'yung noise cash account ko nagpapa confirm ng email pero pag pinindot ko na, ganito 'yung nalabas πŸ˜… ibabalik ko na kase 'tong phone na 'to bukas, pahiram lang sakin 'to dahil wala pa akong phone dati. Hindi ko malog out, natatakot po ako dahil baka mawalan na talaga ako ng access. Paano kaya itoooo?

@Kaeyousse

Good morning po, woyy hindi ako late nagising ngayon πŸ˜† maaga na HAHAHA. Nastress ako kagabi kase ayaw mag login nung account ko kaya natulog nalang ako. Kumusta po ang tulog niyo? Ako ay mahimbing naman. Nasanay na rin sawakas sa ingay ng mga pusa tuwing gabi. Sabi ni mama mga pusang nagliligawan daw 'yun. Nag aaway ang mga barako para doon sa babaeng pusa. Shalaaa, magandang dilag na pusa πŸ˜‚

@Kaeyousse

Hoyyy bebe daniiii at haru napaka aga naman nan HAHAHA. Sobrang bungad eh kakabukas palang ng TV ≧ω≦ respeto naman sa hindi pa nag aalmusal, chars. Arat nood ng extraordinary you. Ang cute nito, ang gwapo ni haru

@Kaeyousse

Wahhh shems! Nabuksan ko na rin 'to sa wakas 🀧🀧🀧 welcome back to me huhu. Sa dami ba naman ng pasikot sikot at pagsuko ko kanina eh. Sabi ko last na try ko na 'to kase ayoko na talaga, pagod na akong umasa (kemerut) tapos biglang nung nireset password ko ay nabuksan koooo. Pangatlong beses na akong nag reset buti nalang gumana na HAHAHA. Ang gaslaw pa naman ng password ko kase akala ko kase ay hindi gagana πŸ˜‚

@Kaeyousse

Luh ang init ng panahon, tara munang mag samalameg sa malameg challenge HAHAHA chars. Guys, inom po kayo ng madaming tubig, grabe kase ang init ngayon. Ewan ko kung sa Lugar lang namin or pati kayo ramdan niyo rin. Kakapaligo ko palang pero tagaktak na agad 'yung pawis ko. Mag titimpla sana ako ng juice kaso tinago ni mama 'yung nestea jusko. Ang bad eh, matagal na naman nung huli kaming uminom noon

@Kaeyousse

Yayyy! Good evening po mga kaigan (◍‒ᴗ‒◍) Kain na kayo ng dinner! Kumain na po ako, imbotido po ang ulam namin. Nanonood kami ngayon ng TV, Pepito manaloto at Pinas sarap. Medyo matagal na rin nung huli akong nakapanood ng pinas sarap ni Ms. Kara David. Nilipat kase nila dati 'to ng oras, buti nalang ngayon inadjust nila ulit. Mamaya ang papanoodin ko naman ay 'yung sa channel 5, 'yung kay Billie Crawford na the wall Philippines. Nakikihula din kase ako doon sa mga tanong…

@Kaeyousse

At dahil nag crave ako sa noodles kanina kakapanood ng kdrama, charaaan! Low budget korean noodles HAHAHA. Kain po tayo mga kaigan πŸ˜… medyo maanghang nga lang. Tamang tama dahil medyo malamig ngayon. Kain hanang nanonood ng TV 🀣 minsan lang naman ako mag cup noodles dahil hindi naman ako mahilig dito. Parang dalawang taon na ata ang nakalipas nung huli akong kumain nito

@Kaeyousse

'yown, the wall Philippines naaa 🀩 ang dami ko talagang nalalaman dito HAHAHA. Nakikihula rin ako tapos naiistress pag nahuhulog 'yung bola sa mababa pag green at mataas naman pag red.

@Kaeyousse

"Dahil ikaw ang panaginip na pupuntahan sa tuwing ipipikit ang aking mata" Naks, Good night na po mga kaigan! Nawa'y maging mapayapa ang gabi na ito para sa ating lahat. Huwag munang isipin ang problema, ipahinga muna ang sarili. Sa pagpikit ng ating mata at paglalakbay natin sa ating panaginip, nawa'y matagpuan natin ang mga taong gusto nating makita. Hiling ko ang mahimbing na tulog para sa ating lahat.

@Kaeyousse

Magandang buhay sa inyo aking mga kababayan! (α΅”α΄₯α΅”) Ngayon ay linggo, pagkaganda ng sikat ng araw. Malumanay lang ang dampi sa ating balat at ang atmospira ay tama lang. Kumain na ba kayo ng almusal? Nakakain na po ako, kanina pa ako gising ngunit ngayon lang nakapag bukas dahil sa bagal ng data connection. Pagpalain nawa tayo lahat ng Panginoon. Panatilihin niya tayong ligtas sa lahat ng bagay at patawarin tayo sa mga nagawa nating mali. Maglaan ng oras upang pasalamatan at…

@Kaeyousse

Hello kababayans! Magandang umaga po. Dahil malapit na ang pasukan, medyo nag bubukas bukas na ako ng notes at nag aadvance reading sa mga magiging subject namin. May accounting 1 and 2 daw kami ngayon, grade 11 pa ako nung huli akong nag balance kaya pinilit ko ang aking sarili na muling pag aralan 'to. Best feeling talaga pag nakita mong balance 'yung kinalabasan sa trial balance HAHAHA. Kung pwede lang na iglue ko na 'yung sarili ko sa upuan habang nagbabalance ako kanina…

@Kaeyousse

Pancit canton chili mansi muna kayo diyan kahit sobrang init ng panahon πŸ₯΄ ah grabeee kala ko ba papasko na pero 'yung weather pang summer pa rin HAHAHA. Kaloka, ang init as in pero kumukulog πŸ˜‚ ginagawamue? Sarap siguro ng ice cream ngayon ano? Sana all nalang diba?

@Kaeyousse

Magandang hapon mga kaigan! Walang mameryenda HAHAHA gutom na ako 🀧 Shout out sa ate kong maghapon nang nanood ng penthouse. Kahapon pa 'yun nanonood, inulit ata mula season 1. Kahit ilang beses niya na raw pinanood 'yun, nang gigil pa rin daw siya πŸ˜† Anong meryenda niyo ngayon? Baka ako'y mag timpla nalang ng kape, may tinapay pa naman ata

@Kaeyousse

Yeyyy may meryenda na ako HAHAHA. Dumating na si mama, laging may dalang pasalubong πŸ˜‚ Daig pa ni mama ang may anak na nasa elementary palang πŸ˜† Cutieee, mama damulag na ang mga anak mo. Diyan na muna kayo mga kaigan, Ako'y mag chacharge lang ng phone at kakain ng meryenda.

