Ang sarap sa feeling na inaalagaan hehe Busy kasi ako mag aral kaya ang mama ko ay naka isip mag luto ng fries para may kainin daw ako,.bali kaming dalawa haha sinasabayan nya kasi ako sa pag aaral. Tapos pag gising na ko naka ready na ang coffee ko, lalagyan na lang nya ng mainit na tubig kaya pag bangon ko ayos na ang coffee ko,.pati mga damit ko di na ko naglalaba sinasabay na nya sa pagpalaba nya ng mga damit nila ng mga pamangkin ko. Di na din pala ako nakakapag luto dito samin kasi sila na ni papa.at ng ate ko ang nag luluto para focus na daw ako sa review. Kahot maghugas ng plato at ng kung ano pa man na mga gawaing bahay ay ayaw nila akong pagawin. Focus lang daw ako sa review sila ng bahala sa lahat. Kaya sobrang blessed ako na meron akong napaka supportive at considerate na family. Soon makakabawi na ko sa kanila. Magandang gabi po.
2 comments
Sweet naman ng mommy mo at pinagluto ka pa ng snack 🤗
Opo hehehe kaya maswerte talaga ako sa kanya.