Module retrieval Galing ako kanina sa school at sa may malapit na bilihan dito ng mga pang ulam. At tirik na tirik ang araw. Siguro kung ang iba mahina sa init talagang mahihilo ka. Kaya sa mga lalabas po mag ingat po kayo ha noisefamily. Inom po kayo parati ng tubig. Ang sarap sana mag swimming ngayon, pero hindi kami maka punta punta at bukod sa oras ay wala pa kami pareho mag asawa, yung budget kailangan na mag tipid ng husto dahil sa pagtaas ng mga presyo. At isa pa din natatakot pa din ako na ilabas sa ganun ang mga bata. Kahit ang dami ng lumalabas, pero ako bilang ina natatakot pa din sa ganung maraming tao.
2 comments
Ang init nga sis dapat naka jacket o kaya may payong ka...
Buti nga po sa inyo sis ay mapuno kahit papaano may hangin hangin. Tama delikado rin talagang maglabas, okay na ang sa balde muna ang swimming hahaha safe pa