read.cash Log in
@Kaeyousse

@Kaeyousse in October 2021

@Kaeyousse

Magandang tanghali mga kababayan! Kain na tayo ng tanghalian πŸ₯° tocino po ang ulam namin, actually pinicturan ko siya pero ayaw mag upload nung picture HAHAHA salamat nalang sa lahat 🀧 kayo po, anong ulam niyo? Ang init ngayon, baka nakakalimutan niyong uminom ng tubig kaya pinapaalahanan ko kayo na uminom 😁

@Kaeyousse

Magandang hapon mga kaigan (β—•α΄₯β—•) Ang ganda ng kalangitan πŸ₯Ί nakaka relax. Kumusta po ang buong maghapon niyo? Sana ay naenjoy at naging ayos ang takbo ng araw na ito sa inyo. Kumain na rin po ako ng hapunan, sana kayo rin. Maaga akong kumain dahil hindi ako nakapag meryenda πŸ˜‚

@Kaeyousse

Craving satisfied 🀀 mga marecakes ang sarap HAHAHA. Kain po kayo ng leche flan. Tamang tama habang nanonood ako ng TV. Kanina skl, biglang may r18 scene na content 'yung pinanood ko. Jusko dali dali kong nilipat eh πŸ˜† awkward walanjo

@Kaeyousse

Aackk mga marecakes nasa tindahan ako ngayon pero may klase pala kami sa isa kong subject. Pumunta kami sa bayan (tindahan) kase kailangan daw ni mama ng kasama. Nakalimutan kong may klase kami πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ sana lang hindi ako matawag mamaya sa recitation kase sobrang ingay talaga ng background dito.

@Kaeyousse

Nakakaloka HAHAHA bumili kami ng prepaid WiFi para sa ate ko kase lagi nalang nakiki hotspot sa akin. Ang bagal kase ng net niya eh, lagi tuloy siyang naiyak. So, tinesting namin 'yung binili sa bahay πŸ˜‚ potekk napakabagal 🀣 mukhang makiki hotspot parin sa akin si ate 🀧 wala pang isang oras 'to hindi ko na agad magamit. Sayang naman ang pera. Pwede daw 'to kabitan ng antenna? Hello mga Globe at home prepaid WiFi users, kumusta po ang net sa inyo?

@Kaeyousse

Oh nooo HAHAHAHA. Nakalimutan ko na sabado pala ngayon. Hindi ko tuloy napanood ang di na muli. Naabutan ko nalang 'yung preview nung ipapalabas nila next week 😩 kaiyaq 🀣

@Kaeyousse

Ang bilis ng oras pag weekends and ang bagal naman ng oras pag weekdays 🀧 wahhh bukas Monday na naman ☹️ nakakaloka. This isn't just a hell week but a hell semester HAHAHA. Have you had your lunch? Kakain palang ako, kumain na rin kayooo. Haynakoo, tagal ng Christmas break HAHAHAHA

@Kaeyousse

Kanina pa po ako nakakain kaso ngayon ko lang napost dahil sa sobrang busy. Tilapia po ang ulam namin, masarap pala siya pag nilagyan ng crispy fried para sa isda. Mas nakakagana pa lalo dahil sa kalamansi na may toyo 🀀 Kumain ba lahat kayooo?

@Kaeyousse

I'm so tireeed 🀧 I've been facing the laptop and all my gadgets since 8:00 am. Nagpahinga lang ng konti and tuloy ulit. Got too many acts, last year last sem dumami lang 'yung acts ko kase nag procrastinate ako. Ngayon grabe sa isang araw ilang quiz tapos acts tapos within an hour ang deadline. Matapos lang talaga ang sem na ito, gagaan ang aking buhay HAHAHAHA

@Kaeyousse

Sabi nila ang Globe at home daw ay parang pagong, napakabagal pero I think mas better pa ang pagong kase kahit papaano ang pagong ay nausad HAHAHA. Hanuna globe? Wala ka nang pag asa 🀣 dejowk baka sadyang bundok lang talaga ang bahay namin kaya walang signal πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ paano baga naman madadali sa paggagawa kung mabagal ang internet 🀧

