Pinaka ayoko talaga sa accounting ay ang pag susulat sa columnar pad. Naduduling ako 🥺 eto nga mali ako ng lagay kase naduling ako, ulit ako sa umpisa kase bawal ata ang may bura. Struggle is real HAHAHAHA. Plus kanina ayaw mag balance nung sagot ko, kulang ng 100 sa debit. Edi binalikan ko lahat sa journal pati T accounts tapos 'yung trial balance na rin kaso hindi ko makita kung saan ako mali. Ako'y pasuko na talaga kaso tinry ko siyang icompute sa phone kase diba pag calculator sa phone ay namomonitor mo 'yung mga inputs. Sa awa ng Diyos, nahanap ko kung saan ako mali. Grabe talaga, bakit iba ang nalabas doon sa tunay na calculator ko 🤣 mali kaya ako ng pindot or sira na 'yung calculator 😆
No comments yet