@Kaeyousse

Gandang gabi Pilipinas! Kain na tayooo, tilapia ulam namin. Kakakain ko lang pero nagugutom na agad ako dahil nanonood kami ngayon ng farm to table. Nakaka crave naman 'yung niluluto ni chef na champodo huhu. Tunay na Cocoa talaga ang ginamit niya, hindi powder. Wahhh ang sarap siguro noon 🀀

@Kaeyousse

Ano quake overload bakit napakaliit 😭😭 Wow ah, parang tatlong kagat ko lang 'to eh. Bakit parang malaki 'to dati nung bata ako o sadyang lumaki lang talaga ako kaya maliit na ang tingin ko dito HAHAHAHA. Grabe naman, ang liit na nga puro hangin pa πŸ˜‚ pag pinitpit mo 'to lalong liliit. Dapat pala fudgee-barr nalang binili ni mama, mas malaki at sulit pa

@Kaeyousse

Ocakes mga mamc and pap'c Good morning po 🀩 Kain tayo ng almusal, pandesal at gatas po. Kagabi hindi agad ako nakatulog dahil inantay ko pa matapos madownload 'yung Cinderella na movie. Cutieee tagal kong inantay tapos nakalimutan ko na nirelease na pala siya nung isang araw. Buti nalang may nabutan ako na hindi pa reported ang link πŸ˜‚

@Kaeyousse

Abaaa ang cute ng weather ngayon, nakaka antok. Sinabayan pa ng ate ko na kaninang kanina pa kumakanta ng the only one. Para tuloy akong hinehele lalo 🀣 kaya ayokong mauusuhan siya ng kanta eh, paulit ulit niyang papatugtugin tapos kakantahin niya pa. Anong niluluto niyo para sa tanghalian? Ano kayang ulam namin huhu, paampon po sa inyo kahit ngayong tanghali lang HAHAHAHA

@Kaeyousse

Maulang hapon sa inyo mga kaigannnn! Woyyy sobrang lakas ng ulan sa amin. Ngayon lang nawala 'yung kulog at kidlat kaya ngayon lang ako nakapag post 😩 Nanonood kami kanina ng Cinderella eh, ang ganda ng story. Kaso'y kumulog kaya hindi ko natapos panoodin, ayaw kase nila pabuhay ang T.V pag naulan at nakulog. Anong mineryenda niyo mga kaigans? Nag luto nalang kami ng pancit canton kase ang dami pang tinapay 🀣

@Kaeyousse

Kakatapos ko palang kumain ng dinner, inalok ako ni mama ng tinapay. Eden ang palaman kaya hindi ako makatanggi HAHAHA. Owmes, forever plano nalang ba ang pag didiet ko 🀣 Sikip na ang mga damit ko eh. Btw, may bagyo pala tapos Jolina ang name. Kaya pala sobrang lakas ng ulan kanina ΰ²₯β€Ώΰ²₯ nakakatakot eh

@Kaeyousse

Good night na po noise cash pips! Kay sarap naman humiga ngayon dahil sa malamig na temperatura. Nawa'y makatulog ng mahimbing ang lahat. Kasalukuyan akong nanonood ng palabas sa T.V ngayon ngunit maya-maya rin ay tutulog na ako. Kitakits po ulit tayo dito bukas. Ngayon, hayaan muna ang sariling mag ipon ng sapat na enerhiya para bukas. Sweet dreams po

@Kaeyousse

Good morning! Happy Tuesday. Huling martes ng bakasyon ko HAHAHA. Napakalimig na umaga naman ngayon mga kababayan, dulot na rin siguro ito ng bagong bagyo. Nawa'y nakapag breakfast na ang lahat. Mag iingat po ang lahat lalo na sa mga tao sa lugar na nasasakop ng bagyong Jolina. Hindi ko sure 'yung name pero 'yun ata 'yung narinig ko sa news kagabi Hangad ko ang masaya at produktibong araw para sa lahat (β—”β€Ώβ—”)

@Kaeyousse

Nag install ako ng tiktok kase konti nalang sa mga friends ko sa FB ang nag iistory ng tiktok vids HAHAHA. Dati okay na ako sa panood nood sa fb my days nila kase puro tiktok naman, ngayon mga sad ghorl/boi ata sila kase ang nilalagay nalang nila ay mga broken posts. Kailangan kong sulitin ang mga nalalabing araw ng aking bakasyon ΰ² ΰ²—ΰ²  juskoo ang bilis ng araw

@Kaeyousse

Good afternoon kaigans! Maambon pa rin po ang panahon natin ngayon. Arat kumain na ng tanghalian. Gutom na po akets HAHAHA. Anong ulam niyo? Kain po tayo ng madami, huwag palipas ng gutom. Wahh dahil malamig ngayon, wariko'y pahirapan na naman sa paliligo 🀣

@Kaeyousse

Tadaaa! Ang ulam namin ngayon ay sinigang 🀩 nakakain na po ako, nalate lang ng post kase nawala sa isip ko nung nakita ko 'yung ulam HAHAHA. Tamang tama kase gutom na gutom na ako tapos malamig ang panahon, sarap humigop ng sabaw. Talaga nga namang na paextra rice ako πŸ˜† Kayo ba kaigan, nakakain na ka ba kayo ng tanghalian? Medyo late na rin po kaya kumain na ang mga hindi pa 😊

@Kaeyousse

Magandang hapon noise cash pips! Nagmemeryenda po ako ngayon habang nanonood ng movie. Syempre, ang meryenda ko ay kape at tinapay HAHAHAHA. Ang pinapanood kong movie ay "slate" korean movie siya tapos ang ganda pa nung story kaya naka ilang ulit na rin ako dito. Ngayon ko nalang ulit nahawakan phone ko, 'yung kapatid ko kase nagpa install sa phone ko ng tempo. Makikiuso daw siya 🀣 ayaw niyang iinstall sa phone niya kase full storage na raw, ako tuloy 'tong kinulit.

@Kaeyousse

Arat kain naaaa! Eto ang aking entry sa dinner HAHAHA. Nakakain na kayoo? Kasalukuyang umuulan sa amin ngayon kaya sobrang bagal ng signal. Nahihirapan nga akong makapasok dito kanina 🀧 ang hirap din mag upload ng picture. Nakailang screenshot na rin ako tapos sinesend ko na rin sa fblite tapos save ulit. Pak! Napakahabang process para lamang lumiit ng todong todo ang size πŸ˜†

@Kaeyousse

Magandang umaga mga kaigans! Napakalamig ngayon dahil ang lakas ng ulan at hangin. Nawa'y maging ligtas ang lahat sa panibagonh pag subok na ito. Mag dasal lang po palagi, tiyak na naririnig tayo ng Panginoon. Kain na po kayo ng breakfast, kumain na rin ako. Maaga kase akong nagising kanina dahil sa lakas ng ulan. Ingat po lagi mga kaigans!

