Magandang umaga noisefamily! Rise and shine everybody! Ang ganda ng sikat ng araw ngayon dito sa amin kaya naman naglabas na kaagad kami ng sinampay para mas matuyo pa sa araw ang nilabhan ko kahapon. Kamusta po ang inyong umaga? Nawa'y lahat tayo ay nasa maayos na kalagayan at malusog ang pangangatawan. Yun lang ay sapat na para tayo ay maging masaya. Nag almusal naba kayo noisefamily? Ang mga chikitings ko ay tapos na, kasabay ang papa nila kasi rest day nanaman ng papa nila ngayon! Kaya tuwang tuwa sila at may oras sila para sa bonding moments. Ako naman kakatapos lang sa early morning duty sa work. Kaya magkakape na rin sa wakas. Hihi
2 comments
OK Lng umaga ko sis medyo busy po..
Hello sis, ngayon po ito nakaupo upo na rin ako hehe at nabusy na po kanina. Magandang tanghali sis