read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Pagbigyan na ngayon lang naman! Nag nilagang saging ang mga bata sa meryenda nila kanina. Eh ayun, hindi nila naubos kanina at marami rami naman. Kinain lang nila ulit ngayon, ako naman after ng work ko ngayong hapon, sabi ni missy, hala ma, naubos na yung nilagang saging. Paano ka po ma? Tapos sabi ko hehe luto na lang ako ng pancit canton, tamang tama at may nilagang itlog pa kasi kanina di naman kinain ni mister bago pumasok, hehe ngayon nagluto ako siyempre tatlo, at alam kong gusto nila ito. Natatawa ako at nakatingin sila sa akin na parang hindi ako mang aalok haha. Madalang ko kasi talaga sila payagan na kumain nito kaya ganun haha alam nilang madalas eh di pwede. Pero pagka sabi kong tara nak kain tayo, aba hehe nabuhayan, "talaga ma" sabi ni Mj, "love nga ma, love nga" sabi ni Jemjem, " thank u ma" sabi ni Missy, sabay ngiti silang lahat labas ang ngipin hehe. Ayun hehe ito po meryenda tayu ulit noisefamily!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.