Liligawan
Hindi ko Alam kung Pano ko sisimulan Sabihin lahat ng aking nararamdaman Maghihintay ako kahit gaano katagal Papatunayan ko kung gaano kita ka mahal Matamis mong "OO" ay pagsisikapang makamit Marinig ko lamang ito'y para ng nasa langit Lahat ay gagawin kahit sungkitin pa ang bituwin Mapatuyan ko lang mahal, malinis ang aking hangarin Kaya't wag mangamba, mahal kita Sapagkat ikaw lang ang tanging aking sinisinta Buksan mo man ang aking dibdib Ngalan Mo lang ang siyang nakaukit Ang iyong ngiti lamang ang nasa isip Dala ko rin ito hanggang sa aking panaginip..
No comments yet