Talong plus bagoong with calamansi Dinagdagan ko na lang ang tirang longanisa kanina at ayan ininit ko yung tirang bagoong plus nag prito ng talong. Ayun napalaban nanaman sa kanin kaming mag iina. Grabe ang dami nilang nakain nagustuhan nila yung sawsawan hehe. May convo pa tong big three ko. Sabi ng panganay, unahan tayo kung sino mahuli mag huhugas ng plato. Eh ang madalas talagang mahuli sa lamesa ang aking pangalawa. At ayun nga ang nangyari siya ang nahuli. Nakapag hugas na sila ng plato dati pero once palang si Jem, at nag tulong pa sila ni missy nun. Pero ngayon gusto niya siya lang daw at pinag mamasdan ko lang siya. Aba nagagamit niya na nga yung panood nood sa akin at patanong tanong. Hehe nakatapos siya! Sabi naman ng ate next time tuturuan na si Mj. Tapos dapat daw sila na lang mag huhugas pag tapos ng almusal, tanghalian at hapunan. Nakakaproud at nakakatuwa lang na gusto talaga nilang tumutulong at nakikita nila kasi na madalas busy ako sa work, late na ako nakakagawa ng gawaing bahay. Yun lang po hehe, napahaba na ang kwento ko. Bilang nanay nila natuwa kasi ako hehe mamaya kwento ko din kay mister.
2 comments
Ang tatalino ng mga anak mo sis, they know how to work sa house na which still has team work hihi.
Hehe salamat sis. Nakikita ko sa kanila ung mga bata pa kami. May kanya kanya kaming naka toka na trabaho.