@Kaeyousse

Pasaglit lang dito huhu, walang kuryente sa amin kaninang umaga pa πŸ₯Ί ang lakas kase ng ulan at hangin. Ingat po kayo diyan mga kaigan. Mareng jolina please kalmahan mo lang HAHAHA. Ang hirap gumalaw ng walang kuryente, 'yung mga pinsan ko at ate ko stress na kase may mga online meetings pa sila kaso walang signal tapos lowbat na rin. Sana mag ka kuryente naaaa, kahit na alam kong mga bukas or sa isang araw pa dahil medyo mabagal sila mag ayos dito 🀣 walang masamang umasa…

@Kaeyousse

Good morning guyssss! Dahil ang kapalit ng pagsubok ay kaginhawahan. Napakabuti ng Panginoon dahil hindi niya tayo pinabayaan sa pagsubok na ito. Kay ganda ng panahon ngayon, parang walang nangyaring bagyo kahapon. Nawa'y nasa maayos na kalagayan ang lahat. Wala pa ring kuryente sa amin. Sana maayos na kase 9.9 pa naman ngayon 🀧 HAHAHAHA. Hiling ko ang maayos na araw at kaligtasan sa araw na ito para sa ating lahat! Stay safe and sound (βœ·β€Ώβœ·)

@Kaeyousse

Krazyy weather daw HAHAHA. Oo nga naman, grabe 'yung ulan at hangin kahapon tapos ngayon sobrang init 🀣 abaaa at least ligtas na ang lahat. Grabe nakakatakot talaga kahapon lalo nung pagkagising ko nung umaga. 'yung bubong namin sa kusina akala ko matatangay na. Click the image for the full preview Image ctto

@Kaeyousse

Cutieeee rambutan 🀩 matamis kaya ito? Nagpunta ako sa rambutanan kanina para kumuha ng litraro. As usual, dahil nga bumagyo kahapon ang daming nahulog na mga rambutan. Kawawa naman, lugi ang nga namakyaw. Sayang talaga, madami dami pa naman 'yung mga nahulog :(( Pero maiba ako, guys anong pampatanggal niyo ng peklat? 'yung ate ko kase kanina pa ako tinatanong. Hindi ko na naman alam kase wala pa naman akong ginamit or nabili. Baka po may alam kayo na magandang pang tanggal?

@Kaeyousse

Skl itong kalutangan namin ni ate kanina 🀣 So iyon na nga, dahil sa init ng panahon nagyaya si ate na bumili ng yelo sa labas dahil may nestea pa kami. Nung dumating na kami sa tindahan edi nag tanong si ate kung may yelo, ang lumabas ay 'yung tatay ng may ari, feeling ko medyo lasing pa. Sabi ba ay "Bakit kayo nag hahanap ng yelo, alam niyong brownout" wahhh nakakahiya HAHAHA saka namin narealize na nag brownout nga pala at baka hindi sila naka buo agad ng yelo πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Buti…

@Kaeyousse

Sabi ko ayoko na, hindi na. Pero ano 'tooooo? Budol is real 😩 puro pang online school naman 'yan. Ballpen, calculator, earphones except pala sa mop ng tita ko, facemask ni mama at facial mask ni ate HAHAHAHA. Ambot, hindi na ako magsasabi ng "promise last na" dahil hindi naman natutupad.

@Kaeyousse

Magandang hapon madlang users! Anong meryenda niyo? Naghahanap ako kanina kaso Eden cheese lang nakita ko HAHAHA walang tinapay. Ano 'to, papapakin ko lang 🀣 Gutom na ako real talk, why naman walang tinapay 🀧 tagal ni mama, inaantoy ko ang pasalubong niya. Paampon muna ako sa inyo para makakain ako ng meryenda 🀣

@Kaeyousse

No one, literally no one. Si mama at ang mga tita ko pag may hawak akong phone, nagpapanic at tinatanong kung ML daw ba ang nilalaro ko HAHAHHA. Luh hindi nga ako marunong noon, bakit ba masyadong big deal sa kanila. Hindi naman ako maadik, 'yung mga naka install ngang offline games sa akin pang elementary level 🀧 itong critical strike na pinagpipilitan nilang ML kanina kahit ata seven yrs old kayang laruin πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ

@Kaeyousse

Currently watching: The promise. Maya-maya ay tutulog na rin ako kaya bye byeee na po. Kitakits tayo bukas. Narinig ko sa news kanina 'yung about kay bagyong kiko. Grabeee super typhoon pala siya, ngayon ko lang nalaman 😳 nawa'y walang mangyaring masama sa bawat isa atin. Muli tayong ingatan ng Panginoon sa panibagong pagsubok na ating kakaharapin.

@Kaeyousse

Wahhh is sana gayyyy (Isanghage) misheard lyrics HAHAHA. grabeee muntik ko na malimutan 'to ah, live nga pala ngayon ang shopee. Magpupuyat na naman ako. Mine lahat ng twice members! Minee silang siyam huhu (miss you jeongyeon πŸ₯Ί) Madami akong chineckout ngayon, pwede bang freebie nalang si chaeyoung πŸ˜† chars. May once ba ditooo? Arat mag ingay

@Kaeyousse

Mainit na noodles para sa malamig na panahon! Kain po kayo mga kababayan. Naulan sa amin ngayon, nalate nga ako ng gising kanina kaya hindi ako nakapag post agad 🀣 The best talaga ang Lucky me beef noodles pag nilagyan ng itlog, lalong sumasarap. Eto ang kinain ko ngayong lunch, kayo po anong ulam niyo?

@Kaeyousse

"Say Lalisa Love me Lalisa Love me" πŸ₯΅πŸ₯΅ Okcakes mga marecakes, stream lisa's first single album "Lalisa" wahh grabe ang ganda nung mv πŸ₯Ί 'yung vocals niya, 'yung rap basta lahat lahat! Mamsh ang lupit din ng blinks mag stream HAHAHA. Nasa 30 mins palang, 7 million views na eh. Ang lupit din pala nung mga nag thumbs down, abang na abang eh 🀣 naunahan pa nila ako manood 🀧 biruin mo 'yun, nag bukas pa sila ng YouTube para lang idislike ang mv ni lisa.

@Kaeyousse

Good evening guys! Tuloy pa rin ang pag ulan. Ngayon palang ay natatakot na ako sa banta ni bagyong kiko. Sa mga naririnig ko sa balita, ako'y nangangamba sa sitwasyon ng bawat isa sa atin. Inom muna tayo ng gatas, kakatapos ko lang kumain ng hapunan. Kayo po ba?

