read.cash Log in
@Johnx

Ilaw ng tahanan

ng Tahanan Ang sabi sa akin ng aking inaAko ay galing sa sinapupunan niya;Sa bahay-bata niya kanya akong dala-dalaSiyam na buwang singkad kanya akong inalala... Nang ako’y magkaisip aking nasilayanKung paanong mga anak kanyang alagaan;Sa langaw at lamok ‘di hahayaang madapuanBabantayan niya paglalaro mo sa lansangan... Bago ka mag-aral tuturuan ka niyaSisimulan sa tama gamit yaong "Abakada";Hindi ka niya kukurutin o kaya’y babatukanNi luluhod sa asin o didipa sa harapan... Ang pagluluto niya ay ubod ng sarapPiniritong bangus, sinigang na apahap;Bulanglang na gulay, pinangat na sapsapAdobo, mechado, afritada, at maski-pap... Sa pananamit ay kanya kang iyaayosPlantsadong mga damit, malilinis na sapatos;Mamahaling medyas sa iyo’y kanyang isusuotNang ang mga paa mo ay hindi magkapaltos... Kahit nang magbinata ang anak niyang mahalWalang tigil ang pagpayo upang ‘di mapahamak;Sabi n’ya, "Sa ‘yong sinta’y ‘wag lubos na magmahal,at baka mabigo ka, puso mo ay mawasak!" Kapag sumapit na ang anak sa graduationAng ina niyang mahal ay full of appreciation;"Anak, ang galing mo, you did it, please go on"Siya ay nagsisilbing palaging inspirasyon... Kahit mga anak niya ay mag-asawa naNaroon pa ring sumusubaybay sa kanila;Sukdulang tumulong galing sa kanyang bulsaHuwag lang maghirap ka sa pagpapamilya... Ang aking masasabi ay iisa lamangGaano man kalaki natamong katagumpayan;Sa likod ng anak ay may isang kaakbayWalang iba kundi ang mahal niyang Nanay! Mabuhay ang lahat ng ilaw ng tahanan!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.