read.cash Log in
@Jhess18 more from that month

The fan girl

Chapter 4 **Third Person Po**v Jhesiah woke up early in the morning to go for a jogging nakagawian na kasi niya ito sa kampo dahil kada umaga eh may Revily sila o exercise ng mga sundalo at Hindi pwedeng wala yun sa sakanilang umaga.. Ika nga nila "*this is how we start our day!!jogging all the way!jogging everyday!"* Palaging chant nila yun habang nag jojog sila.. Hindi rin Jan mawawala ang walang kamatayan na: "*Kay hirap mag sundalo!takbo doon takbo dito!mabuti pa ang mag asawa!tanghaling tapat nakapatong pa!hooohhh haaahh!"* Napatawa nalang siya sa kanyang mga balintataw,, Ngunit sa pag aalala sa mga araw niya sa kampo kasama ng mga tropa niya ay muli nanamang umuukilkil sa kanyang isip at sistema ang larawan ng mga nasawing kasamahan,at ang mga panaghoy nila. Mga nagkalat na parte ng katawan,ang dugo at ang masang sang na Amoy nito na hanggang ngayon ay nanunuot sa kanyang kalamnan.. Napabuntong hininga na lamang siya sa kanyang mga balintataw.. "Karumaldumal" Tanging bulong nalamang nito at nagpatuloy na sa pag suot ng kanyang sapatos. Alas singko trenta pa lamang kaya Hindi pa sumisilip ang araw sa labas,,kayat tanging mga straight lights pa lamang sa kanilang sabdibisyon ang tanging nagpapaliwag sa kalye.. Pagkalabas ay nag stretching muna siya ng mga ilang minuto at inumpisahan na niya ang pag takbo,,mas pinili niya ang ruta papuntang Parke ng kanilang lugar medyo malayo layo rin ito sa kanilang tahanan kayat siguradong Hindi siya mabibitin. Banayad at may kalamigan ang hangin sa umaga na humahampas sa kanyang mukha tila ba binubura nito ang mga larawan sa karumaldumal na digmaan,, at ang natira na lamang ay ang mukha ng babaeng kanyang pinapangarap at inaasam....si Janine Teñoso.. Napangiti siya sa kung anu mang kanyang nasa isip ngayon.. Kahit sa TV,Mall shows,at concert lamang niya nakita ay tila ba nabighani talaga siya dito..na umabot sa puntong Hindi na siya nagka Jowa dahil nasa artista lamang ang kanyang atensyon pati narin puso atay at kaluluwa,, "Wala pa naman siyang Boyfriend kaya may pag asa pa ako...ang tanong PANO?" Tila ba may masamang hangin na bumugso sa kanya at bigla siyang napahinto sa pagtakbo dahil sa kanyang isipin ay mas lalo siyang namroblema.. Marahas niyang sinuklay ang kanyang buhok at nagbuntong hininga.. "Nababaliw na ako..ahahaha artista yun,siyempre wala akong pag ASA" Tila baliw nitong kausap ang sarili,,at saglit na napalinga baka may makarinig sa kanyang kausap ang sarili ay kung Ano pa ang isipin nila.. "Bahala na nga basta mahal ko siya" Huling sambit nito bago simulang tumakbo Pero ngayon ay para na siyang nakikipag karera sa Olympics.. ------ Pag katapos ng sagad sagarang takbuhan ay naglakad na lamang ito pabalik ng kanilang bahay.. Bitbit ang mga agam agam sa kanyang kaisipan ay wala sa sarili nitong natapos ang pagligo at namalayan nalang ang sarili na binabaklas ang posters at picture ng babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. "Hindi naman kita maaabot o mahawakan kaya tama na siguro ang kahibangan ko sayo..sayo na napupunta yung sweldo ko ahh" Muli ay napatawa siya sa Huling nitong sinabi. "Baliw na nga siguro ako para isiping may pag ASA pa ako, Putek!di nga kita malapitan eh!tama si Cla Hindi ko dapat i -confine ang sarili ko sa hanggang pangarap Kong pag ibig sayo." At muli nanaman niyang inalala ang komprontasyong yun na naganap kagabi bago siya matulog ay tumawag at nang asar ang kanyang kaibigan hanggang mapunta sila sa kahibangan niya sa nasabing artista.. Naalala niya ang mga katagang tila ba nagpagising sakanya. **Flashback** *"Tsong mukhang napapadalas na yung bili mo sa mga merch Ni Janine ah..masyado mo naman atang pinag lalaanan yan ng effort at pera Hindi ba sobra naman na ata yan"* *Kompronta sakanya ng kanyang kaibigan sa telepono tumawag kasi ito para mang asar,pero Hindi niya Alam kung bakit napunta sa ganitong usapan ang kaninay asaran lang..* *"Hoy Clarisa Sandoval mind your own business!Hindi mo naman pera ang pinambibili ko ahh"* *Tanging sagot na lamang nito para tapusin ang agam agam ng kaibigan.* *"Hoy kadin Jhesiah Sandigma!your fangirling with her is getting out of hand!naalala mo may show siya sa abroad tapos sinundan mo siya* dun sinama mo pa ako*?!?ang tindi mo tsong! Gising din Ano?tapos ngayon halos mapuno na yang kwarto mo ng gamit na puro mukha niya,,*tapos *mahal mo na siya?naku naku!!Alam mo kung anong susunod Jan magiging obsess ka na sakanya!ii-stalk mo na siya!mababaliw ka sinasabi ko sayo!siya yung tipo ng pangarap na Hindi natutupad tsong kaya tama na hah!go back to reality bago kita iuntog"* *Payo nito sakanya na medyo nagbalik sa kanya sa realidad..* *"Daming babaeng nagkakandarapa sayo timingin ka naman sakanila,wala man* sakanila *ang pangarap mo atleast totoo sila at abot kamay mo lang,pahinga ka na"* *Hirit pa nito sakanya bago tapusin ang tawag..* **End of flashback** ----- Bitin?gloomy ako ngayon so nadamay kayo ahaha! Vote comment mga ne at utoy! ©jhessito

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.