Agent ZERO
Chapter 2 Her POV "Bunso kumapit ka!!!wag kang bibitaw!!sh*t!sh*t!sh*t!!!!" Naghehisterical na tong bugok Kong kapatid kanina pa..Simula kaninang hinahabol namin tong mga kutong lupang mga hold upper na to.. Nakikipagkarerahan pa kasi para tuloy akong action star na nakakapit dito sa bubong ng Mobil na gamit namin.. Kung pano?Ewan ko..basta mabilis ang pangyayari..kanina lang nasa loob pa ako ng Mobil..tapos..nagkagitgitan kami.. nung mailapit Ni kuya ang sasakyan namin sakanila..lumipad ako sa bubong ng Van ng mga hinayupak.OO lumipad!..tapos..pinasalubungan ako ng masigabong bala..so..ang siste balik sa Mobil..Hindi sa loob..sa bubong..wala eh..buhay ko na yung nakataya dun..di talon kung talon.. "TSS!!BILISAN MO NALANG!!" tanging tugon ko rito.. "PAPATAYIN AKO NI NANAY PAG NAGKAGALOS KA BWISIT KANG BATA KA!!!!!!" Pesteng yawa oh!!naisip pa niya yun sa sitwasyong to?!? "BIBILISAN MO O IKAW ANG UUNAHIN KONG BARILIN JAN TINYENTE?!?" Eto nanaman kami..hay!! kailangan ko pa ba siyang takutin para sumunod? "S--SABI KO NGA MA'AM" agad niyang pinaharurot ang mobil,kaya kahit papano ay dumikit kami ng konti sa van ng mga run away holduppers.. 'BAAAANGGGG!' BAAAANGGGG!' BAAAANGGGG!' Ay susme!ayan na naman sila!!nagpapa ulan nanaman ng bala!! "HOY PUTCHA!!TAYMPERS!!" Tang inang yan nadaplisan ako sa braso,,may gana pang ngisihan ako!! Hindi niya ba alam na mahirap kumapit dito sa bubong?!?mamaya ka talaga sakin!mahuli lang kitang tarantado ka! "HOY!REYES JR.!!AYUSIN MO PAGMAMANEHO!!PUTUKAN MO NAMAN!!NADEDEHADO AKO DITO!!" binitawan ko ang pagkakahawak ko sa isang gilid ng bintana at kinalampag ang bubong..para maalog tong lintek Kong kapatid.. "OO NA!ETO NA!!" Agad naman niyang tinugunan ng putok ang kabila kaya gumewang gewang ang sasakyan ng mga hinayupak.. "Ano?!?!eh di panis kayo!!" Pag yayabang ko pa.. Gusto Kong ngumisi pero..wag na nakaface mask pala ako kaya sayang muscles ng mukha ko di rin naman nila makikita.. Tinaasan lang nila ako ng tig isang gitnang daliri take note sabay sabay pa silang apat!! 'Aba't matapang ang mga hinayupak!' Gaganti na sana ako nang biglang.... "SCREEEEEEEEEETTTTCCCCCHHH!!" feeling ko nag slow motion ang lahat..nabitawan ko ang pagkakakapit ko sa bintana..atttt...tumilapon ako sa malamig na aspalto...atttt..lumagapak ang buong katawan pati kaluluwa ko.. 'Ouch!'the hell!! Naghiyawan naman sa tuwa ang mga magnanakaw na lulan ng Van na kanina pa namin hinahabol.. Pagkalagpas nila'y agad akong bumangon at iniluhod ang kanan kong paa at mas mabilis pa Kay flash na binunot ko ang baril ko sa holster nito at agad na inasinta ang gulong nila.. 'Not so fast fucktards!' Dalawang putok ang pinakawalan ko atttt... 'BOOOOGSSSSHH!' Tinamaan ang gulong ng mga gago at bumangga pa sa isang poste ang sasakyan nila.. Agad akong tumayo para sana sipatin kung buhay pa sila pero naalala Kong may drayber pala akong kasama.. isa rin tong hinayupak na to..bigla ba namang prumeno!ang lagay sumemplang ako sa malamig na aspalto. "Hoy!!labas!" Kinalampag ko pa ang bubong ng mobil.. Napapitlag pa ito at agad na binuksan ang pintuan pagkatapos ay lumabas.. "Anak ka ng teteng Tinyente!ngayon ka pa matutuod!kung kailan nagkakamatayan na!Pero sa chekwa ang bilis mo!!hala!ikaw pumunta dun,,tignan mo kung humihinga pa ang mga hinayupak!" Tinulak ko pa siya tsaka sinipa ang puwet niya ng mahina.. Agad naman siyang sumunod at binunot rin ang baril niya sa tagiliran.. Binuksan niya ang pintuan ng Van at agad na itinutok ang baril niya sa loob..sinipat niya rin ang passengers seat at ang drivers seat.. "Tigok na ata bunso!" Bumaling siya sakin at sumesenyas pa na pumunta ako dun.. Paika ika naman akong nagtungo dun sa kanyang kinalalagyan.. 'Phew!ngayon ko lang naramdaman may sprain ata ako sa paa,,masakit din ang buo Kong katawan tapos may umaagos pang dugo sa ulo at braso ko.. Pagdating sakanya ay agad ko siyang hinawi at ako naman ang sumipat sa mga hinayupak,,kinapa ko pa ang mga pulso nila..at.. Buhay pa!matibay rin ang mga to ah! "Buhay pa..asan na yung back up?" Pagkuway baling ko sa kasama kong ngayo'y nakangiwi pa na nakatingin sakin.. "M-m-may d-dugo bunso!" Tinuro pa niya ang ulo ko at braso. "Pfft!malamang may sugat!alangan namang tubig ang aagos pag may sugat..utak din Ano?" Sagot ko pa rito.. "Patay ako Kay nanay!" Naihilamos pa niya ang kamay niya sa mukha niya.. "Sana naisip mo yan bago ka