@Kaeyousse

Maulan na tanghali po sa ating lahat! Kumusta po kayooo? Nakakain na ako ng tanghalian πŸ₯° Ano pong ulam niyo? Bale kakatapos lang ng klase namin. As usual, ang sakit ng ulo ko after 🀣 Dahil nga sa maulan Ngayon, sobrang bagal ng net. Walang bago, mabagal talaga HAHAAHA

@Kaeyousse

Good evening po and good night na rin. Medyo magpapa antok lang ako saglit sa panonood tapos tutulog na rin ako. Maaga pa ako gigising bukas. Si ate mag iistart ng ng OJT niya bukas, sana all makaka labas HAHAHAHA. Naol graduating na rin. Mag ipon na ulit tayo ng lakas para bukas!

@Kaeyousse

Cutieee ming ming 😻 May nagpunta na kuting sa bahay namin. Hindi ko alam kung kanino 'yun pero ayaw na niyang umalis sa bahay. Pinakain siya dito eh, kaya siguro ayaw nang umalis, ang lambing lambing pa. Kawawa naman siya kaya inadopt nalang nung tita ko na kapit bahay namin. Hindi kase pwedeng kami ang mag alaga dahil ayaw ng lola ko sa mga hayop. Baka matapakan lang niya or ipagtabuyan niya. Kanina pag gising ko nakakulong na siya πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ punta kase ng punta sa tindahan ng…

@Kaeyousse

Juskooo kung kailan naman recitation namin mamaya sa accounting saka nasira ang calculator ko πŸ™‚ Kakabili lang nito, yari ako kay mama. Nakaopen lang siya, ayaw niyang mamatay or makapindot ng ibang numbers. Naka hang lang ba. Hindi ko naman matanggal ang battery kase nasa pinakaloob. Kakalasin ko pa 🀧 aaaackk kailangan kailangan ko talaga ng calculator ngayon huhu. Umagang kay stress HAHAHAHA

@Kaeyousse

Ang anghang ng pancit canton na chili mansi, samantalang nung highschool ako parang sisiw lang 'to para sa akin. Mas umanghang ba siya ngayon or sadyang hindi nalang ako sanay? HAHAHA. Paano ba naman, nung highschool ako parang halos Araw araw na ata akong nakain noon sa mga bahay ng kaklase ko 🀣 Awts kamiss ang Face to face

@Kaeyousse

Mga marecakes! Kain po kayo HAHAHA. Budgetarian food 'yarn? 🀣 Masarap naman eh, try niyo rin minsan. Nakakain na ba kayo? Medyo late na rin po. Actually, kanina pa ako nakakain, ngayon ko lang napost.

@Kaeyousse

Hindi pa rin ako sanay sa biglang pagsulpot sulpot nito HAHAHA. Parang 9 years old palang ata ako nung huli kaming nagkapusa. 1 dekada na kaming walang alaga 🀣 Although hindi naman talaga kami ang fully nagaalaga sa kuting na ito dahil kinuha siya ng tita ko, napunta pa rin siya sa bahay. Nakakatakot at nakakagitla kase biglang nasa ilalim pala siya ng mesa, baka mamaya kalmutin ako πŸ˜‚ gustong gusto niya ikuskos 'yung sarili niya sa mga paa ng tao. Naglalambing diba pag ganon?

@Kaeyousse

Good morning guyssss good πŸŒ„πŸŒ» it's Friday fun yeyyyy. Charot, madaming gagawin kaya hindi masaya HAHAHA. Kumusta naman ang tulog niyo? Nakakamiss ang tulog nung wala pang pasok 🀣 maiba ako, nakakain na ba kayo? Nag almusal na rin ako and as usual, pandesal po and kape ang akin. Hindi kase ako nakain ng kanin tuwing umaga, sinisikmura po ako. Mas sanay ako sa tinapay lang although ang sabi ng iba ay dapat kanin daw talaga kase kailangang heavy breakfast palagi. Ayaw na naman…

