Ulan
Pagpatak ng ulan sa ibabaw ng lupa Mga magsasaka'y tuwang-tuwa. Pagbungkal sa lupa Na dapat ay basang-basa, Upang ihanda ito sa pagpupunla. Mga punungkahoy, halama't hayop Na tila sa tubig ay dahop na dahop Kapag ang mga ito'y muling nakahigop, Sasariwang muli, at di na titiklop. Mga bata sa lansangan Alam kong lungkot na lungkot, Sapagkat sila'y di na makaiikut-ikot Sa kanilang palaruang maraming idinudulot Na minsa'y masaya at kung minsa'y malungkot.
No comments yet