@Kaeyousse

Good night na po. Malamig ngayon, ang sarap humiga, yakapin ang unan at balutin ang sarili sa kumot. Arat magrelax na para may energy ulit bukas. Aight, bukas kita ulit tayo dito. Nawa'y mahimbing ang tulog nating lahat. Let's claim the 8hrs+ of sleep πŸ₯°

@Kaeyousse

Good morning noise cash pips! How was your sleep? I just wake up and I'm currently eating my breakfast right now. Have you had your breakfast? For those are not yet eating, you guys should eat now 🀣 The weather today cold, it's raining outside. It adds up to my desire to just lay on bed all day 🀧 Have a nice day ahead everyone! Prioritize your safety and health

@Kaeyousse

Kain na tayo ng tanghalian! Kastress, nalaman ko na ang section ko. Hindi kami magkakaklase ng mga kaibigan ko tapos tuloy na tuloy na ang pasukan sa 13 🀧 Umasa pa naman ako na maadjust dahil wala pang section tapos wala pang mga GC huhu. Mababawasan na naman ang Free time ko HAHAHA. Bahala na, mahirap talaga ang subjects namin ngayon tapos online class pa. Lord gabayan mo po kaming mga estyudante pati narin ang mga guro

@Kaeyousse

Kanina ang lakas ng ulan, nung tumila na, nagsimula nang sumikat ang araw at uminit ang panahon. May dumaan na rin na nagtitinda ng sorbetes/ice cream yayyy! Dahil sa stress ko kanina hindi ko rinig na may dumaang nagtitinda pala, buti nalang binilhan ako ng tita ko 🀣 libre niya raw dahil mukha nga raw stress kami ni ate HAHAHH. Kain po kayooo, the best talaga ang dirty ice cream lalo na pag cheese ang flavor 🀩

@Kaeyousse

Magandang gabi! Nakakain na ako ng hapunan, sana kayo rin πŸ₯° Gumawa ulit sina ate ng mayonnaise na may nilagang itlog. Nahiligan na rin 'to ng pamilya ko HAHHAHA parang twice or 3 times a week ata namin 'to ginagawa πŸ˜† Tamang tama dahil nag timpla 'yung kapatid ko ng juice at nanonood kami ngayon ng movie. Kain kayo guys

@Kaeyousse

Good morning! Rise and shineeee, Happy Sunyeyyyy πŸ₯° How I wish this day could be more longer πŸ₯Ί cheers for the last day of my vacation! Tomorrow, I'll be a typical student again HAHAHA. Yeps, today is Sunday, let's have some time to praise our God. I hope y'all had your breakfast, it's kinda late already. I wish we can all enjoy this day, let's don't have any regrets afterwards πŸ₯°

@Kaeyousse

Good afternoon po! Tapos na akong kumain ng tanghalian, kain na rin po 'yung iba. Nagluto sila ng pancit canton, humingi ako ng konti para ipalaman sa tinapay. Naulan po sa amin ngayon, ang lamig liligo pa naman ako 🀣

@Kaeyousse

Bukas na raw ang pasukan pero iisa palang ang GC namin tapos nasa sampo palang kami doon 🀑🀑 Pag hindi na postponed ang pasukan namin salamat nalang sa lahat HAHAHA. Temporary enrolled palang ako tapos halos kalahati pa ang mga walang sections 🀣 Sobrang dami naman kase namin sa department, online enrollment pa kaya hindi siguro nila kinaya πŸ˜† Wala lang, skl

@Kaeyousse

Good evening guysss! Kain na tayo ng dinner πŸ₯° nakakain na po ako kanina, tilapia ang ulam namin. Every Sunday talaga tilipia ulam namin 🀣 ewan ko ko kay mama kung bakit HAHAHAHA. Basta matik na, iba ibang luto ng tilapia. Nanonood kami ngayon ng the perfect storm. Hindi ko nasimulan huhu. Diyan na muna kayo, sumaglit lang talaga ako dahil may inaasikaso akong requirements πŸ˜†

@Kaeyousse

Hanga talaga ako sa mga riders, kahit gabi na dineliver pa rin 'yung mga parcels namin πŸ₯Ί Halos 7:00 pm na ata nung dineliver ni kuya rider 'yung scars removal ni ate. Actually kulang pa 'yun dapat kase tatlo ang dadating na parcels kaso dalawa palang 'yung dumating. Iisang rider lang daw ang mag dedeliver sabi ni j&t, nung una nagtaka ako kung bakit hindi nalang sinabay sabay ni kuya para isang puntahan lang. Kaso narealize ko rin na baka hindi niya nabibit lahat ng parcels…

@Kaeyousse

Good morning everyone! First day na naman ng pasukan. Kasabay pala namin ang DepEd sa pag iistart ng klase, modules are waving na naman sa kanila. Ang aga ko nagising dahil ayaw ni mama na malate ako sa unang araw HAHAHA. Wala pa nga kaming mga GC, hindi ko pa kilala ang mga kaklase ko at hinahagilap ko pa ang mga prof ko 🀣 Please school year 2021-2022, be good to us. Sana maging maayos lang ang lahat. Btw, kain na po kayo ng almusal! Nakakain na rin ako

@Kaeyousse

Ocakes! Naka survive na sa first day of online class HAHAHAHA. Introduce yourself palang pangatal na. Bukas ulit, ibang subject naman juskoo. Arat kain muna ng ice cream 🀩 chocolate and cheese flavor. Nung last kase langka at cheese eh Nakapag tanghalian na ba kayooo?

@Kaeyousse

Bumili kami ng dito sim nung 9.9 sa shopee. Napabili ako kase ang mura lang, ang mahal kase pag sa iba bumili. Nakita ko ang price sa iba nung last nasa 80 pesos, ang bili ko lang sa shopee ay 29 HAHAHA. Ayos lang naman ang signal, mabilis nga ang net. Kaso hindi compatible sa phone ng kapatid ko 'yung sim na para sa kanya. Hindi rin gumana ang trick na para sa mga Hindi compatible. Mabilis nga ang Dito sim kaso may problema lang sa signal sa uploading :((

@Kaeyousse

Awts, nanonood ako ng TV kanina kaso pinapatay dahil sa kulog at kidlat. Hindi ko alam kung ako'y matutuwa or maiinis ba dahil sa ulan. Hindi kase ako makapanood ngayon ng TV dahil nga sa kulog pero natutuwa din naman ako dahil masarap matulog pag malamig πŸ₯° Nakakain na ba kayo ng dinner? Kumain na rin po ako.

@Kaeyousse

Good morning! Panibagong araw panibagong pakikipagsapalaran na naman sa buhay. Shemay ako'y kinakabahan na naman HAHAHA. Isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako nakakapag adjust masyado sa online class. Yahh mamaaaa terror 'yung dalawa kong prof. Nangmumura raw 'yung isa HAHAHA. Yari pag namura ako, jusko Lord. Anyways, kain na tayo ng almusal. Maaga akong nakakain kanina dahil maaga ang pasok ko. Yipsss kitakits mamaya, aattend lang ako 🀧

@Kaeyousse

Yayyy! Natapos rin ang pinaka una kong klase sa umagang ito. Sunod na ang accounting, jusko hanggang 12:30. Kawawa ang phone at mata 🀣 ang hirap pa naman mag focus pag maingay. Gusto ko nang kanina mag end sa Gmeet at mag noise cash nalang pero bawal HAHAHA. Sumaglit lang po talaga ako dito habang wala pang sinesend na Gmeet link si sir πŸ˜… mamaya nalang ulit πŸ₯°

