After bilo bilo, maya maya lang may naghahanap ng meryenda! Akala ko nga ay hindi na maghahanap kasi ang aking dish ngayong gabi ay monggo medyo matagal maluto kaya kanina ko pa sinalang. Eto napaluto ako ng di oras kasi ang aking mga bebe ay gusto daw kumain ng tinapay at hotdog. Hindi talaga sumasapat ang minsanang meryenda sa kanila minsan. Lalo na kapag panay panay ang kanilang laro or module talagang pagkanatapos ay maghahanap sila ng foods. Buti na lang talaga may stock pa ako kahit papaano kasi kung wala mahirap bumili dito kasi nasa kabundukan kami, may tindahan naman pero hindi lahat mabibili doon. Having may coffee now while visiting here and waiting my mung beans to be more malambot pa. See you po ulit later.
No comments yet