@Kaeyousse

Sawakas! Nakabili rin HAHAHAH. Halos isang linggo ko rin itong inaantabayanan. Lagi kase pag nabili kami ay ubos na 🀧 ang bilis maubos kaya lagi kaming kulelat. Buti nalang nung nag try kami ngayon ay nakabili na kami. Grabee ang tagal ko ring nag crave dito. Simula kase nung Hindi na nagtinda ang tita ko, hindi na ako nakatikim nito. Yayy! Nauna ang meryenda sa tanghalian πŸ™†πŸ»β€β™€οΈ kain po kayooo

@Kaeyousse

Heyyy! Magandang gabi po 🀣 Tamang tapos lang ng activity habang nanonood ng to have and to hold. Kahapon ko lang nalaman na ang magiging plot pala niya ay 'yung asawa ni dom at ang asawa nung kabit ni dom ay magkakabutihan HAHAHAHA. Sa Pilipinas, puro nalang kabit 🀧

@Kaeyousse

Buti pa 'yung mga mga aso pahilata hilata lang, tulog tulog lang πŸ˜† sana all talaga HAHAHA. Happy Saturday po! Paanong nababagot ako ngayon eh tambak ang gagawin ko. Goshhh productivity please, I need youuuu.

@Kaeyousse

'yung feeling na kakapasa ko lang nito, may bago na namang nilapag na activity HAHAHA. Video na naman πŸ‘½ pinaka ayoko pa naman noon pero dahil gusto kong pumasa, sige gora lang 🀣 Aaackkk ang dami pang nakalinya na gagawin, hindi ko masimulan dahil nasa bahay ako ng pinsan ko. May pinapakisuyo kase siya 🀧

@Kaeyousse

Yes naman HAHAHA. 9 pesos 'yarn? 🀣 9 peso deals pa nga πŸ₯΄ cutieeeee. Nasira kase 'yung mic namim last month, 'yung ate ko ayaw bumili eh siya naman lagi ang nakanta at mahilig mag reklamo kase sira 'yung mic. Papabayaran ko sa kanya 'to, 199 πŸ˜† charot. Good afternoon po! Kain na tayong lahat

@Kaeyousse

Good morning guys! Happy 10.10 budol sale HAHAHA. Dalawa palang ang na checkout ko, wala akong pera ngayon 🀣 Dapat wala talaga akong bibilhin kaso kailangan kong bumili ng antenna para doon sa napakabagal na Globe at home ni ate πŸ™„ Pag 'yun hindi bumilis nakoo, salamat nalang talaga sa lahat. Kayo po, ilan na ang budol niyooo?

@Kaeyousse

Grabee napabayaan ko na naman ang account ko dito huhu. Sobrang tambak talaga ng activities, maya't maya pa ang quiz at recitation. Normal pa ba 'to? HAHAHAHA charot. Buti pa nung face to face, namamanage ko pa 'yung time ko ng maayos. Ngayong online class bumabaha talaga ng activities piste πŸ˜† kumusta naman kayo? Gusto ko na mag pasko at new year tapos after ng new year ay valentine's day tapos finals na namin 🀩 Makakalaya na ako sa mga nangwawarshock kong mga prof. Sorry…

@Kaeyousse

Good afternoon guysss! Maulang tanghali po. Kakain ko lang ng tanghalian, eto po ang ulam ko HAHAHA. Nakakain na ba kayo? Ang sarap matulog ngayon kase malamig. Kaso'y may klase pa kami mamaya 🀣 Anong ulam niyo mga kaigans?

@Kaeyousse

Muli akong nagbabalik upang kumustahin ang kalagayan ng bawat isa 😁 kumusta po kayoo? Natapos na ang klase namin para sa ngayong araw. Kanina ay napakalakas ng ulan ngunit ayaw pa rin patinag ng aming prof, tuloy daw ang reporting HAHAHA. Buti nalang nakisama ang aking signal kaya naka survived naman.