@Kaeyousse

Gutom na ako kaso hindi pa ako makakain ng tanghalian dahil may klase pa 🀣 hindi pa rin ata luto ang ulam namin. Eto nalang munang magic flakes ang kakainin ko. Malamanan man lang ang sikmura kahit papaano πŸ˜† Pinaka favorite ko 'to na flavor ng magic flakes, sunod ang onion chives flavor Good afternoon po! Kain kayooo

@Kaeyousse

Yeheyyy! Sakawas makakain na rin ako ng tanghalian. Wahh gutom na gutom talaga ako as in HAHAHA. Hindi sumapat 'yung tinapay na kinain ko kanina 🀣 Bakit parang ang bilis ko atang magutom ngayon πŸ€” kain po kayooo, pritong manok ang ulam namin. Sa kapatid ko naman ay gulay na upo kase hindi siya nakain ng manok 🀣 Kayo po anong ulam niyo? Maliligo na ako mamaya pag napahinga ko na ang mata ko. Tapos na klase ko yeyyyy HAHAA Dati nung face to face, ligo muna bago pumasok. Ngayong…

@Kaeyousse

Hello guys! Gusto ko lang sabihin na finally, wala nang like reaction sa fb lite HAHAHA. Parang kanina lang accidentally kong napindot ng like reaction pero ngayon wala na 🀣 check niyo 'yung inyo HAHAHA wala lang, skl. Ang cute kase

@Kaeyousse

Akala ko Konnichiwa ang nakalagay, kornchicha pala HAHAHA. First time ko 'to nakita at natikman. Nung una, nung hindi ko pa nababasa na vinegar and spicy flavor pala akala ko butter flavored chips or matamis. Para siyang cracklings pero syempre, wala pa ring tatalo sa cracklings para sa akin 🀀 Magandang gabi kaigans!

@Kaeyousse

Good morning pwera nalang sa ate kong kakagising lang pero shopee agad ang nasa isip HAHAHA. Happy pay day sale po mga kashopee at lazada. Hinay hinay lang sa pag checheckout πŸ₯° Kakatapos lang ng klase ko. Napakagulo ng table ko, mamaya ko nalang aayusin kase naiistress ako 🀣 'yung ate ko kinukulit ako, sabing may klase pa nga eh. Si mama rin nagpapabibili ng facemask lanyard πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ sana all may pera pa.

@Kaeyousse

Enjoy na enjoy ako sa pagkain ng tanghalian kanina dahil gutom na gutom ako tapos may klase na pala πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Ang aga kase nag start kanina, halos hindi ako nakakain ng almusal. Nung natapos na, kumain na agad ako dahil akala ko vacant class na ang sunod kase wala pa kaming teacher doon. Sarap na sarap pa naman ako at busog na busog tapos pag bukas ko ng messenger may sinend na palang link 'yung pinaka kinakatakutan kong teacher HAHAHA. Parang bumaliktad ang sikmura ko eh πŸ€£β€¦

@Kaeyousse

Kung gaano kabilis si dito sim, ganon din kabilis maubos ang data niya HAHAHA. Binubuksan ko nalang ang data ng dito sim pag need ng mabilis na data connection para makatipid HAHAHA. Sulit naman kase for 99 pesos may 10gb ka na tapos unli text at 300 mins call to other network, good for 1 month. 199 naman pag 25 gb. 'yung tig 99 lang muna ang niload ko kase sabi nila sa umpisa lang daw mabilis ang net ng sim na 'to pero so far, ayos pa naman. Sabi ni Dito pwede daw magload…

@Kaeyousse

Good evening po 😊 Tamang nood lang ngayon, wala pang module kaya wala pang masyadong napapastress sa akin. Medyo nagagawa ko pa ang mga gusto ko. Kumusta po ang araw niyooo? Eto ako, pagoda kahit nakaupo lang maghapon πŸ˜‚ hanuna self Btw, kumain na ba kayooo? Nag sinangag sina mama tapos lumpia pa ang ulam kaya napa extra rice ako. Huwag na mag diet, ang mahalaga busog πŸ˜†

@Kaeyousse

Currently watching endless love, mga kaigan pa spoil naman dito. Mamatay ba or gagaling si jenny? Alam ko nang si Johny ang makakatuluyan niya pero nakaka awa si Andrew HAHAHA. Mahal na mahal pa naman niya si jenny kasomay paka selfish lang siya. Anong ginagawa niyo po ngayon? Nanonood din ba kayo?

@Kaeyousse

Magandang buhay sa inyo aking mga kababayan! Muling naghandog ng panibagong araw ang ating Panginoon, siguraduhin na napasalamatan natin siya 😊 Sulitin ang araw na ito ng tama upang walang maging pagsisisi sa bandang dulo. Maging produktibo sana tayong lahat! Simula na naman ng pasok para sa mga estyudante at magtuturo na naman ng modules ang mga magulang. Bigyan sana tayo ng lakas, pagtitimpi at kakayahan para maunawaan natin lahat ng mga lessons. Fighting lang!

@Kaeyousse

'yung kaibigan ko nag chat kanina, nabudol daw siya. Akala ko naman kung ano na kase may nakikita ako sa feed ko na nabudol din daw sila. 'yun pala, nabudol siya ng shopee πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ haynako HAHAHA kinakabahan pa naman ako kase akala tunay na nabudol talaga siya. So ayon, nag kukuwento siya kung paanong nauubos ang pera niya kaka shopee at lazada. Hindi niya raw mabura dahil parang nanghihina daw siya. Gosh, same feels kaigan. Ano ba 'tong dulot ni shopee, puro gastos πŸ˜‚ pero at…

@Kaeyousse

Kain na tayo ng tanghalian! Bumili si mama kahapon ng Argentina giniling at patatas. Tatry daw namin 'yung bagong product ng Argentina kung anong lasa. Edi ang ginawa nalang namin ay giniling pero hindi naman bumili si mama ng tomato paste/sauce πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Ganan tuloy ang kinalabasan, ang putla HAHAHA. Hindi naman ako nakabili kase nung niluluto 'yan, may klase ako tapos hindi naman ako makapag back. Kakainin ko pa rin kase nag effort 'yung tita ko na lutuin 'to. Masarap pa rin…

@Kaeyousse

Yikes! Tarang manood ng strong girl bong-soon. Naligaw ako kanina sa DEPED TV, abaaa pinapalabas 'to doon HAHAHA. Eto nalang muna ang papanoodin ko, nakakawala ng bagot at stress. Feeling ko never akong mababagot at magsasawa sa palabas na 'to. Sobrang dami ko na itong naulit ulit pero kinikilig pa rin ako shems. Maulang gabi po!

@Kaeyousse

Good morning sunshine! Kasalukuyang kumakain ako ng almusal ngayon, gatas at tinapay. It's Friday yeyyyy, kaso may online orientation kami sa school kaya may pasok pa rin. Kumusta naman ang mga tulog niyo? Iniiwasan ko na ang magpuyat, sana kayo rin.

