read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Matatawa kana lang talaga sa mga chikitings! Habang may ginagawa sila sa labas na activity para sa module, nagsalang na ako nito kanina. Alam kong pag pagod na sila hahanapin na nila ang meryenda. Nagbanggit ang papa nila na next time mag banana que naman daw, ngayon siguro natandaan nitong pangalawang anak ko na ayun ang lulutuin ko. Nagtanong siya, "ma gagawa kana po ba ng biyabiya que? Sabi ko naman ano yun nak? Sumagot ang panganay, anong biyabiya que, barbeque, eh di sagot ko nanaman, ha? Anu yun ate? At pareho silang natawa sa sinasabi nila. Hindi ko alam saan galing ang biyabiya que na yun Lol! At bandang huli naalala na nila na banana que, haaay nakatingin na lang sa kanila ang maliit na si Ela at tawa na lang ng tawa ang ama nila. Anyways ito na po yung hinango kong saba, hehe tara na kain na at magkape na!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.