@Kaeyousse

Heyow! It's been a while again, as usual HAHHAHA. Ang dami kong ginagawa, ayaw talaga paawat ng aking mga prof. When kaya magkakameron ulit ng academic break HAHAHA. Nag logout din pala ang noise cash account ko kase nicleardata ko 'yung chrome, hinanap ko pa kung saan ko nilagay 'yung password 🀣 Nakakain na ba kayooo? Ako'y hindi pa, may hinahabol pa akong deadline kaya maya maya nalang. Pakabusog po kayo, kain kayo ng madami. Mamaya nalang po ako babalik ulit dito πŸ₯° miss…

@Kaeyousse

Napuyat ako kagabi dahil dito HAHAHAH piste ayaw mag submit 🀧 nakakainis, nagpanibagong upload na naman ulit ako sa YouTube. Napakabagal na nga ng net tapos ayaw pa 🀣

@Kaeyousse

Hello! Good evening po πŸ˜„ Nag rereview ako ngayon para sa quiz namin bukas sa purposive communication. Kanina nag take ako nung quiz sa Science, technology and society. Akala ko'y makakapag pahinga na ako kahit saglit pero nag chat 'yung mga teachers ko na may quiz daw kami bukas sa purposive tapos recitation naman sa taxation 🀧 Nakakamiss na ang mga chicka ni mareng Jessica, ilang linggo narin akong hindi nakakapanood simula nung nagsimula ang online class na ito. Piste…

@Kaeyousse

Heyow! Good morning everyone 😁 Eto ang aking almusal, sama ng loob HAHAHA charot. Umagang umaga, review agad jusko. Ang lakas ng ulan sa amin, paano na mamaya pag may klase na kami πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ mag baback na naman ako sa Gmeet for sure. Anyways, nakatulog na kayo ng maayos? Ako'y hindi. Sana hindi nalang ako uminom ng kape, inatake tuloy ako ng insomnia ko 🀣 halos madaling araw na ako nakatog tapos maaga pa akong ginising. Puyaters na naman. Sorry self, hindi ko naman gustong mag…

@Kaeyousse

Tekaaa mag ququiz na akooo HAHAHA. Kabado na naman 🀣 bahala naaa, sana pumasa jusko please 🀧 kakatapos lang ng klase namin. Bali may program kami sa fb page ng school namin dahil teacher's day. Hindi ako makapanood dahil ako'y mag sasagot pa nito. Grabeee pag ako bumagsak dito ewan ko nalang πŸ˜†

@Kaeyousse

Yieew pasado 'yarn? Sobrang dami kong nireview tapos 20 questions lang pala HAHAHAHA. Wala pa sa nireview ko 'yung mga tanong grabeee. Pero hayaan na, at least pasado 🀣 Good evening po!

@Kaeyousse

Panoodin ko muna 'to, encore stage ng BLACKPINK. Hindi talaga ako nagkamali sa pag stan sa kanila πŸ₯Ί jusko sila nalang ang libangan ko at nag papasaya sa akin. Sabi pa nung iba parang jeje na raw mag stan dahil overrated na pero kahit hindi naman sila sikat sila pa rin ang iistan ko HAHAHAHA.

@Kaeyousse

Hello good afternoon po! Sobrang lakas ng ulan kanina, may nawalan pa raw ng kuryente. Buti sa amin ay hindi nawala ang kuryente. Kumusta po sa inyo? Nag text nga pala si mama, kung gusto raw namin magpa flu vaccine, kumpleto na naman ako sa COVID vaccine pero syempre magkaiba pa rin sila. Sabi ng mga experts maganda raw na magka flu vaccine kase since hindi tayo an exposed sa flu last year dahil sa lockdown, medyo vulnerable raw ngayon kung lalabas tayo. Anyways…

@Kaeyousse

Ang gulo ng buhay ko 😡 sa desk palang makikita niyo na agad HAHAHAHA. Matik talaga after ng accounting na subject, kalat kalat na ang yellow paper at journal notebook. Jusmiyaaa nakakatamad lalo mag aral pag makalat. Araw araw kong inaayos pero ang gulo gulo pa rin 🀣

@Kaeyousse

Stream "SG" (SXY GIRL) by SOLM (DJ Snake, Ozuna, LISA, Megan) Grabe ang gandaaaa πŸ₯΅ lalo na 'yung part ni lisa 🀣 Stream na kayo mga kaigan! Kahit na sobrang weird nung views, nag freeze ata yawa. Mas madami pa 'yung likes/thumbs up kaysa sa views πŸ€” Grabe YG HAHAHAHA wala man lang post or shared post about dito sa main page ng BLACKPINK πŸ₯΄ hanuna