@Kaeyousse

Virtual school orientation is real πŸ₯Ά ubos na load ko HAHAHA. Pero ayos lang, ang kapalit naman nung mga data ko ay ang take aways ko na maaari kong iapply in real life situation. One of the speakers tackled the adversaries for becoming a successful and how to overcome it. Ang galing niyang mag talk, hindi nakakabagot and nakaka inspired din. Nabobother nga lang talaga ako saglit sa data ko kase ang lakas kumain ng dito πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ bahala na, magloload nalang ulit HAHAHA

@Kaeyousse

Magandang tanghali mga kaigan! Natapos na ang orientation namin kanina. Naglalaro nalang ako ng dungeon quest. Ang kyutt ng larong ito, offline lang siya kaya nakakapag laro ako ng maayos. Sinusulit ko na dahil baka mamaya o bukas burahin ko na rin ito. Mabilis kase ako magsawa sa mga laro, gusto ko lang talaga magpawala ng stress or bored kaya minsan nag iinstall ako.

@Kaeyousse

Magandang gabi kabayans! Kain tayo ng lomi πŸ˜‹ Ang sarap sarap, buti hindi pa ako nakakapag toothbrush nung dumating 'to HAHAHA. Nag paluto 'yung pinsan ko sa labas, hindi ko alam kung bakit baka nag crave lang siya. Tamang tama kase malamig ngayon dahil sa ambon. Kain na kayo ng dinner πŸ˜‰

@Kaeyousse

Woyyy OMG ackkkk biglang nag logout 'yung noise cash ko 🀧 buti nalang nabuksan ko ulit, grabe nung last kase muntik ko nang hindi mabuksan ang account ko. Hindi ko naman nilogout, basta nung nag open ako bigla nalang akong nagitla kase naka sign out πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ 'yung kay ate rin nung inopen niya ang site, naka logout din ang account niya. Nagpanic pa siya kase limot niya ang password niya HAHAHAHA. Sa inyo din ba or kami lang ang naka experience nito?

@Kaeyousse

Okcakes, Good morning everyone! Day 2 of our virtual school orientation. Badly wanna sleep but I have to watched this 🀣 I guess everyone had their breakfast already, it's time to prepare our lunch. I'm actually hungry right now but I don't want to left my room just to get a food. I felt a dizziness earlier, I think it's because of too much radiation due to the constantly usage of gadgets. Can't blaim me, it's online class so it requires to use a gadgets. Have a good day…

@Kaeyousse

Halaa kanina hindi ako makapasok dito. Nat run ako ng speed test, okay naman ang internet connection ko. Buti nalang ngayon nabuksan ko na 🀣 Tamang kinig nalang ako ng music ngayon HAHAHA. Hindi pa rin tapos ang orientation namin pero hindi na ako nanonood 🀧 ang sakit na kase ng ulo ko. Kain na tayo ng tanghalian mga kaigans! Nakakain na po ako πŸ₯°

@Kaeyousse

Maambong gabi mga kaigans! Naambon ngayon pero medyo mainit pa rin ang simoy ng hangin kahit gabi na. Kain na po tayo ng hapunan, kumain na kami. Imbutido po ang ulam namin, kayo po ba, anong ulam niyo? Bali nanonood kami ngayon ng Pepito manaloto, medyo nalate na namin nabuksan ang T.V kaya hindi namin naumpisahan.

@Kaeyousse

Daming rambutan oh, dadalhin lang naman ni mama sa mga kaibigan niya πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Ang bigat nito dahil madami pero talagang ayaw paawat. Pati mga gulay gaya kalabasa nagdadala rin. Kala mo naman ay tatakbo siya sa eleksyon HAHAHA. Sayang daw kase dahil wala namang mahilig sa rambutan sa amin. Kung face to face baka nagbigay rin ako sa mga kaibigan ko.

@Kaeyousse

Heyy, what's up everyone? Good morning! Rainy sunday naman, ang sarap mag talukbong nalang ng kumot 🀣 Anong ginagawa niyo ngayon? Naghahanda na ba kayo ng pananghalian? Stay safe everyone! God bless y'all

@Kaeyousse

Mualang tanghali pa rin mga kanoise cash! Eto po ang ulam namin ngayon. Afirtadang hotdog and patatas! Budgetarian po tayo ngayon HAHAHHA. Hindi kase nakain ng pork 'yung ate ko, hindi rin ako mahilig sa karne so ganito lang πŸ₯° sulit and masarap. Kain po kayo, huwag palipas ng gutom

@Kaeyousse

Magandang hapon kaigans! Ngayon nalang ulit dahil nagkalkal pa ako ng mga litrato. Nag chat kase 'yung kamag anak namin sa side ng papa ko, nagpapasend ng picture ni papa tapos ni mama. Medyo nahirapan ako maghanap kase nawawala 'yung album tapos limited lang naman ang picture ni papa. Inabot ata ng oras bago ako makahanap ng picture niya, narealize kong ang tagal na rin pala simula nung huli kong napagmasdan ang mukha ng papa ko. May malaki naman siyang picture, sobrang…

@Kaeyousse

Good evening mga lodicakes! Arat nood. Nanonood ako ngayon ng squid game, nag download ako kanina. Maganda daw kase 'to, kahapon ko pa nakikita sa feed ko. Sabi ko ay mag titipid ako sa data pero dinownload ko naman lahat ng episode nito, ubos din πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Ang sarap manood pag nakain ka ng favorite snack mo HAHAHA. Kain po kayo 🀩

@Kaeyousse

Ocakes Good morning! Tapos na ako sa una kong klase, may iba pa akong aattedan kaya pasaglit lang dito. Kumusta po ang tulog niyo? Maayos naman po ang akin, sana kayo rin. Sana ay nakapag almusal na rin ang lahat. Nag umpisa na nga ang tunay na pasukan HAHAHAHA. Tumanggap na 'yung ate ko ng mga bata na tututoran, madaming nag hahanap sa amin kase busy ata ang mga magulang ng mga bagets. Pinipilit din nila ako mag tutor kaso ayaw ko dahil ang toxic ng mga subjects ko at…

@Kaeyousse

Hello mga marecakes! Tapos na ang aking sunod sunod na klase. Ang sakit sa ulo promise, babad sa gadgets eh. Arat kain na ng tanghalian, actually umagahan ko 'tong pansit pero dahil maagang nagsimula ang online class, hindi ko nakain. Nakakin na rin ako ng tanghalian. Baka ako'y umidlip ng saglit pag ako'y natunawan na. Good afternoon po

@Kaeyousse

Hello guys, kumusta po ang araw niyo? Tunay nga pong nakakapagod ang araw na ito, sunod sunod na problema ang kinaharap ng pamilya namin ngayong araw. Sabay sabay pa, nakakatuliro dahil wala naman ako magawa. Btw, sana nasa mabuting kondisyon ang lahat. Ilayo nawa tayo ng Diyos sa ano mang sakit o kapahamakan. Kain na po kayo! Magandang gabi po 😊

@Kaeyousse

Owmaygash, kaya hindi ako nanonood ng drama kase mabilis akong mainis. May nanonood din ba ng legal wives sa inyo? Nakakaloka 'tong batang ito ah, jamilla ata ang name nito. Aba may balak pang maging kontrabida 🀣 nakaka stress. Kaya nga ako'y nanood ng T.V para malimutan ko ang problema ko tapos binigyan naman ako ng bagong problema ng palabas na 'to HAHAHHAA πŸ˜†

@Kaeyousse

Good morning everyone! Tapos na akong kumain ng almusal πŸ˜„ Inagahan ko na po ang gising para makakain naman ako ng almusal 🀣 Eto ang amin, Pansit, pichi pichi and pandesal! May naglako raw ng pansit kaya bumili sila. Actually pansit din 'yung almusal nila kahapon kaso hindi ako masyadong nakakain. Buti nalang pansit ulit ngayon HAHAHA ingat mga kaigans! Have a nice day ahead!