prumeno!papatayin mo ata ako eh!" Binatukan ko pa siya pagkatapos kamuntik pa siyang masubsob sa kalsada. "Ehh naka red light eh!!tayo yung nagpapatupad ng batas, tapos, magbibeating the red light pa tayo?" Tinuro turo pa niya yung traffic light. Dami tuloy tumitingin samin..nakalimutan namin nasa public highway pala kami he he!! "Sinisi mo pa yung traffic light!eh di sana nagpasabi ka!Ano ba naman yung sabihin mong, 'bunso kumapit ka pepreno ako'!" Inambahan ko pa siya ulit ng batok pero di ko rin tinuloy..kakahiya sa mga nanunuod ehh..baka kung Ano pang sabihin. Napakamot lang siya sa batok niya tsaka nagpeace sign pa. Pispisin ko pa siya Jan tsk! "Tagal naman ng back up na yan..iposas mo na nga yang mga yan..tapos ilabas mo na dito" Utos ko rito.. Walang reklamo naman niyang ginawa ito.. Pasensya na kung Utos ako ng Utos.. Alangan naman ako gumawa eh masakit nga ang katawan ko.. Idagdag mo pang may sugat ako sa ulo at braso.. Pagkatapos niyang kaladkarin ang apat na hinayupak palabas ng van ay sakto namang dating ng 'back up' note the sarcasm guys.. Lumabas ang lulan ng mobil na dalawang pulis.. Payat yung isa samantalang ang kasama niya naman which is yung bumaba sa driver seat ay medyo may ipagmamalaking tiyan. May pagkapresko pa silang naglakad patungo samin tangan ang umuusok na sigarilyo na nakaipit sa kanilang daliri.. Sabay pa silang bumuga bago sumaludo at bumati.. Abat!!presko at relax ang mga to.. "Kayo ang back up?" Minataan ko pa sila mula ulo hanggang paa. "Yes ma'am" May pagmamalaki pang Sagot ng payat.. "Ako po si Police Sgt.Romero at ito naman si Police Corporal Basig" Patuloy pa nito at itinuro pa niya ang kasama niyang may ipinagmamalaking tiyan. Humithit pa ito sa kanyang sigarilyo at walang pag aalinlangang ibinuga niya ito sa harap ko.. Abat!ang tindi ng apog ng mga toh ah!!! mukhang may pagbubuntungan ako ng inis ko..😈 "Alam niyo bang ayaw ko sa mga hilatsa ng mukha niyo?" Deretsahan Kong pahayag na agad namang ikanabunghalit ng tawa nitong kapatid ko slash partner ko. Napakunot naman ng noo ang dalawang mahangin este pulis.. "Diba nasa protocol na pag nakauniporme Bawal manigarilyo?matic na yan diba?mga hinayupak na to!di man lang ginalang ang uniporme nila!ibuga buga niyo po sa harap ko yan!" Tinuro ko pa ang mga hawak nilang sigarilyo. "Gusto niyo bang pabalikin ko kayo sa training school hah!?!??" Agad naman nilang binitawan ang sigarilyo nila at tinapakan. "Umayos ayos kayo,,pagsisipain ko kayong dalawa Jan" Wala lang kami ngayon sa public nakatikim na tong mga to. Parang mga walang natutunan.. "P-pasensya po Ma'am" Kanda utal pang Sagot nung sarhento at nagbaba ng tingin.. Hindi talaga mawawalan ng ganitong klase ng pulis..hay buhay! "Siya!!kayo na bahala dito" "Ayusin niyo,,naku!" Tsaka na ako paika ikang naglakad patungong Mobil namin,pinulot ko muna yung sumbrero ko bago pumasok sa loob, agad namang sumunod sakin si kuya.. "Hospital o bahay?" Tanong pa niya sakin pagkapasok niyo. "Hospital siyempre,, patagalin muna natin yung pambubugbog sayo Ni nanay haha" Sinimangutan lang niya ako bago paandarin ang sasakyan.. Kung iniisip niyong pulis kami,, Tama kayo Jan tumpak na tumpak! Pero mga Intel. Agent din kami,,actually may sarili kaming departamento or agency which is hawak ng CIA at MIA lakas maka James Bond diba??haha..tinatawag itong 'PBOI' or Philippine Bureau of Intelligence.. Sikretong ahensya ito ng gobyerno na tanging ang pangulo lang ng pilipinas ang nakakaalam..ang trabaho namin ay hulihin ang mga perpetrators na Hindi kayang hulihin ng local na sangay ng gobyerno dahil sa malawak na impluwensya nila. .'Big Fish' kung tawagin namin,,sila yung mga may immunity sa batas kasi may datung.. Napipipi nila ang mga awtoridad pasakan lang nila ng pera at VIOLA!!instant laya na sila.. Nakukuha niyo ba??example: Drug lord,Mafia,at mga Yakuza mga ganon ba.. Hirap niyo kausap di man kayo nasagot!basta yun na yun haha! By the way I'm Captain Xane Andrea Reyes A.K.A Captain Zero,tong katabi ko naman siya ang kuya ko slash partner slash barkada Lieutenant Xian Andrew Reyes A.K.A Lieutenant Uno..Ewan ko ba kung bakit yan yung binigay nilang Alyas namin..trip lang siguro nila.. Tinatawag pa nga kaming kilabot ng mga big time criminals..like we care naman diba? ano't ano pa man wala na kaming pake basta ginagawa namin ng maayos ang trabaho namin..end of the story.kuha mo?
No comments yet