@Kaeyousse

Mag rerewrite pa ako walanjo HAHAHA. Bakit kase ang pangit ko mag sulat πŸ₯΄ ako ang nahihirapan talaga, sumpa ba 'to? 🀧 Lalo na talaga pag quiz namin sa accounting tapos halos isa't kalahati lang time allotment, bagya ko pa mabalance tapos irerewrite ko pa pisteeee 🀣 struggle is real mga dhaizzz

@Kaeyousse

May ganito pala? Lady's choice thousand island dressing. Ngayon ko lang nalaman HAHAHA. Eto kase 'yung binili ng pinsan ko para sa paborito nilang salad. Hind naman ako nakain noon kase hindi ako mahilig 🀣 Pinalaman ko siya sa tinapay, ang sarap 😳

@Kaeyousse

Heyow! Magandang buhay sa ating lahat. Kain na po tayo ng tanghalian, eto ang pagkain ko ngayon 🀣 Diet 'yarn? Parang ang konti tingnan pero 'yan na 'yung normal na kain ko HAHAHAHA. After kase namin kumain ng kanin, tinapay naman. Sanay na rin πŸ˜† ang cutieee ng tender juicy cocktail size

@Kaeyousse

Owems ayan naaaa HAHAHAHA. Mareng Jessica will satisfy the curiosity of every marites 🀣 Stay tuned guysss, I'll definitely watch this. Sana magkaalaman na sa sunday, mag aarala ako ng maaga para mapanood ko ito πŸ˜†

@Kaeyousse

Makahula kung ano 'to, bibigyan ko ng lansones HAHAHAH charot. After ng rambutan, tag lansones naman 🀩 kaya ang sarap mamuhay sa probinsiya, sagana ka talaga sa ganito 😊 Dati favorite ko ito pero ngayon ay hindi na masayado. Ganito siguro pag lagi mong nakikita 🀣

@Kaeyousse

Pinaka ayoko talaga sa accounting ay ang pag susulat sa columnar pad. Naduduling ako πŸ₯Ί eto nga mali ako ng lagay kase naduling ako, ulit ako sa umpisa kase bawal ata ang may bura. Struggle is real HAHAHAHA. Plus kanina ayaw mag balance nung sagot ko, kulang ng 100 sa debit. Edi binalikan ko lahat sa journal pati T accounts tapos 'yung trial balance na rin kaso hindi ko makita kung saan ako mali. Ako'y pasuko na talaga kaso tinry ko siyang icompute sa phone kase diba pag…

@Kaeyousse

Uyyy halaaa paayuda ni lodicakes @Tanjhiro Grabee thank you talagaa. Nawa'y doblehin ng ating Panginoon ang kabaitan mo 😊 Bigla akong nahiya 🀣 Yikes!

@Kaeyousse

Ang perfect ng weather para matulog at humiga pero panira ang mga due dates HAHAHA. Anyways, happy Sunday po 😁 Yikes! Excited na ba kayo sa chika ni mareng Jessica mamaya? Manonood ako kaya ginagawa ko na lahat ng activities ko ngayon 🀣

@Kaeyousse

Grabe talaga kanina, sobrang bagal ng net kase ang lakas ng ulan sa amin ☹️ Tatlong sunod sunod pa naman ang klase ko, wala talaga akong maintindihan kase putol putol tapos automatic pa akong nagbaback sa Gmeet 🀧 nakakahiyaaaa. Buti nalang sabi nung last prof namin ngayon ay mapapa act nalang daw siya dahil napaka unstable talaga ng net.