@Kaeyousse

Good afternoon po mga kaigan! Nakakain na ba ang lahat? Grabeee sobrang init ngayon HAHAHA. Tirik na tirik ang araw eh, buti nalang tapos na ang klase namin. Baka mag overheat ang phone ko kung nagkataon πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ

@Kaeyousse

Gala 'yarn? Pinasama lang ako ng pinsan ko HAHAHA. Hindi naman ako bababa ng sasakyan kaya safe 🀣 Kailangan kase namin bumili ng gamot para sa tita ko. Buti nalang, awa ng Diyos ay unti unti nang bumubuti ang kanyag kalagayan.

@Kaeyousse

Good morning mga lods! Magandang buhay po mga kabayans. Kumusta po ang tulog niyo? Nakatulog po ba kayo ng mahimbing? Sana'y nasa maayos ma kondisyon ang lahat. Tara nang mag almusal. Dumayo lang ako dito saglit habang iniintay ang Gmeet link namin 🀣

@Kaeyousse

Have some delicious watermelon πŸ‰πŸ€€ Grabeee ang sakit na ng ulo ko, ang daming pinapagawa ng mga prof namin. For the fact na medyo kakasimula palang ng klase ganto na agad HAHAHA. Hindi na nga ako nakakain kanina ng almusal kase nag klase na agad tapos derederetso na 'yun hanggang 1. Nagbigay pa ng activity 'yung isa kong teacher na may allotted time ng 1 hr lamang, sobrang dami pa naman edi nalipasan na ako ng gutom πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ buti nalang tapos ko na ngayon 'yung iba sa mga acts…

@Kaeyousse

Maging kasing kapayapa sana nawa ang ating puso katulad ng sa kalangitan. Magandang gabi po mga kaigan! Tara nang kumain ng hapunan. Punuin muli ang lakas na muling naubos dahil sa maghapong ito.

@Kaeyousse

Good night na po! Huwag nang magpuyat. Simulan na natin ang pag rerecharge ng ating sarili para bukas ay may energy na ulit. Grabe ang pagod ngayong araw pero fighting lang. Lahat naman daw ng sakit at pagod ay may kapalit na kaginhawahan. Kapit lang po palagi and pray πŸ₯° Sweet dreams po sa ating lahat! Bukas nalang ulit

@Kaeyousse

Magandang umaga! Kain po tayo ng Spaghetti pababa HAHAHA. Umagang kay tambak ng activities at klase 🀣 when kaya ako masasanay. Mga kaigans, kumain na ba kayooo? Kanina pa akong gising kaso ngayon lang nakapag post dahil ngayon lang natapos 'yung isa sa mga acts ko. Kay ganda ng ating weather ngayon. Sana'y hindi masyadong uminit mamaya para maaliwalas ang pakiramdan namin. Ingat kayooo

@Kaeyousse

Maghapon na namang nakaharap sa laptop, nakaka tuyo ng utak at nakakalugaw naman talaga. Buti nalang may piattos na pangpalubag loob HAHAHA. Magandang tanghali po, makulimlim sa amin. Wari'y uulan maya maya. Nakakantok pero bawal matulog dahil madami pang gagawin. Bahala na 🀣

@Kaeyousse

Buko pie kayo diyan 🀀 aackk namiss ko talaga 'to. Tanggal ang pagod ko nung nakita ko 'to sa lamesa namin eh HAHAHA. Isa sa mga paborito ko sunod sa egg pie. Btw nanonood nga pala ako ng legal wives ngayon, kayo po anong ginagawa niyo?

@Kaeyousse

Magandang buhayyy! Kain kayo ng palabok, hindi ko pa nahahalo HAHAHAHA. Sabi ni ate log log daw 'to kase madaming sauce, feeling ko nga 🀣 Masarap naman siya, tamang tama sa almusal.

@Kaeyousse

YIEEE CUTIEEE. Nakita ko lang 'yung calligraphy na ginawa sa akin ng isa sa mga talented kong kaibigan, si @xera. Medyo matagal na 'to, grade 11 pa kami pero pinakatago tago ko dahil lahat naman ng mga bagay na binibigay ng mga kaibigan ko ay special sa akin. Minsan lang may mag gawa sa akin ng ganan kaya tuwang tuwa talaga ako HAHAHAHA.

@Kaeyousse

Evening snack! Medyo maaga kase ako nakakain kanina ng dinner, pinakain na agad ako ni mama dahil baka daw lumamig ang sabaw. Tinola po ang ulam namin, ano pong inyo? 😊 Kaya ngayon ako ay uminom ng gatas na may kape at fudgee-barr. Ang liit ngayon ng fudgee-barr, naiisip ko tuloy kung ako lang ba talaga ang lumaki o sadyang lumiit siya 🀣

@Kaeyousse

Currently watching BLACKPINK'S SUMMER DAIRY IN EVERLAND. Aaaackkk ang saya na makita sila na masaya πŸ₯Ί Ang cute nila kase nageenjoy sila tapos naalala ko rin nung sumakay ako sa rides nung field trip HAHAHA. Ang una kong sinakyan ay Disk-O-magic sa enchanted kingdom, grabe sabi nung kaibigan ko hindi naman daw nakakatakot eh nung nasa kalagitnaaan na ako feeling ko titilapon na ang kaluluwa ko 🀧 ang sama grabeee. Ang sunod at last ay anchors away, katog ang tuhod ko eh. Skl

@Kaeyousse

Hello mga kaibigan! Magandang tanghali po πŸ₯° Ako'y kasalukuyang kumakain ng pandesal ngayon kahit kakatapos ko lang kumain ng tanghalian πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Padating na kase si mama, magagalit 'yun pag nakita niyang maraming tinapay na natira. Hindi kase ako nakakain ng maayos nung almusal dahil may inayos pa akong script ng activity namin 🀣 Kain po kayooooo

@Kaeyousse

Gandang gabi bayan! Kain na tayo ng dinner. Napadami ang kain ko ngayon kahit bawal kumain ng madami pag gabi 🀭 Paborito ko kase 'yung niluto ni mama, cdo corned beef na may itlog 🀣 the best talaga 'to para sa akin 🀧 Kain po kayooo

