Almusal na Pilipinas! Magandang umaga noisefamily? Kamusta pp ang inyong mga tulog? Kayo po ba ay puyat kagaya ko? Hehe alas tres nagising si Ela, yung patulog moment na ako nagising siya kaya naglaro laro muna kami kanina hehe at kumain din siya haha. Nakakatuwa na ang isang batang kagaya niya, talagang ang daming energy sa katawan na nakakahawa. Antok na antok na ako pero nakapaglaro pa kami at ayun napagod din siya kaya sabi niya mama cheeeep, yung word niya na yun, ang ibig sabihin ay sleep hehe. Nagising na din siya ngayon kasi nagulat kay papa niya. Yung boses ni papa niya ang lakas kanina ayun pati siya nagulat hehe. Anyways let's have some coffee na!
1 comment
Simpleng almusal pero panalo ah. Ako di naman puyat, di ko na rin natapos ang pinapanood ko dahil sa antok.