@Kaeyousse

Kay ganda ng kapaligiran HAHAHAHA. Napakainit pero sobrang lakas ng hangin kaya ayos lang. Sarap talaga pag ganto 🀣 Nasa bahay ako ng tita ko ngayon, kailangan ko kase siyang samahan sa bahay niya dahil mag isa lang siya. Kakatapos lang ng online class ko, syempre struggle is real na naman ako kanina sa signal plus may biglang recitation pala 😴

@Kaeyousse

Skl pero ang sarap talaga tungtungan nito HAHAHA. Gustong gusto ko 'yung mga texture na ganito. Sabi ni mama velvet texture daw tawag dito, hindi ko alam kung totoo 🀣 ang soft niya kase, parang texture din ng blanket

@Kaeyousse

Yikes! Tapos na rin sawakas HAHAHAHA. Nararamdaman ko na ang pagusad ng mga ginagawa ko 🀣 nababawasan na sila. Isang activity nalang sa accounting tapos isa rin sa P.E at isa sa purposive communication. Sana sa November 8 na kami ulit mag klase hindi November 2. Grabe naman kaseee πŸ˜†

@Kaeyousse

Napikit pikit na 'yung mata ko habang ginawa ko 'to 🀣 Grabeee ang lamig sa amin ngayon πŸ₯Ά ramdam na ramdam ko na ang pasko HAHAHAHA. Ehem mga ninang at ninong maaga po akong mamamasko πŸ˜† Malamig din ba sa inyo ngayon?

@Kaeyousse

Magandang umaga na medyo tanghali! Waahh iba ang vibes ngayong araw na ito. Mas nakaka antok at nakaka tamad 😩 hanuna self HAHAHAHA. Kahit pag cecellphone nakakatamad na rin 🀣 kanina pa ako nagpapatugtog tapos ngayon lang ako nakapag bukas ng data πŸ˜† napakabagal naman kase ng net. Btw ang cutie ng weather ngayon, nakakatakot nga lang ang hangin kase medyo lumalakas siya. Wariko'y tuyo naman agad ang sinampay

@Kaeyousse

What's up mga ka noisecash? Nagpa vaccine kami kanina ng flu vaccine. Ready na para sa face to face HAHAHAHA charot. Ayoko sana magpa vaccine nito pero pinush ako ni mama at ni ate dahil sakitin daw ako πŸ™„ pero sayang din naman kase ang pagkakataon. Free lang siya dahil bigay ng congresswoman sa amin pero may bayad talaga siya kung sa mismong ospital or clinic ka magpapa vaccine.

@Kaeyousse

Bungad sa akin sa IG 😻 Mareng jisoo apakan mo nalang akooo HAHAHAHA. Bakit isa lang kase ang jisoo sa mundo 🀧 cutieeeee huhu. Yikes! Malapit na ipalabas ang snowdrop, ngayon palang kinikilig na ako sa inyo ni hae in 🀣 bakit parang magkamukha kayo, charot. Stan BLACKPINK!!

@Kaeyousse

Good night na mga kaigan! Happy pay day sale pala mga marecakes HAHAHAHA. Walanjo patulog na talaga ako, biglang nag chat ang kaibigan ko na nabudol daw siya ni shopee. Saka ko lang naalala na pay day sale pala ngayon, so iyon nabudol din ako πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ dapat pala natulog nalang ako agad HAHAHAHA piste lagas na naman ang pera πŸ˜† Tulog na po ako mga kaigans, baka malibang na naman ako sa shopee πŸ₯΄ sweet dreams po sa ating lahat!

@Kaeyousse

Good afternoon guyssss! Happy Halloween πŸŽƒπŸŽˆ maypa Halloween present din 'yung isa kong prof, binigyan kami ng quiz ngayon HAHAHAHA. Piste nakakatakot nga yun, sobrang nakakagulat 🀣 Kumusta kayo? Ang ingay sa bahay namin ngayon. 'yung lola ko kase ang ingay ingay talaga, busy na busy sa paghahanda ng altar at pagkain na ihahanda niya raw sa patay. Nag gaganon din ba kayo? Naglalagay ng hayin na pagkain every undas para sa mga namayapang kamag anak?

@Kaeyousse

Good evening! Nakakain na ako ng hapunan, kain na rin po kayo. Adobo ang ulam namin, medyo napaaga naluto kaya maaga rin kami nakakain. Ngayon ay iniinom ko 'tong bigay ng pinsan ko HAHAHAHA. Nakakatuwa talaga pag nakakakita ako ng ganito, naaalala ko ang elementary days ko 🀣