@Kaeyousse

Good morning guysss! Kumusta naman ang tulog niyo? Masarap ba ang tulog niyooo? Ang akin ay ayos lang. Medyo late ako natulog kaya medyo late rin akong nagising HAHAHAHA. Anyways, kakakain ko palang po ng almusal, sana'y kumain na rin kayo. Maging maayos at ligtas sana ang araw na ito para sa ating lahat. Pagpalain tayo lahat ng Panginoon 😁

@Kaeyousse

Nakakainis 🀧 bakit ang bagal mag upload huhu. Bagya na nga mag 5% kanina tapos nagback pa kaya back to zero na naman. Aaackkk kanina pa ako nag uupload, nauubos na ang pagtitimpi ko dito HAHAHA. Shems kairita 🀣

@Kaeyousse

Pag mag dodownload ako ng series/movies napakabilis ng signal pero pag mag uupload na ako ng school acts biglang nawawalan ng net HAHAHAHA πŸ₯Ά kahit 'yung phone ko napaka tamad rin 🀣 Mas mabilis talaga ang download kaysa sa upload sa amin. Nakakaloka πŸ˜† Magpapakapuyat pag rereview ❎ Magpuyat sa panonood ng series βœ… Charot HAHAHAHA yari

@Kaeyousse

Kain na kayoooo! Hindi ko sure kung menudo ba 'to ng or afritada, basta masarap siya HAHAHAHA. Medyo late na rin, huwag na pong palipas ng gutom. Grabe ang antok ko ngayon, napakainit kase. Bawal matulog kase madami pang gagawin. Kailangan kong magpawala ng antok at katamaran 🀣

@Kaeyousse

Good evening! Kanina ko lang nalaman na linggo nung pinabuksan ni mama ang TV para sa KMJS πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ Hindi ko na napapansin ang araw dahil pareparehas lang naman madaming ginagawa. Haynako makapanood na nga lang ng kwento ni mareng Jessica, ipapahinga ko muna ang aking lugaw na utak HAHAHA Nanonood din ba kayoooo?

@Kaeyousse

Good afternoon mga marecakes! Tapos na ang klase ko yeyyy. Grabe naman kanina, nangangatal na talaga ako sa gutom pero hindi pa rin tapos ang klase namin HAHAHA. May quiz sa isang subject pero hindi ko naman matake agad kase nagpapapasok na sa Gmeet 'yung isa kong teacher 🀣 hatiin niyo nalang ako walanjo 🀧 pero ayos na ngayon, nakasurvive naman ako sa pang wawarshock nilang lahat. Nakakain na rin ako tapos magpapahinga at mag aaral ulit. The routine though πŸ˜† nakakapagod

@Kaeyousse

Tenenen! HAHAHAHA pinaka ayaw ng pamilya ko ang mag iinstall ako ng mobile legends pero dahil paulit ulit nilang sinasabi, nag install ako 🀣 napaka pasaway talaga. Eh kase naman, hindi naman talaga ako curious dito pero dahil kada mag phophone ako iniisip nila na baka raw nag mML ako, naalala ko tuloy ang larong ML kaya lalo akong nacurious. Buburahin ko rin naman 'to agad dahil ayoko maging Cancer players. Mamaya mamura lang ako kase hindi ako marunong πŸ˜†

@Kaeyousse

Woyyy guys help 🀧 Nag bayad kase ako ng meralco bill sa Gcash kahapon. Actually First time ko mag bayad sa Gcash tapos installment pa dahil ayaw pang buoin ng tita ko ang bayad. Pakisuyo lang kase 'yun ng tita ko dahil natatakot daw siya lumabas, may pera pa naman 'yung ate ko sa Gcash kaya tinanggap ko. So eto na nga, kahapon pa ako nag bayad pero magpahanggang ngayon, hindi pa rin nag rereflect 'yung bayad sa meralco app πŸ₯Ί aaackk, halaaa sabi kase 24 hrs lang daw 'yun eh.…

@Kaeyousse

This is it pancit! Good morning everyone 🀣 Ang sarap pa matulog kase medyo malamig kaso ang aga naman ng pasok namin. Nakaka inggit tuloy kase 'yung ate ko tulog na tulog pa rin ngayon. Kain po kayo mga kaigans πŸ₯°

@Kaeyousse

Good afternoon mga lodicakes! Grabe, ang lakas ng ulan habang nagkaklase kami 😹 takot ko eh baka makidlatan ako HAHAHA. Natapos na naman ang klase ko ngayon pero bawal mag chill dahil sa pinapagawa. Naulan din ba sa inyo ngayon? Ang alam ko may bagyo eh. Sana protektahan nawa muli tayo ng Panginoon. Ingat po palagi

@Kaeyousse

Magandang gabi po! Good night na rin. Grabe, sobrang pagod ko ngayon. Patoxic na ng patoxic 'yung online class. Mas madami pa ang sama ng loob ko eh kaysa sa natutunan ko. Dumagdag pa ang mga terror na teacher na lagi ko g problema. 'yung pinroblema ko last sem, mas matindi ngayon HAHAHA. Okcaky, tulog na po ako. Maaga pa kase ako bukas

@Kaeyousse

Heyyy mga marecakes! Magandang tanghali po. Kain kayo guys, super late lunch dahil hindi ko namalayan ang oras πŸ˜† Nakakawala talaga ng gana ang kaba. So far hindi pa naman ako namumura nung terror naming prof HAHAHA. Parang squid game lang ang type nung subject na 'yun. Pag namura ka eliminated ka na. OMG sana hindi naman ako mamura, sad gurl era na pagnagkataon.

@Kaeyousse

Ow yasss! Good morning guysss. Happy Thursday morning 🀩 Have you all had your breakfast? Nakakain na rin po ako ng tinapay tapos ang palaman ay ang pambansang pancit canton HAHAHA. Medyo puyat ako ngayon, halos ala una na ata ako natulog kagabi para matapos 'yung isang activity tapos medyo maaga rin gumising para gawin 'yung isa pang act. Ang sarap palang maging tambay nalang πŸ˜† chars.

@Kaeyousse

Doneee na sa isa kong activity. Last one nalang πŸ₯³ after kong matapos 'yun, mag checheck naman ako ng module ng mga estyudante ng pinsan ko HAHAHA. Bait 'yarn? Buti pa 'yung ate ko, nanonood nalang ng Alice in the borderland huhu. Ako ang nag download noon pero hindi ako makapanood 🀣 boses lang nakikinig ko, as if namang maiintindihan ko 'yun.

@Kaeyousse

Ang pinaka masayang parte ng pag aaral ay ang mga reward na pagkain HAHAHAHA. Pawi naman ang pagod ko sa pagrereview at pag checheck eh 🀣 LT sa mga sagot nung estyudante ng pinsan ko. Kinokopya lang sa answer key tapos 'yung iba, magkaparehas na magkaparehas talaga. Siguro magkakapit bahay 'yung mga 'yun.