Saba at Beans Pinirito ko ito sa butter tapos nilagyan ko ng piniritong bawang. Hehe hindi ko kasi nailagay ang bawang kaagad nagkamali ako at may ibang iniisip pa sa work, kaya nahuli ang bawang hehe. Nilagyan ko lang din ito ng kaunting asin para lang may alat na malasahan. Ang sarap ng ganitong almusal sa susunod uulitin ko ulit ito hehe. Nag hahalo ang lasa ng bawang sa butter plus yung sariwang beans at yung manamis namis na saba. Kain po muna tayo, hehe maya maya mag gagayak na din ng pananghalian. Sobrang late na ang almusal ko hehe
2 comments
wow bhe healthy breakfast.
Byttered garlic ang peg hihi, sarap ng saging na saba hihi. Enjoy sis kahit late na.