read.cash Log in
@KYZAINE021

Talikuran mo na yung mga bagay na makakahadlang para umusad ka pataas.

Expect challenges as you go forward and step outside of your comfort zone. I'm sure He prepared you first before sending you into battlefield. Talikuran mo na ang nakaraan, ma excite ka sa kung ano ang pagdaraanan. Good man or hindi, basta ang alam ko ay isa itong way para ikaw ay maging matatag pa na lumaban sa hinaharap. Talikuran mo na ang nakaraan, bitawan ang dapat bitawan. Hindi ka makaka move forward hanggat may dinadala ka sa nakaraan, iwanan mo na yan! Leave it to God. Again, LEAVE IT TO GOD! I know it's hard, pero alam kong mas mahirap kung ipinilit mo pa rin na pang hawakan ang hindi na dapat. Talikuran mo ang nakaraan, dahil alam ko na may nag hihintay na magandang plano ang Diyos para sayo. Mahal ka ng Diyos! Kahit na pasaway tayo, nauna na Siya sa destination na tatahakin mo at lahat ay inayos na Niya para sayo. Talikuran mo na at maging matatag ka pa. Ano ang ginagawa ko para maging okay? Sa totoo lang, wala naman talaga akong ginagawa para maging totally okay.. Kasi kahit anong pilit mo, kung gusto ng Diyos na matito ka dyan sa sitwasyon na yan, diyan ka lang. Embrace your current situation. Lagi nga sinasabi na “Maximize your season”. Totoo nga, kasi ang bilis rin nang panahon. Kahit na ganito ang mundo, marami pa ring ibabato na lesson sayo para ikaw ay matuto. Let go and let God. Huwag ka mag focus sa mga bagay na hindi natin kayang solusyonan. If it’s your season to cry, cry out loud! If your season is to be happy, I’ll show it on my face. Indeed, there is a season for everything. Embrace the hardship, it will be worth it!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.