Yun oh! Monggo! Epekto ng mga nakikita kong monggo kahapon hehe. Ayun nag crave na talaga at di na napigilan na magluto ng monggo. Relate ba kayo noisefam? Pag nakaka kita ng foods dito hehe hindi mapigilan na mag crave. Buti na lang at abot kaya itong monggo hehe. Paborito kasi namin ng panganay ko ito, kaya push talaga haha! Kumakain naba kayo noisefam? Or mamaya pa? Kami maya maya pa. Inagahan ko lang talaga makapagluto at nagbaon din si mister nito para di na siya bumibili sa labas. Nakasubok kasi siya dati na bukod sa medyo mahal ang tinda kasi nga ngayon wala naman ng mura, eh ang nangyari, sumakit ang tiyan niya. Wala naman na daw siyang ibang kinain o mineryenda kungdi yung binili lang na ulam, kasi nagbabaon siya ng kanin. Haay kaya ayun palagi na siya nag babaon, wag lang ako matanghalian sa pagluluto hehe.
5 comments
Friday favorite momshie☺️😋pero kahit hindi Friday nagluluto pa rin ako nyan pag naisipan. Tama ka , mura na healthy pa. Kahit ano pwede isahog. Nagtatabi ka rin ba nyan after mo pakuluan? yung lalagyan mo ng asukal at gatas?? hehe gawain ko kasi yun. May ulam na may meryenda pako later😋
Friday it's monggo day! Kami po maya maya pa rin dahil nagsasara pa ang inay.
Hehe oo nga sis, nakakatuwa at natapat pala sa friday. Kasi di ko na namalayan ang araw. Ganun ba sis, maaga pala kayo nag sasara? Or mamaya mag oopen ulit?
Ang bilis nga mga araw no sis. Magtatanghalian lang po tas kapag malilim na e tinda na ulit hanggang 8:30 ng gabj
Napakasarap talaga munggo at masustansiya pa...hindi malinis ang pagkakaluto no friend